PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How SB19 Pablo's life changed after P-pop stardom

How SB19 Pablo's life changed after P-pop stardom
by Noel Orsal
Published Jul 16, 2024
SB19 Pablo tells PEP about the changes in his life after P-pop stardom
SB19 Pablo on how being part of a P-pop group made him the best version of himself: "Kung paano ako before, usually kapag may mga maling bagay naiinis agad ako. Pero ngayon, I know how to approach things, I know how to talk to people. Dati ayoko talagang nakikipag-usap..."
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni SB19 Pablo, 29, na maraming nagbago sa buhay niya mula nang mapabilang siya sa pinakasikat ngayong P-pop group sa bansa.

Read: Highlights of SB19's PAGTATAG! Finale concert

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi niya na ni wala sa plano niya ang maging miyembro ng isang P-pop group noong una.

Taong 2016 nang mag-audition siya sa ShowBT Entertainment, ang talent management company na bumuo sa SB19.

“Sa totoo lang po, kung ikukwento ko po yung SB19, hindi po ako pumasok para maging member ng SB19," balik-tanaw ni Pablo.

"Yung nagpa-audition po kasi ang sabi magiging solo artist po.

"Actually po kasi, hindi ako magaling pagdating sa group setting kasi very strict po ako pagdating sa mga gusto kong gawin.

"And kapag sa grupo, laging may compromise ganyan, kailangan intindihin mo yung mga tao kasi ganito sila.

"Tapos nagulat po ako nung sinama ako sa grupo. So, napunta ako sa SB19."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
SB19 Pablo describes changes in his life after P-pop stardom
Photo/s: @imszmc_ Instagram

Opisyal silang nalunsad nang mag-perform sila sa sa iba-ibang events mula 2018. Unti-unting nakilala ang grupo nang sumikat ang kanilang kantang "Go Up."

Matapos ang sunud-sunod na matagumpay na concert sa Pilipinas, lalong sumikat ang SB19 dahil sa kanilang Pagtatag world tour mula 2023 hanggang mid-2024.

Sila rin ang unang Filipino sa Southeast Asian act na na-nominate sa Billboard Music Awards for the Top Social Artist category.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung pagbabatayan noong 2018 kung saan sila ay nagsisimula palang bilang P-pop group ay malayo na nga ang kanilang narating.

Ano ang mga pagbabagong napansin niya sa sarili?

Masasabi raw ni Pablo na "mas mature na" siya ngayon dahil sa karanasan niya bilang bahagi ng SB19.

"Sa lahat ng experiences ko sa buhay, ang dami kong pinagbago.

"Patunay po yung mga kagrupo ko and mga katrabaho ko, sinasabi nilang ang laki rin talaga ng improvement ko and nakikita ko rin sa sarili kong marami akong natutunan.

"Kasi may mga bagay akong ginagawa ko noon na hindi ko na siya ginagawa."

Read: Bini, SB19 panalo sa concert attendance; milyones na ang TF?

Si Pablo ay guest sa concert ni Dingdong Avanzado, ang Dingdong Avanzado, The Original Prince Of Pinoy Pop, na gaganapin sa The Theater at Solaire sa July 19.

Nakapanayam ng PEP si Pablo sa rehearsal niya para sa show, na ginanap sa HBE Recording Studio sa Quezon City, noong Martes, July 15.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SB19 PABLO ON BEING PART OF A P-POP GROUP

Kung noon ay hindi niya preference ang may kagrupo, ngayon ay marunong na raw siyang mag-handle ng tao lalo na't siya ang tinuring na leader ng SB19.

"Kung paano ako before, usually kapag may mga maling bagay naiinis agad ako," kuwento pa ni Pablo.

Patuloy niya: "Pero ngayon, I know how to approach things, I know how to talk to people.

"Dati ayoko talagang nakikipag-usap, pero ngayon kailangan ko na kasi I have teamates, I have employees.

"Ayun po, mga bagay-bagay na natutunan ko na hindi ko naman masasabi na masama, but it’s something na hindi ko ipagpapalit kasi lahat po ng learning ko kasama ko yung kagrupo ko and mga tao."

Read: Priscilla Meirelles addresses marital issue with John Estrada

NO PROBLEM WITH PICTURE-TAKING

Kasabay ng kasikatan, aminado si Pablo na isa sa resulta nito ay hindi siya basta makapamasyal sa mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw niya itinuturing na disadvantage iyon.

"Firstly, sobrang masaya po kami kasi pangarap po talaga namin yung makamit o ma-achieve yung gusto naming mangyari as a singer and as a performer.

"Mostly, thankful lang po sa lahat ng nangyayari kasi hindi naman ‘to biro, hindi naman ‘to basta-basta.

"Kahit sino naman pong tao kapag nakamit nila yung gusto nilang mangyari sa buhay for sure magiging masaya po sila.

"Pero yun nga po, siyempre may mga consequences.

"Kapag sumisikat ka, parang nandyan na po yung limited yung freedom mo, hindi ka na puwedeng lumabas masyado."

Nahihiya lang daw siya dahil ayaw niyang makaabala sa ibang mallgoers.

Paliwanag niya: "Ako po, honestly, ayoko pong nagki-create ng commotion when lumalabas ako.

"For example, pumupunta ako sa mall and may nakakita sa aking fan, okay lang po magpa-picture.

"Pero usually po, kapag may nagpapa-picture, nako-caught po yung attention ng ibang tao and nakakaharang sa daan, so yun po," mapagkumbabang paliwanag ni Pablo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong ginagawa niya pag may libre siyang oras?

Sagot niya, "Madalas talagang sa bahay lang, kapag hindi sa bahay, sa office.

"Kapag may kailangan sa mall mag papabili nalang.

"Pero yun po, mostly masaya po."

Sa ngayon, ang SB19 ay self-managed na.

Tinayo nila ang 1Z Entertainment, isang talent management company kung saan CEO si Pablo.

Read: John Estrada confirms marital issue with Priscilla Meirelles

SB19 PABLO CAREER AS A SOLO ARTIST

Bukod sa pagma-manage ng kumpanya at pagdiskubre ng bagong talents, may kanya-kanya ring solo music career ang SB19 members. Iyon ang pinagkakaabalahan nila habang binubuo ang susunod nilang album.

Noon lang Mayo ay nilunsad ni Pablo ang sariling single na "EDSA."

Ayon kay Pablo, determinado siyang pagsabayin ang karera bilang SB19 member at pati na rin ang pagiging solo artist.

"Talagang blessing po ang masasabi ko kasi ang dami kong natutunan working on a group setting.

"Pero siyempre po meron akong stories sa sarili ko, sa personal life ko na gusto ko ring ibahagi sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Isa po dun is yung pag-create ng songs as Pablo, as a solo artist.

"Definitely po gusto ko ring makilala... Not makilala, but marinig po ng mga tao yung mga awit ginawa ko.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SB19 Pablo on how being part of a P-pop group made him the best version of himself: "Kung paano ako before, usually kapag may mga maling bagay naiinis agad ako. Pero ngayon, I know how to approach things, I know how to talk to people. Dati ayoko talagang nakikipag-usap..."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results