PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man treats friends, bar staff; refuses to pay PHP84K bill

It's supposed to be his despedida party.
by Bernie V. Franco
Published Jul 8, 2024
beer cheers
The waiter mentioned that the man initially said his budget was PHP15,000, but the bill ended up totaling nearly PHP84,000.
PHOTO/S: Cottonbro Studio via Pexels

May kasabihang "live within your means," na nangangahulugang huwag maglustay nang higit pa sa kaya ng pera mo.

Pero ano kaya ang pumasok sa isip ng isang lalaking nagpadespedida, nagpa-inom at nagpakain ng mga kaibigan. Yun pala, hindi niya kayang bayaran.

Ang ending, inaresto at sinampahan ng mga reklamo ang lalaki, gayundin ang kasama nitong babae.

Nangyari ang insidente sa isang resto bar sa Ramon Magsaysay Street, Sampaloc, Maynila, nitong weekend, ayon sa reports.

Despedida ng lalaki bago siya sumampa ng barko bilang seaman kaya nagpa-open-bar treat siya sa mga kasamahan at maging sa staff ng resto bar.

"Itong suspek natin na si alyas Adrian ay pumasok dito at may kasama siya. Kung saan nga pagpasok nila doon, pinasarado niya itong bar na ito at ililibre niya lahat to include yung mga empleyado din ng bar,” ani Police Major Philip Ines, Manila Police District spokesperson sa ABS-CBN News.

Nang malaman daw ng lalaki na umabot sa almost PHP84,000 ang kanyang bill, nagalit ito at nanakit ng waiter, sabi ni Ines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa parehong reports ng websites ng ABS-CBN at GMA, isinaad na ayaw niyang magbayad.

Read: Pinay, 74, dies after being pushed in U.S. train station

MAN'S DESPEDIDA BUDGET

Kuwento naman ng waiter, dumating sa bar ang suspek at nag-abiso na magkakaroon sila ng inuman ng kanyang mga kaibigan.

Sinabi ng lalaki na PHP15,000 ang kanyang budget.

Lahad pa ng waiter, “Ang sabi niya sa akin, ‘Puwede kayo uminom bibigyan ko kayong dalawa.'

“Ako naman, nag-overwhelm ako kasi wala naman kami kinikita lagi dito. Pumayag kami, kinagat namin yung offer niya...”

Pero kahit lumampas na sa PHP15,000 ang bill, patuloy sa pag-order ang lalaki.

Hindi raw ito tumigil sa ka-o-order kahit umabot na sa PHP21,000 ang running bill.

Ang usapan daw nila ay magbabayad ang lalaki pagsapit ng 1:00 A.M. – 3:00 A.M. By that time, PHP70,000 ang bill.

Dakong alas tres ng madaling araw, nasa PHP83,480 na ang bill, at nilapitan umano ng waiter ang lalaki at kasama nitong babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masinsinang kinausap ang dalawa at tinanong kung may pambayad sila.

Nagalit daw ang lalaki sa waiter dahil sa pag-aakalang hindi siya makakabayad.

“Ayun, doon na nangyari yung gulo,” saad ng waiter.

Read: Italy will pay you up to PHP1.8M to live in Tuscany

Man and woman police station; bill
The man and woman at the Sampaloc Police Station and photo of their bill
Photo/s: Manila Police District - PIO
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At ang ending, bukod sa sinaktan ng lalaki ang waiter, tumanggi raw itong magbayad.

Doon na humingi ng saklolo ang resto bar staff sa Sampaloc Police Station, na inaresto ang lalaki at babae.

Hindi naman nagbigay ng komento ang lalaki ukol sa isyu, at ipinaliwanag naman ng babae na niyaya lamang umano siya ng lalaki para mag-date sa bar.

Sasampahan naman ng reklamong estafa at physical injuries ang mga suspek.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The waiter mentioned that the man initially said his budget was PHP15,000, but the bill ended up totaling nearly PHP84,000.
PHOTO/S: Cottonbro Studio via Pexels
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results