Agaw-eksena ang comedienne at beauty queen na si Herlene Budol sa katatapos na GMA Gala 2024.
Ginanap ang magarbong event kagabi, Sabado, July 20, 2024, sa Manila Marriot Hotel sa Pasay City.
Read: Standout couples, beauties, gentlemen at GMA Gala 2024
Nahulog sa stage si Herlene habang naglalakad sa stage para ibandera ang kanyang gown na gawa ni Leo Almodal.
Tinawag na “Birth of Venus” ang gown na suot ni Herlene at inspirasyon nito ang painting ng Italian artist na si Sandro Botticelli.
Read: PEP Best Bets 2024: Reinventions
Sa obserbasyon ng ilang nakakita ng video online ay tila naapakan ni Herlene ang dulong bahagi ng kanyang gown, o di kaya ay nagkamali siya ng apak sa entablado dahilan para mawalan ito ng balanse.
Agad namang tinulungan si Herlene ng mga tao sa paligid, kabilang ang aktres na si Barbie Forteza na agad tumakbo para lapitan ang natumbang fellow Kapuso star.
Read: Barbie Forteza explores the world of Bodabil in Pulang Araw
NETIZENS REACTION
Sa pagkalat ng video ay agad ding nagbigay ng reaksiyon ang netizens sa nangyari kay Herlene.
Marami nang nagpaabot ng suporta kay Herlene at nag-iwan ng mensahe sa social media account nito.



Subalit kung may mga nagpahayag ng suporta, meron ding mga tumuligsa kay Herlene matapos ang insidente.
Sa tingin kasi ng ilan ay "sinadya" ni Herlene ang pangyayari para, diumano, mapansin ito at mapag-usapan. Tinawag pa ng ilang netizens na "clout chaser" ang dating Magandang Dilag lead star at "scripted" umano ang insidente.
Read: Herlene Budol, nasilipan sa kanyang live feed: "Nakita ba?"



HERLENE BUDOL: "PAG DAPA INDI PINAG TATAWANAN."
Sa unang post ni Herlene sa X (dating Twitter) matapos ang insidente ay shinare niya ang post ng isang netizen kalakip ang video na nagpapakita ng kanyang pagkahulog.
Turan ni Herlene sa kanyang caption (published as is): "Sa buhay kapag na dapa ka, Bumangon ka. hangga't may buhay, may pag asa. Walang susuko para sa Pamilya."
Sa buhay kapag na dapa ka, Bumangon ka. Hangga't may buhay, may pag asa. Walang susuko para sa Pamilya.#GMAGala2024 ???????????? https://t.co/lTMFOqBM4M
— Herlene Hipon Budol (@herlene_budol) July 20, 2024
Isang oras matapos ang post na iyon ni Herlene ay muli siyang nag-post, this time para sagutin ang mga patutsada ng netizens na duda sa tunay na nangyari.
Pahayag ni Herlene (published as is): "Pag dapa indi pinag tatawanan. Accident always happened! Sa palagay nyo ba gusto ko ma dapa? lahat ng tao nadadapa, naaksidente, Ang importante safe at d nasugatan."
Pag dapa indi pinag tatawanan. Accident always happened! Sa palagay nyo ba gusto ko ma dapa? lahat ng tao nadadapa, naaksidente, Ang importante safe at d nasugatan. #GMAGala2024
— Herlene Hipon Budol (@herlene_budol) July 20, 2024