Maraming pamamaraan ng pagko-confess ang isang tao.
Merong mas gusto nang personal; merong mas gusto ang public declaration sa social media.
Ang iba ay sa pamamagitan ng letters, at ang ilan ay through songs or playlists.
Subalit, iba ang paandar ng isang senior high school graduate mula sa National Teachers College.
Ang confession kasi niya para sa crush ay isiningit sa graduation speech.
Umani ng milyun-milyong views ang ngayo’y deleted video, pero ni-repost ito sa social media.
Gayunman, mixed emotions ang naramdaman ng netizens sa pangyayari.
Ang hirit nila: smooth ba o OA?
Read: Pinay and American ex-bf reconnect on Facebook after 48 years
LOVE CONFESSION AT GRADUATION
Nangyari ang confession noong July 9, 2024, sa World Trade Center.
Sa latter part ng program, inanunsiyo ang mag-aaral na tumanggap ng Gawad Sibol—ang highest institution award sa senior high school graduates.
Ibinigay ito kay Eds Karol Gatbonton, isang student mula sa Information and Communications Technology Strand, na may outstanding academic performance, extracurricular involvement, at remarkable student leadership.
Ang recipient ng Gawad Sibol ay tumanggap ng medallion mula sa executive vice president at scholarship program sa college degree of their own choice sa National Teachers College.
Tumanggap si Eds ng walong awards: with highest honors; domain proficient in arts; Mathematics, Social Sciences, and Tech Voc.; leadership award; loyalty award; principal’s list award; most outstanding student award; president’s list awardee; at Gawad Sibol - finalist.
Matapos ang awarding, ibinigay ni Eds ang kanyang message on behalf of the graduates.
Inumpisahan niya ito sa pamamagitan ng pagbati sa mga panauhing dumalo sa kanilang graduation.
Pagkatapos, nagbahagi si Eds ng insights ukol sa resiliency.
Aniya matapos ibigay ang kanyang pagbati sa attendees, “Before we part ways tonight, allow me to share my insights on the question that was post to the Gawad Sibol nominees: ‘What have I learned so far about being resilient?’ I dare say, we cannot learn resilience in a single day. It takes a journey to learn about this.”
Ipinahayag din niya na pawang mga alumni ng National Teachers College ang kanyang lolo, ina, at tito.
Dugtong niya, “Like them, I also had my own share of being bullied and feeling lonely. But despite those, and like my family members, I chose and rose to become stronger and better.”
Ibinahagi ni Eds ang ilan sa mga pagsubok at tagumpay na napagdaanan niya.
Parte rin ng kanyang speech ang pagpapasalamat sa mga taong naging bahagi ng kanyang senior high school journey.
Sa bandang huli, nagulat at kinilig ang lahat nang bigla siyang nag-confess sa crush niya na isa ring graduating student mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) Strand.
Sabi niya, “So, who was the final person I’d like to thank? Well, let’s go back to all my teatro co-actors and some may notice that someone was missing.
“Kidding aside, according to Jimenez 2024, it was someone really special to me and someone that I look up to for the past year and since graduation na ngayon, I would like to confess my love for her.
“To my potassium, my vitamin K, from HUMSS 2, Ms. Kaye [full name]. Hi! Congrats, Kaye! Teka, nag-ba-blush ako, e! Ah, basta! Crush kita!
“I have always admired you from afar and I would like to take this opportunity to thank you for motivating me to be the best version of myself para sa iyo.
“Okay, kalma, kalma,” kinikilig na sambit niya.
Naghiyawan at tilian naman ang mga estudyante dahil sa confession ni Eds.
Ipinakita rin sa camera na nakangiti ang crush niyang si Kaye.
Pagkatapos nito, pinilit niyang kumalma hanggang sa dulo ng speech.
Parte ng kanyang pagtatapos, “I hope we all remain thankful to Tanglaw for teaching us that our experiences of sacrifice are necessary in order to gain success; that all pain will result into some form of reward; that every blood, sweat, and tear, would yield integrity and honor.
“No matter what good or bad things may have happened during our time at the National Teachers College, they definitely turned us into the person that we are right now.”
Tumagal nang humigit-kumulang 16 minutes ang speech ni Eds.
Samantala, tatlong awards naman ang nakuha ni Kaye: With Highest Honors, Domain Proficient in Arts and Social Sciences, at Principal’s List Awardee.
Read: South Korean athlete victimized by pickpockets in BGC; BGC reacts
CONFESSION CAUSES MIXED REACTIONS ON SOCIAL MEDIA
Bagamat marami ang kinilig, hindi rin naiwasan na marami ang mabahala dahil sa anila’y “awkward situation” para kay Kaye.
Ang sabi ng isang netizen: “His teachers have failed in this regard. Was his speech reviewed before the graduation ceremony where he confessed his crush! Confessing a crush in front of a large audience can be awkward or inappropriate, especially if it happens at a formal event like a graduation ceremony.”
Sabi ng isa pa (published as is), “kawawa naman si Potassium. proud moment sana yung graduation para sa kanya kaso naging awkward moment pa. sana naisip nya how much pressure yung binagay nya dun sa girl”

Hirit ng isa: “Grabe no? Hindi sa pagiging KJ pero valedictory address yan. It should be formal. Hays. Lahat na biro haha”

Ganito naman ang sabi ng isa pa: “Not the right place nor appropriate to the activity..what if she doesn’t feel the same way?”

May mga nagtanggol din kay Eds at hinangaan pa siya dahil sa lakas ng loob niyang umamin sa napupusuang babae sa harap ng maraming tao.
Ang sabi ng isang netizen: “In short ang tapang mo ito dapat hinahangaan na mga lalaki hindi nahihiya ipagmamalaki ka”

Sabi naman ng isa pa: “Nag-aral siya. Valedictorian nga e. Ok lang naman iyan, lagyan ng konting humor, Gen Z na sila nag-iba na ang panahon. At saka hindi naman whole speech niya tungkol kay Vit K.
“Sana ganyan lahat ng mga estudyante na nagka-crush imbes na emotion ang pinaiiral, ginawa na lang inspirasyon.
“So I think deserve din naman niya imention yong girl na pinagka-crushan niya. Parang hindi nyo naranasan maging high school. Minsan, ang feeling natin sa kaklase natin ang nagdrive sa atin to do better.”

Walang mali sa pagko-confess. Ang tanging punto ng iba, sana ginawa ito privately para hindi na-on the spot si Kaye.
Maaari ring humingi ng permiso si Eds kay Kaye bago niya ito ginawa publicly.
May mga nagkomento na hindi naman hiningi ni Eds ang sagot ng dalaga. Ipinahayag lamang niya ang feelings at wala raw mali doon.
Sa ngayon, may mga nagki-claim na naka-block na raw si Eds sa social media ni Kaye, pero may mga schoolmates na nagsabing friends pa rin naman daw ang dalawa.