Playful at mapagbiro si Wency Cornejo sa All Hits: Just The Way You Want It concert noong Hulyo 11, 2024, Huwebes ng gabi, sa The Theatre at Solaire. Pero may mga hirit din siyang humahaplos o kumukurot sa puso.
Poker-faced na lahad ni Wency matapos awitin ang "Mangarap Ka," “Welcome to my first solo concert here at The Theatre at Solaire.”
Read: Bini, SB19 panalo sa concert attendance; milyones na ang TF?
Napahiyaw ang audience at nagpalakpakan, saka nagpatuloy ang naka-dark shades na si Wency, “I would like to thank my very, very special guests.
“I am very fortunate to be accompanied in my very first solo show here at Solaire… ang gagaling nung artists, 'no?
“So, isa-isahin natin ang ating mga special guests for tonight. Kasi kung wala sila, malamang walang manonood sa akin dito sa aking solo concert ngayon.”
May mga natawa sa audience at nagsabing, “Meron!”
“Ewan lang natin. Andito na kayo, e,” pakli ng anak ni Mel Tiangco.

WENCY CORNEJO ON GENEVA CRUZ, NEOCOLOURS
Obviously, nagbibiro lang si Wency pero sinakyan ng audience ang kanyang emeng hinaing.
Sabi ng vocalist noon ng bandang AfterImage, “So first of all, sino ang nandidito para kay Lloyd Umali?”
May mga nagpalakpakan, sumigaw, o natawa.
Ganun din sa mga sumunod na tanong ni Wency, “Sino ang nandidito para sa MYMP? Sino ang nandidito para kay Geneva Cruz?
“One little known fact about Geneva and I, we share the same birthday which is April 2. Mas bata lang ako sa kanya nang konti…
“We fall under the sign ng Aries. And medyo mga baliw kami. The only question is, sino ang mas baliw sa amin ni Geneva? And I know the answer.
“Definitely si Geneva ang mas baliw dahil pinakasalan niya si Paco [Arespacochaga]."
Read: Wency Cornejo, may hirit kay Geneva Cruz tungkol kay Paco
Patuloy niya, “Sino ang nandidito para sa Rivermaya? Sino ang nandidito para sa Neocolours?
“Alam niyo, ako talaga, sarap na sarap na sarap akong kasama ang Neocolours! For one reason only.
“Dahil hindi na ako ang pinakamatanda sa stage. Mas matanda sila kaysa sa akin.
“Usually pagka nagge-guest ako sa mga shows, it’s usually the '90s people who I accompany onstage… most of the time talaga, ako yung pinakamatanda sa mga performers lagi.
“And tonight, I am ecstatic that I am not the most geriatric person on this stage.”
Napabuntong-hininga si Wency, “So on a more somber, more serious note. I would like to do this next song for the people in the audience who have found somebody to treasure in their life.
“Ang hirap makahanap. Mahirap talagang makahanap ng mga taong puwede nating mahalin, at mamahalin din tayo pabalik.
“In fact, I am… empty, ika nga nila. But I know the feeling, I’ve gone through it. And this song exactly expresses how it is to love truthfully, to love wholeheartedly.”
Ang tinutukoy siyempre ni Wency ay ang "Hanggang."
Sa pasakalye ng awit ay may mga nagpalakpakan.
Hiyaw ni Wency, “Tigil! Time, time out. Hindi ako masaya.”
Umugong ang tawanan. “Masaya ako kanina nung sa Neocolours kasi mas matanda na sila. Pero parang hindi ako nasisiyahan sa ginagawa ninyo.”
Agad-agad, lumakas ang palakpakan at may mga nagsigawan.
“Stop! Stop! Ulitin natin, tingnan natin.”
Nag-umpisa muli ang pasakalye ng awit, at malakas pa rin ang palakpakan at sigawan.
Napakunot-noo si Wency, “Sandali, sandali, STOP! Ang fake!”
Hagalpakan ang audience.
“Napaka-fake. Yung totoo, yung totoo. Again.”
