Nagsimula ang buwan ng Hulyo sa pagtatanggi ni Yassi Pressman na break na sila ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
"Never," ang reaksiyon niya.
Kaya hindi na kagulat-gulat ang paglalakad nilang magkasama sa red carpet ng GMA Gala 2024 last Saturday, July 20, 2024, sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.
Read: LOOK: Yassi Pressman and Luigi Villafuerte intensely kiss
Suot ng Black Rider star ang eleganteng white tube dress, habang white coat over an all-black outfit ang suot ni Governor Luigi.
Both outfits were designed by Anthony Ramirez.

Ayon kay Yassi, first time niyang maka-date si Governor Luigi sa isang gala.
Nagsuot nga raw ng white si Governor Luigi dahil gusto niyang maging White Rider.
Sabi ni Yassi sa interview: “Sobrang kilig ko. He’s so sweet kasi, may sparkle po talaga.”
Naging opisyal ang relasyon ng dalawa nitong February 2024, pero noong 2023 pa raw sila magkakilala at nagde-date.
Read: Power couples, picture-perfect pairs at GMA Gala 2024
yassi on black rider EXPERIENCE
Nagpasalamat naman si Yassi sa lahat ng sumuporta sa action-serye nila ni Ruru Madrid. Nasa huling linggo na ito.
Sa nakaraang online media conference para sa “Heroic Finale” ng Black Rider noong July 13, nasabi ni Yassi na nasubukan daw ang kanyang kakayahan bilang aktres sa pagganap sa papel na Bane/Vanessa.
Para raw isang rollercoaster ride ang experience niya sa show.
Mula sa pagiging mandurukot sa Quiapo, naging tindera, barangay beauty queen, at kidnap victim, at nakipagbugbugan at nagkaroon pa ng amnesia ang karakter ni Yassi.
“There’s just so many emotions din po para sa isang taong nagkaroon ng amnesia na hindi ko rin na-portray noon.
“Hinahanap niya po kung sino siya at kung ano yung mga experiences niya, yung mga taong mahal niya.
"Bakit ganito yung mga nararamdaman niya sa puso niya, kasabay ng mga brainwashing ng mga taong nasa paligid niya.
“Talagang napakatapang niya po at talagang mahal na mahal niya po yung pamilya niya.
“Ipaglalaban niya po talaga—kahit hanggang sa suntukan—yung mga taong mahal niya sa buhay."
Pero bukod sa kanyang karakter, masaya si Yassi sa mga katrabaho niya.
“Very, very lucky po na lahat po ng mga ka tent-mates ko, castmates ko are very, very loving and welcoming. I will always cherish those moments.” saad ni Yassi.
Kung may natutunan si Yassi mula sa Black Rider, ito ay ang mensaheng “to spread kindness and find the good in everybody.”
Paliwanag niya, “If in real life someone gives you kindness, I think the most important part, and I always say this, it’s your job to pay it forward.
“And sa totoo lang, that’s really how you can make someone smile, when you smile, and you send that energy over.
“And just always try to be kind. Sa mga kontrabida rin naman natin, nakikita natin yung mga hearts nila.”
Naging maganda raw ang epekto ng serye sa buhay ni Yassi dahil hindi raw isang ordinaryong TV show ang Black Rider para sa kanilang lahat.
Aniya, “In life, kahit ano yung mga pagsubok, just always try to stay positive. Humanap ka ng mga taong masasandalan mo.
“It’s gonna be hard, talagang up and down po iyan, pero yung mga taong mahalaga po sa iyo, I think yun po talaga yung magbibigay ng kulay sa buhay natin.”
Read: GMA Gala 2024's Most Talked-About Moments
yassi PRESSMAN wants to work with ruru again
After Black Rider, open pa rin si Yassi na makatrabaho ulit si Ruru sa kahit na anong project.
“Oo naman po, Nabibitin pa nga po kami. Parang nalulungkot pa po everyone especially the past few taping days.
“Kami po as actors and friends, parang nabi-build pa lang po yung relationships namin together.
"But with the time that we have, we’re making the most of it.”
Bago magsama sa serye, ginawa nila Yassi at Ruru last year ang pelikulang Video City: Be Kind, Please Rewind.
