Scene stealer ang Kapamilya actor na si Enchong Dee dahil sa kanyang pagrampa sa red carpet ng #GMAGala2024.
Marami ang napahanga sa kanyang white pearl-studded black suit.
Pero malaking palaisipan para sa marami ang kanyang pagdating sa Kapuso event, lalo na't wala namang ABS-CBN program si Enchong na umeere sa GMA Network.
In recent years, may collaborations sa pagitan ng GMA-7 at ABS-CBN, halimbawa ay ang pag-ere ng Kapuso noontime show It’s Showtime sa Kapuso network.
Sa kabilang banda, maraming mapagmasid na netizens ang napakuwestiyon sa pagdalo ni Enchong sa GMA Gala event, lalo pa't ngayong gabi rin ng Sabado ang launching ng Pinoy Big Brother Gen 11 Season.
Isa si Enchong sa hosts ng naturang reality show ng ABS-CBN.
Dahil dito, trending topic si Enchong Dee sa X.
Read: GMA Gala 2024 Red Carpet Arrivals: Ladies in black

Bumuhos ang papuri sa look ng Kapamilya actor sa GMA Gala 2024. Pero kasabay ng mga papuri sa kanya ay ang pagtatanong ng iba pa kung paano siya lalabas sa PBB.
Tanong ng isa (published as is): “Diba PBB ngayun? So bat nandito c enchong dee?”

Sundot ng isa pa: “Bat andyan sya opening ng pbb din later”
Komento ng isa pa (published as is): “kapamilya actor enchong Dee attend GMA gala 2024 at paano opening Pinoy Big Brother Gen 11”
Pagsang-ayon ng isa pang netizen (published as is): “oo nga po. Nagtaka ako bat sya anjan.”

Subalit nasagot naman ang tanong ng netizen dahil pagsisimula ng PBB Gen 11 na umere nang live ay naroon si Enchong kasama ang kanyang fellow hosts na sina Kim Chiu, Alexa Ilacad, Melai Cantiveros, Robi Domingo, at Bianca Gonzalez.

