PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Gonzales sees a future with girlfriend Rabiya Mateo

Jeric: "I can say right now na nakikita ko sa kanya yun."
by Melba R. Llanera
Published Jul 11, 2024
Jeric Gonzales sees future with Rabiya Mateo
Jeric Gonzales on girlfriend Rabiya Mateo: "We're very happy for each other. We're planning na mag-invest, mag-ipon para sa sarili namin for the future."
PHOTO/S: @jericgonzales07 Instagram

Hindi nagmamadali si Jeric Gonzales pagdating sa pag-level up ng relasyon nila ni Rabiya Mateo.

Read: Rabiya Mateo and Jeric Gonzales: A relationship timeline

Ito ang pahayag ng Kapuso actor nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may plano na siyang pakasalan ang beauty queen-turned-actress.

"Right now, wala pa. Pero of course, kung magkakaroon ako ng plan for engagement, secret siya, surprise, hindi ko sasabihin sa kanya," sagot ni Jeric.

Jeric Gonzales and Rabiya Mateo at Hong Kong Disneyland last November 2023
Jeric Gonzales and Rabiya Mateo at Hong Kong Disneyland last November 2023
Photo/s: @jericgonzales07 Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakikita na ba niya kay Rabiya ang taong gusto niyang makasama habambuhay?

Sagot ni Jeric, "I can say right now na nakikita ko sa kanya yun. We're very happy for each other."

Nakapanayam ng PEP si Jeric sa 7th The EDDYS Awards Night, na ginanap sa Marriott Hotel noong July 7, 2024.

Dumaan man sa pagsubok ang kanilang relasyon, na naging dahilan ng sandaling hiwalayan nila noon, masasabi raw ni Jeric na mas matibay na sila ngayon ni Rabiya.

"Sa una talaga medyo mahirap, medyo rough. Pero right now, we're very happy.

"We're planning na mag-invest, mag-ipon para sa sarili namin for the future.

"Kailangan naman talaga pinag-uusapan pag may problema, yun yung mahalaga. Yun ang maganda sa amin, pinag-uusapan namin."

Dugtong pa niya, "We're good, we're great.

"Ayun, pareho kaming busy at suportahan lang. Hindi kami masyadong nagkikita pero we're blessed na may mga work kami."

Pareho raw silang abala sa kani-kanilang trabaho sa GMA-7.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Jeric ay kabilang sa cast ng primetime series na Widows' War, habang si Rabiya ay may special participation sa malapit nang ipalabas na Pulang Araw.

"Hindi naman kami nag-aaway. Very understanding si Rabiya.

"Happy siya sa mga nangyayari ngayon. Kahit araw-araw akong nagte-taping, wala na akong time, naiintindihan niya."

Read: Jeric Gonzales says Bea Alonzo didn't let broken engagement affect her work

JERIC ON INVESTMENT SCAM

Noong Marso 2024, napabalitang nabiktima ng scam si Rabiya.

Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel ng Chika Minute, halos isang milyong piso ang nawala kay Rabiya dahil sa panloloko umano ng kanyang business partner.

Sinabi naman ni Jeric sa PEP na siya rin ay nabiktima ng scam.

"Regarding sa scam, pareho kami dun. Pero mas malaki yung sa kanya.

"We know naman pag na-scam tayo kung gaano kasakit. Pinaghirapan namin yung pera.

"Pero right now, we're helping each other para mag-move on.

"Hindi man namin mabawi yung pera, kumita na lang kami in other way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Jeric, "Huwag tayong magtiwala kahit na kanino pagdating sa pera.

"Kahit kaibigan, kahit sino pa yan, basta yung pera mo pinaghirapan mo, huwag kang magtiwala sa iba talaga."

Read: Jericho Rosales, Janine Gutierrez spotted at museum, bookstore

JERIC GONZALES BIG FAN OF BEA ALONZO

Napapanood sa ngayon si Jeric sa seryeng Widows' War sa GMA-7.

Gumaganap siya bilang Francis, kapatid ni Bea Alonzo. Pinaghandaan ni Jeric ang role lalo't mahuhusay na mga artista ang kasama niya rito.

"Ang ginawa kong atake, at first nung sinabi sa akin ni Direk [Zig Dulay] na magpapayat ako, dahil kailangan daw sa role ko.

"Si Francis, may sakit dito, may cancer. Inaral ko mabuti yung role ni Francis.

"Nakaka-pressure kasi sobrang gagaling ng mga kasama ko dito.

"Si Ms. Bea, Ms. Jean [Garcia], lahat, bawat character dito ay aabangan niyo dahil lahat magaganda ang mga characters namin.

"Si Francis, inaral ko siya. Yung script, talagang binasa ko mabuti. Every script na dumarating, talagang exciting, kasi maganda yung kuwento."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Jeric, may mga katangian ang role niya bilang si Francis sa kung sino siya sa totoong buhay.

"As a person, masasabi ko na may similarities kami ni Francis, lalung-lalo na sa pamilya.

"Pero si Francis kasi handa siyang pumatay, handa siyang ibigay ang lahat para sa pamilya niya.

"Hindi ko pa na-test kung ganun ako sa totoong buhay, pero sa tingin ko gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko."

Puring-puri naman ng aktor si Bea at aminadong fan siya nito.

"Masarap siyang katrabaho. Si Bea, sobrang professional niya, ang galing-galing niya.

"Personally, fan boy pa rin ako. Fan talaga ako ni Ms. Bea Alonzo ever since.

"May mga eksena na nai-starstruck ako sa kanya, like yung scene namin last Friday, yung confrontation namin.

"Sinabi ko sa kanya na, 'Grabe, parang nakita ko yung performance mo sa Four Sisters And A Wedding.' Yun nga, nag-trend nga siya.

"Sabi ko, sobrang galing niya. Nakaka-amaze lang na nakakagawa kami ng ganung eksena na kasama na niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For me pinapanood ko lang siya noon, ngayon kaeksena na."

Ang Widows' War ang ikalawang pagsasama nina Bea at Jeric sa teleserye. Una ay sa Start-Up PH.

Read: Pinay and American ex-bf reconnect on Facebook after 48 years

CROSSOVER STAR FROM ROYAL BLOOD

Ayon din kay Jeric, may karakter mula sa Royal Blood ang magko-crossover sa Widows' War.

Bida sa defunct Kapuso prime-time series na Royal Blood si Dingdong Dantes.

Kasama niya sina Rhian Ramos, Mikael Daez, Megan Young, Lianne Valentin, Dion Ignacio, at Tirso Cruz III.

Ani Jeric, "Yes, abangan ninyo kasi mayroon nang magko-crossover.

"Last taping namin, may nakasama na kaming artist from Royal Blood, pero ayoko pang i-spill kasi baka ako pa lang ang unang nagsabi."

Hindi man binanggit ni Jeric kung sino ang tinutukoy niya, pero nai-announce nang kasama sa cast ng Widows' War si James Graham, na isa sa may mahalagang papel sa Royal Blood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales on girlfriend Rabiya Mateo: "We're very happy for each other. We're planning na mag-invest, mag-ipon para sa sarili namin for the future."
PHOTO/S: @jericgonzales07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results