Nagpasakalye muli ang kanta, at mas malakas ang sigawan at palakpakan, “Parang totoo na, e…”
At nag-umpisa nang umawit si Wency.
"HANGGANG"
Masigabo ang palakpakan pagkatapos kantahin ni Wency ang "Hanggang.
“Magyayabang lang akong konti, ha? This last song, actually it’s my last song for tonight, I wrote this…”
May sumigaw ng we-love-you, na sinabihan ni Wency, “Sino yon?! Baket? Wala akong pera! Hindi ka makakautang sa akin!”
Nag-we-love-you uli yung sumigaw, at ang sey ni Wency, “I love you too. Bakit ‘we’? Ilan ka ba?”
Tawanan siyempre ang audience.
“Sino yun? Sa taas ba yun? Where are you?!… Heh! Lasing ba tayo, pare?
“Hindi, hindi. Thank you, thank you. Kasi I love you people, too. Kayo, mahal ko kayong lahat dahil kung hindi dahil sa inyo ay ang musikang Pilipino ay mamamatay, ika nga kanina ni Ito, di ba?”
Ang "Ito" na tinutukoy ni Wency ay ang vocalist ng Neocolours na si Ito Rapadas.
Pagpapatuloy ni Wency, “Nabubuhay ang musika natin dahil sa mga taong tumatangkilik. And kayo yun. Nagbayad kayo.
“Magkano ang tiket ninyo? Mahal, di ba? Mahal talaga sa Solaire. Huwag kayong mag-complain!
“Tingnan nyo, ang ganda-ganda sa upuan ninyo. Ang lamig, airconditioned. Kung ayaw nyong ganyan, dun na lang kayo sa Padi’s Point.”
Natawa ang mga tao, at agad kumambyo si Wency, “Joke lang, ha?! Wait, gusto ko ang Padi’s Point. Ilang beses na akong nalasing dun.
“Ilang beses na akong gumapang pauwi dahil sa Padi’s Point. It’s my favorite place to get drunk.
“And… ano na nga yung sinasabi ko?”
Pinagalitan kunwari ni Wency yung isang sumigaw sa audience, “Ikaw kasi, nakalimutan ko tuloy ang sinasabi ko! Ano ang sinasabi ko?
“Ahh, yung sabi ni Ito. Kayo kasi ang sumuporta sa OPM, kaya buhay pa rin ang OPM hanggang ngayon.
“Kahit kami’y matatanda na… sandali! Sino kaya ang pinakabata… MYMP siguro ang pinakabata, ano? Kaya I think MYMP must be the youngest.”
FIRST MILLION
Binalikan ni Wency ang kuwento tungkol sa ikatlo at panghuli niyang awit noong gabing iyon.
Pagtatapat ni Wency, “When I wrote this song, I was very young. I was really very, very young. I was 19. I was in college, about to graduate.
“And this thought entered my head. Sabi ko, ‘Ang hirap ng buhay, no. Magga-graduate na ako, ang sarap-sarap ng buhay ko. Hingi lang akong baon sa nanay ko, papasok ako sa eskwelahan.’
“‘Ma, pahinging baon galing sa 24 Oras.’ Ganyan lang nang ganyan, tapos biglang ga-graduate ka na ng college.
“Kailangan mo nang kumayod. Kailangan mo nang kumita ng sarili mong pera.
“But you know, the first million I earned, I gave that to my already rich mother during that time.
“Which was I think — huwag mong palakpakan — I think it’s a stupid idea! Ang yaman-yaman na niya, e!”
Tawanan uli ang audience.
Wency continues, “Anyway, balik tayo dun sa aking kuwento. Recently… ahh, hindi. Hindi recently. Sandali, paano ko ba iko-construct itong sentence na ito?
“I just came back from Europe last Monday kaya ako’y nakasalamin. Dahil namumugto ang aking kulaba.”
Ang kulaba ay eyebags.
“So ang laki-laki ng… gusto niyong makita?”
