Nasorpresa ang mga namamasyal sa National Museum sa Manila nang mamataan nilang magkasama sa lugar ang Kapamilya stars na sina Jericho Rosales, 44, at Janine Gutierrez, 34.
Terno ang suot nila. Naka-cropped sleeveless white top si Janine habang naka-white button-down shirt naman si Jericho.
May escort silang security guard ng lugar, base sa videos sa TikTok. May waring tour guides ding sumama sa kanilang paglilibot sa museum.

Hindi kaila sa publiko na co-stars sina Janine at Jericho sa upcoming prime-time series ng ABS-CBN, ang Lavender Fields.
Ang bida sa serye ay sina Jericho at Jodi Sta. Maria.
Komento ng ibang netizens, posibleng bahagi raw ito ng promo ng show o isang paraan ng bonding session para sa proyekto.
Tanong ng iba, posible rin kayang "date" iyon?
Namataan na rin kasing magkasama ang dalawa sa mall bandang first week of June.
Usap-usapan noong nanood ng sine sina Jericho at Janine nang dalawa lang sila sa isang mall sa Makati City.
Sumama rin si Jericho sa launching ng single ng nakababatang kapatid ni Janine na si Diego Gutierrez noong July 3.
Makikitang nagbi-video pa si Jericho habang nagpe-perform si Diego.

May isa pang okasyon na isang fan ang nagpa-picture sa kanila sa isang bookstore.
Komento naman ng iba, sakaling nagde-date sina Jericho at Janine ay posible naman.
JERICHO ROSALES AND JANINE GUTIERREZ PAST RELATIONSHIPS
Si Janine ay sinasabing walang karelasyon sa ngayon.
Huling naugnay kay Janine ay si Paulo Avelino, pero hindi nila opisyal na kinumpirma kung nagkaroon sila ng relasyon at kung kailan sila naghiwalay.
Si Jericho ay hiwalay sa asawang si Kim Jones, at naisapubliko iyon noong Enero.
Noong April 17, 2024, inulat ng PEP Troika na may source na nagsabing sumubok manligaw si Jericho kay Kathryn Bernardo.
Dumalo pa si Jericho sa birthday bash ni Kathryn sa El Nido, Palawan, noong Marso.
Pero sinasabing mas boto umano ang ina ni Kathryn sa isa pang napababalitang manliligaw ng dalaga na si Alden Richards.
Read: Pamilya ni Kathryn Bernardo, mas boto kay Alden Richards sa mga manliligaw ng aktres?
Sa WHAT PEP Knows report noon ding Abril, may hiwalay na source na nagsabing totoong nanliligaw si Jericho kay Kathryn.
Pero kalaunan, tila naudlot ang panunuyo ni Jericho kay Kathryn. Si Alden ay tuloy pa rin sa panliligaw kay Kathryn.
Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo wooed by Alden Richards, Jericho Rosales, Donny Pangilinan?
