Gumawa agad ng ingay sa kanyang pagbabalik sa TV5 ang komedyante at host na si Willie Revillame.

Ngayong araw, July 14, 2024, ginanap ang pre-debut event para salubungin ang bagong programa ni Willie sa Kapatid network na pinamagatang Wil To Win.
Read: The Win Girls, co-hosts sa show ni Willie Revillame sa TV5
Bukas, araw ng Lunes, July 15, pormal na magsisimula ang programa na, katulad ng mga dati niyang programa, ay game show din ang format.
Read: Gretchen Ho asks Willie Revillame about love and relationship
Pero bago iyon ay isang welcome party nga ang idinaos sa New Frontier Theater sa Quezon City na tinawag na WIL-come Back Party.
Dito ay may mga artista ang nagpahatid ng kanilang pagbati kay Willie sa kanyang pagbabalik telebisyon sa pamamagitan ng video greeting.
WILLIE'S SLIP OF THE TONGUE MOMENT?
Isa sa mga bumati kay Willie ay ang aktor at Batang Quiapo lead star na si Coco Martin.
Nagpasalamat naman si Willie kay Coco sa magagandang salitang binitiwan nito para sa kanya at sa bago niyang programa.
“Thank you very much Tanggol! Thank you Coco sa pagbati mo. I like your bangs ha… Sobrang bait ‘tong si Coco Martin," sambit ni Willie matapos mapanood ang video ni Coco.
Ang pangalang Tanggol ay ang karakter na pinasikat ni Coco sa Batang Quiapo.
Read: Goodbye Ivana Alawi, hello Kim Domingo sa Batang Quiapo?
Hindi rito natapos ang mensahe ni Willie para kay Coco. Ngunit marami ang nagulat sa sunod na sinabi ng game show host.
"Coco, to Julia, at sa mga mga anak n’yo, pamilya mo, salamat Coco,” bulalas ni Willie.
Ang Julia na tinutukoy ni Willie ay ang aktres na si Julia Montes, ang rumored girlfriend ni Coco.

Read: Coco Martin and Julia Montes reel-to-real romance: A timeline
WILLIE'S COMMENT LEAVES NETIZENS PUZZLED
Matagal nang usap-usapan na may dalawang anak sina Coco at Julia subalit ni minsan ay walang opisyal na kumpirmasyon nito mula sa dalawa.
Kaya ganun na lang ang pagkagulat ng marami sa sinabi ni Willie sa estado ng magkasintahan.
Ano naman kaya ang reaksyon nina Julia at Coco sa sinabi ni Willie?