Maraming nag-yes, at napaismid nang slight si Wency, “Hmmnn para namang… para namang… ano ito, OnlyFans? Ipapakita ko yung ayaw kong ipakita?
“Magbayad kayo para makita ang aking kulaba. E, hindi! Hindi! Seriously, last Monday I just came back from Europe.
“And ang ginawa ko dun ay nag-aral ako. I spent three months in Europe, basically in Italy because I studied culinary arts.
“And idudugtong ko dun sa kuwento nung kanta, when I was 19, I dreamed a lot.
“I dreamed to become a singer. I dreamed to become a writer. I dreamed to become a composer. Andami kong mga pangarap.
“And thankfully again, going back to you guys, yung mga pangarap ko na yun na nauna ay natupad ko, so palakpakan niyo ang inyong mga sarili.”
Palakpakan.
“But at the back of my head, there was one dream that stayed. That I could not let go of, and that is to become a chef.
“And I can proudly say that standing in front of you guys right now is a chef.”
Masigabong palakpakan at hiyawan.
View this post on Instagram
SINGING PIZZAIOLO
Pizzaiolo si Wency.
Kuwento ng singer, “So I studied how to make pizza in the birthplace of pizza, in Italy. So ang message ko lang, pagkahaba-haba ng kuwento ko, is that it’s never really too late to pursue your dreams.
“Kahit gaano katanda ka na, kahit gaano ka wala kang panahon… eventually there will come a time in your life that you will get opportunities to be able to make your dreams come true.
“And right now, ang sarap-sarap ng pakiramdam na yung pangarap kong maging singer, composer, songwriter, performer, natupad ko yun as evidenced by what I’m doing right now.
“But in probably a couple of months, yung pangalawa kong pangarap na maging chef, e, matutupad na talaga.
“Puntahan niyo kung pizzeria ko, ha, pag nagbukas na. Can I get a promise from everybody?!”
YES!
“OK, so nag-promise kayo kaya bibigyan ko na lang kayo ng isa pang kanta dahil itong awitin na ito really I think has inspired a lot of people, and still inspires the younger generation,” saad ni Wency.
“I really love for everybody to bring out their phones and light up your torches. Huwag yung tunay na torch, baka masunog ang Solaire, ako ang sisihin!
“Light your torches, tingnan natin anong itsura ng mga ganyan kasabay nitong awiting ito.”
Ang pangatlong awit, ano pa kundi "Next In Line."
Pagkasindi ng mga ilaw ng cellphones, napabulalas si Wency, “Kinikilabutan ako.”
Sinabayan ng audience si Wency sa pag-awit, “What has life to offer me when I grow old?/ What's there to look forward to beyond the biting cold?
“They say it's difficult, yes, stereotypical/ What's there beyond sleep, eat, work in this cruel life? Ain't there nothin' else 'round here but human strife?
“Cause they say it's difficult, yes, stereotypical/ Gotta be conventional, you can't be so radical
“So I sing this song to all of my age/ For these are the questions we've got to face “For in this cycle that we call life/ We are the ones who are next in line/We are next in line…”
Sa pagtatapos ng awit, nagpasalamat si Wency, “Thank you very much, mga kaibigan! Thank you very much…
“And I’m sorry to tell you, this is not my solo concert! I am just a guest. So please, welcome… ang isa sa mga pinaka-pinakamatibay na banda sa history ng Pilipinas onstage.
“Mga kaibigan, the indestructible Rivermaya!”
Ang All Hits: Just The Way You Want It ay prinodyus ni Jonathan Wee ng Ticket1 concerts na siya ring magpoprodyus ng unang major concert ni Andrew E na 1 Time For Your Mind sa Disyembre 11, 2024 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.
Available na ang tiket sa TicketNet at sa mga sangay ng Ticket1 nationwide. Para sa inquiries, tawagan ang Ticket1 sa (02) 8740-3775 o (0917) 109-4271.
Read: Andrew E., 34 taon ang hinintay para sa first major concert
