PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sports journalist Chino Trinidad passes away at 56

His daughter confirms the sad news.
by Bong Godinez
Published Jul 14, 2024
Chino Trinidad
Long-time sports journalist Chino Trinidad was on his way to a meeting in Pasay City when he suffered a heart attack.
PHOTO/S: Chino Trinidad (Instagram)

Pumanaw na ang sports journalist na si Manolo "Chino" Trinidad.

Umaga ngayong araw ng Linggo, July 14, 2024, nang nagsimulang kumalat sa social media ang balitang namatay na ang 56 anyos na mamamahayag.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Floresse Trinidad sa GMA News Online ang malungkot na balita.

"Yes, we are very sad to share the news of his passing last night, July 13, 2024," ang maikling pahayag nito sa isang text message.

Atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ni Chino.

Ayon sa ulat, papunta sana ito sa meeting na gagawin sa Newport World Resorts, Pasay City, kahapon kasama ang ilang personalidad, kabilang ang tanyag na billiard champion na si Efren "Bata" Reyes.

Sa San Juan de Dios Hospital, Roxas Boulevard, Pasay binawian ng buhay si Chino.

Ilan sa mga kasamahan ni Chino sa larangan ng sports media ay agad na nagpahayag ng pakikiramay at pagdadalamhati sa mga naiwanan ng sports personality.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SPORTSCASTING CAREER

Si Chino ay anak ng beteranong sports columnist na si Recah Trinidad.

Taong 1991 unang pumasok sa industriya si Chino bilang sports reporter sa radyo.

Kasabay nito ay naging sideline reporter at di kalaunan ay game commentator si Chino para sa Philippine Basketball Association o PBA at boxing events.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang matagal ding nagtrabaho si Chino sa GMA Network bilang sports reporter. Nilisan niya ang kumpanya nung 2023 after 23 years of being a Kapuso.

Hindi malinaw kung ano ang rason ng kanyang pag-alis, pero bulalas nito sa interview na lumabas sa website na Politiko, "Ang wish ko lang, ang prayer ko lang sana nagtapos ng maayos at hindi sa paraan na ganito na yung pagtatapos na mapait."

Sa panayam ay saglit na binalikan ni Chino kung paano siya napadpdad sa GMA Network.

Kuwento niya, “Mike Enriquez who passed away, joined the creator. Alam niyo kung gaano kalaki ang utang na loob ko kay Mike Enriquez? Alam niyo [siya] ang nagdala sa akin sa GMA in 2000 noong kinuha niya ako sa DZBB. And that started my career, it gave me life, gave my family, gave me a platform for the last 23 years."

Read:

Veteran broadcaster Mike Enriquez dies at 71

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mike Enriquez's memorable TV moments

SAMAHANG BASKETBALL NG PILIPINAS CO-FOUNDER

Bukod sa kanyang media career ay naging abala rin si Chino sa iba pang bagay na may kaugnayan pa rin sa sports.

Tumayo siyang commissioner ng Philippine Basketball League nung 2000 hanggang 2010.

Nitong Mayo ng kasalukuyang taon ay itinalaga si Chino bilang commisioner ng Sharks Billiards Association, na siyang unang billiards professional league ng bansa.

Isa pa sa naging kontribusyon ni Chino sa local sports ay ang pagiging co-founder ng Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP nung 2006. Tumatayo ito bilang governing body ng local basketball para mapalakas ang nasabing sport partikular sa international competitions.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Long-time sports journalist Chino Trinidad was on his way to a meeting in Pasay City when he suffered a heart attack.
PHOTO/S: Chino Trinidad (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results