Umani ng papuri ang Kapuso actress na si Barbie Forteza sa ginanap na GMA Gala nung Sabado ng gabi, July 20, 2024, sa Manila Marriot Hotel sa Pasay City.
Looking stunning si Barbie sa kanyang suot na white gown na gawa ni Mak Tumang.

Subalit bukod dito ay may iba pang dahilan kung bakit hinangaan ang Kapuso Primetime Princess noong gabing iyon.
Ito ay nangyari habang rumarampa ang Kapuso stars sa entablado para ipagmalaki ang kanilang kasuotan.
Sakto kasi na nung nasa stage si Barbie ay nangyari ang insidente kung saan nahulog ang komedyante at beauty queen na si Herlene Budol.
Read: Herlene Budol responds to bashers after GMA Gala 2024 incident
BARBIE'S GENUINE CONCERN
Sa video na kuha nang maganap ang pangyayari ay makikita si Barbie na nakangiting naglalakad.
Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang makita ang nangyari kay Herlene.
Bakas dito ang pag-aalala sa fellow Kapuso star. Agad na tumakbo si Barbie patungo kung nasaan si Herlene para tulungan ito.
Mabuti naman at hindi nasaktan si Herlene at kalaunan ay nakatayo rin ito.
@itsmelester.62 The fact that Barbie stopped her awra moment just to help Herlene really shows that being kind is her nature. #barbieforteza #herlenenicolebudol #gmagalanight #fyp? #foryoupage ? Unconditionally X Story Of My Life X One Last Time - AdeGrande3435
NETIZENS APPLAUD BARBIE'S ACTIONS
Hindi naman mapigilan ng maraming nakapanood ng video na purihin ang Pulang Araw lead star.
"Barbie is so sweet helping Herlene Budol to get up," komento ng isang netizen.
May nagsabi rin na, "#barbieforteza also run like Cinderella to help somebody in need."
Hirit naman ng isang nakakita ng video, "Sa lahat ng Kapuso artist, Barbie Forteza pinaka bet ko especially sa pagiging genuine at humble."
Dahil sa ipinakita ni Barbie na kabutihang loob ay muling bumalik sa alaala ng marami ang sinabi ng ilang artista noon na isa ang Kapuso Primetime Princess sa pinakamabait na nakilala nila sa showbiz.
Isa na rito ang aktres at social media star na si Ivana Alawi.
“Maraming naging maldita sa akin nung nagsa-start ako sa GMA, as in maraming masusungit, alam mo yon," kuwento ni Ivana sa isang video post nung nakaraang taon.
Read: Goodbye Ivana Alawi, hello Kim Domingo sa Batang Quiapo?
"Ang naging pinakamabait sa akin na hinding-hindi ko malilimutan, di ko pa siya nakakausap after, si Barbie Forteza, kasi siya'y sobrang bait, totoo talaga siya."
Dagdag pa ni Ivana, "Kaya super blessed kasi she really has a good heart."
Puring-puri rin si Barbie ng aktres na si Jazz Ocampo nang magkasama sila sa televison series na That's My Amboy.
Sabi ni Jazz tungkol kay Barbie sa isang interview nung 2016: "Si Barbie, super sa lahat ng artista na nakasama ko, super siya yung pinaka-accommodating, siya yung pinaka-humble.
"Parang ako pa yung nahihiya [sa kanya]. Siya yung pinakamabait, siya yung pinaka-humble, super."