Sa gitna ng mga pagsubok na pinagdaraanan ng relasyon nila ng kanyang asawang si Priscilla Meirelles, may mahalagang aral na natutunan si John Estrada mula sa kaibigang si Lorna Tolentino.
Ang multi-awarded actress ay ininterbyu ni John sa kanyang YouTube channel. In-upload ang episode na John en Lorna, The Lorna Tolentino Interview, nitong July 16, 2024.
Sa isang bahagi ng kanilang pag-uusap, tinanong ni John si Lorna, “Gusto kong matutunan galing sa isang napakatalino, napakabait at napaka-maka-Diyos na tao, ang pag-ibig ba, kayang ipaglaban kahit mali? Puwede bang ipaglaban?”
Ang sagot ni Lorna, “Kapag may mali, ipagdasal mo na sana tumama.”
Aminado si John na nagustuhan niya ang pahayag ni Lorna.
Natatawang hirit ni John, “So, ang pagmamahal kahit mali, ipagdasal mo para kung anuman magiging tama siya? Ang ganda nun, ha? Kulang siguro ako sa dasal.”
- Priscilla Meirelles addresses marital issue with John Estrada
- Priscilla Meirelles reacts to husband John Estrada's statement
- John Estrada confirms marital issue with Priscilla Meirelles
lorna tolentino's lovelife
Bago nagtanong si John tungkol sa maling pagmamahal, inusisa muna niya ang mga nangyayari ngayon sa personal na buhay ni Lorna.
“Well, I’m happy, very happy,” sabi ni Lorna.
“Parang sinasabi niya sa atin na happy siya ngayon. Sino ba iyan?” sumunod na tanong ni John.
Sagot ni Lorna, “Yun ang hindi ko puwedeng sagutin. Gusto ko lang maging pribado sana yung buhay ko.”
Sundot ni John, "So, sinasabi mo na you’re happy now. Hindi mo lang puwedeng sabihin?"
Sagot ulit ni Lorna, “No. I’m happy being free.”
“Hindi naman yun ang gusto kong sabihin,” pangungulit pa rin ni John.
“Ah, you want somebody to love me?” ani Lorna.
“Of course," sang-ayon ni John.
JOHN HINTS AT LORNA'S UNNAMED BOYFRIEND
Sabay diretsahang tanong ulit ni John: "I-simplify natin, may boyfriend ka ba ngayon?”
“Wala,” sagot ni Lorna.
Dahil sa sagot ni Lorna, nagbiro si John, “O, humaba ang ilong mo.”
Malinaw na hindi kumbinsido si John, at may alam ito sa estado ng lovelife ni Lorna.
“Liar! Liar!” humahalakhak na sang-ayon ni Lorna.
Hindi pa rin nagpatinag si John sa pag-iwas ni Lorna. Tinukso niya si Lorna tungkol sa inililihim nitong lovelife.
Ani John, “Baka magalit sa iyo yan. Baka sabihin, 'Ba’t idinenay mo ako?'"
Kunwa'y sabi pa ni John, "Hindi ko kilala pa kung sino ito, pero parang nagsisinungaling siya. Nakikita ko namumula yung ilong, e."
Tanong ulit ni John kay Lorna, "So, you’re saying may boyfriend ka pero hindi mo…"
Nag-Kapampangan pa si John, "Wa? Wa? May boyfriend ka? Wa? Ali?"
"Ali," sagot ni Lorna, na ang ibig sabihin ay tinanggi niya ang sinasabi ni John na mayroon siyang boyfriend.
Sabay tukoy ni John sa mystery guy ni Lorna, "Ah, magalit ka nga dito. I-text mo na. I-text mo na!"
Malakas na pahiwatig itong may nalalaman si John tungkol sa mga kaganapan sa personal na buhay ni Lorna.
Co-stars sina John at Lorna sa ongoing primetime series na FPJ's Batang Quiapo. Napapabalitang nauugnay si Lorna sa isa pa nilang co-star na si Lito Lapid.
Pero sa ngayon ay walang kumpirmasyon o pagtanggi si Lorna sa balitang iyon.
Read: Lorna Tolentino, nililigawan ni Lito Lapid?

JOHN'S MESSAGE FOR LORNA
Sa huli, hinayaan na ni John na manatiling unnamed kung sino man ang tinutukoy niyang "boyfriend" ni Lorna.
Mensahe ni John para kay Lorna, “Pero ako kung anuman iyan, gusto ko lang sabihin suportahan taka.
"I am just here for you, for your happiness. You deserve it. You deserve to be happy.
"I mean, everybody deserves to be happy, saka single ka. Ngayong double ka na."
Ayaw pa rin umamin ni Lorna.
Sabi ni Lorna: “Hindi naman. Wala akong sinabing ganoon.
"Basta I’m very happy. It’s so nice that your life is so private kasi mas mabuti iyon.
"Marami pa rin tao na kapag successful ka, gusto nila bumagsak ka.
“Hindi mo maiiwasan na there’s goodness and there’s darkness sa mundo natin.
“Yun ang pinakaunang-una, envy. Yung akala mo, happy sila for you. Yun pala hindi. Gusto nilang makita na bagsak ka. Naiinggit sila. Marami iyan.
“Hindi naman lahat biniyayaan ng Panginoon na maiintindihan ka o maa-accept ka agad.”
Isang slow clap ang ibinigay ni John kay Lorna nang matapos ang pagsasalita nito.
Hiling naman ni John, “At kung sinuman iyan, sana po alagaan ninyo ang kaibigan ko.”