Sa kauna-unahang pagkakataon, sinagot ni Jillian Ward ang mga malisyosong isyu tungkol sa pagkakaroon niya ng mga mamahaling sasakyan at sa kanyang magarbong 18th birthday party noong Pebrero 2023.
Read: Jillian Ward thanks parents for her "taping car" BMW
Read: Debutante Jillian Ward stuns in galaxy-themed Mak Tumang debut gown
“First time kong mag-open up about it. First time din na interview about it,” sabi ni Jillian sa eksklusibong panayam sa kanya ni Boy Abunda sa limited talk series na My Mother, My Story, na napanood sa GMA-7 noong Linggo ng hapon, Hulyo 21, 2024.

Kasunod nito ay pinabulaanan ng 19-year-old Kapuso actress ang mga wala umanong katotohanang isyu laban sa kanya na nagsimula noong 16 years old pa lamang siya.
Saad ni Jillian: “I just hope na nakikita nila na two years old pa lang ako, naka-diaper pa lang ako, nagwo-work na ako.
"I think naman somehow na lahat po na meron ako is deserve ko through my hard work. I just hope na huwag silang masyadong maniwala sa fake news.
“Ganyan na po sila ever since. Parang underage pa lang ako, ang dami nang misconceptions about me.
"I think medyo unfair po siya kasi sana nakikita nila na naka-diaper pa lang ako, nagwo-work na ako [sa TV commercial].
"Hindi pa po ako nakapagbabasa, nagwo-work na ako."
Nagsimula ang acting career ni Jillian sa edad na lima.
Kabilang sa mga teleseryeng tinampukan ni Jillian sa GMA-7 noong child star siya ay ang The Last Prince (2010), Trudis Liit (2010), Jillian: Namamasko Po (2010-2011), Captain Barbell (2011), Daldalita (2011-2012), Biritera (2012), Luna Blanca (2012), Home Sweet Home (2013), One Day Isang Araw (2013), My BFF (2014), Pari 'Koy (2015), Poor Señorita (2016), Sa Piling Ni Nanay (2016-2017), Daig Kayo ng Lola Ko (2017-2019), at Super Ma'am (2017-2018).
Nang mag-teenager hanggang sa magdalaga si Jillian ay hindi siya nawalan ng mga proyekto sa Kapuso network. Kabilang dito ang My Special Tatay (2018-2019), Prima Donnas (2019-2022), at ang kasalukuyan pa ring umeere na Abot-Kamay Na Pangarap.

SHARED EXPENSES
Nilinaw ni Jillian na may mga nakihati sa mga gastos niya kaya naidaos sa isang five-star hotel ang kanyang debut celebration noong nakaraang taon.
Read: Debutante Jillian Ward's grand entrance, performances, and other highlights
“Napag-ipunan ko po lahat nang meron ako ngayon,” diretsahang pahayag ni Jillian.
“Like yung sa debut, even GMA-7, nag-share sa debut party ko. Yung mga endorsement ko po, nag-share sila.
"So, kumbaga lahat ng meron ako, galing po yan sa hard work ko talaga. Sa malinis na paraan.
“So, I find it a bit unfair. Meron silang mga sinasabi na walang basis talaga.
“Parang ang cruel niya po kasi underage ako tapos meron silang mga sinasabi na mga scandalous na mga bagay na wala po talagang basis. Sobrang fake news.
“Ilang taon ako noon? Sixteen."

Pagpapatuloy ni Jillian: "Yung cars ko, galing sa mga endorsement ko, sa mga taping ko.
"Ilang years na akong nagte-taping, fifteen years na next year. Sa 20th birthday ko.
“Medyo nalungkot ako dahil hindi nila nakikita yung hardwork ko.”

Pinili raw noon ni Jillian na manahimik dahil hindi totoo ang mga akusasyon laban sa kanya.
“Ang dami rin pong naniniwala [sa fake news] pero hindi na lang po ako nagsalita about it.
"Sabi nga po, kung hindi totoo, wala akong dapat patunayan. Wala akong kailangang sabihin."
Read: Jillian Ward not yet ready to fall in love: "Hindi po ako nagpapaligaw pa."
JILLIAN WARD'S MOTHER
Malaki ang impluwensiya kay Jillian ng kanyang ina na si Jennifer, na isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon niya ng matagumpay na showbiz career.
Isiniwalat ni Jillian na kung hindi dahil sa nanay niya, hindi siya maniniwala sa kanyang mga kakayahan bilang aktres.
“Kung wala po yung mama ko, parang wala akong courage para maging artista. Hindi po ako maniniwala sa sarili ko.
"But with her guidance and yung love niya po, every day niya ako nire-remind. Out of nowhere, magme-message siya na proud siya para sa akin. Na I can do it.
“Minsan nagme-message ako sa kanya kapag sobrang anxious ako sa work. Sabi ko, 'Hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ito. Parang hindi ako naniniwala sa sarili ko.'
“Tatawagan lang niya po ako tapos parang may magic. Parang nagkakaroon ako ng alter ego na, ‘Hindi! Nasa work ako. Artista ako. Kaya kong gawin ito. Kaya ko ang work ko because of my mom,'” lahad ni Jillian.
Read: Jillian Ward graduates senior high school with highest honors
Read: Jillian Ward, desididong magkolehiyo; inaming si Coco Martin ang showbiz crush
JILLIAN REMEMBERS HER LATE GRANDMOTHER
Sobra ang pasasalamat ng young actress sa hindi mapapantayang pagmamahal at walang sawang pagsubaybay sa kanya ng nanay niya, at ang kanyang yumaong lola.
Pahayag ni Jillian: “I know na ipinagpe-pray niya po ako always. Even my late grandmother.
"Alam ko na bata pa lang ako, nasa tiyan pa lang ako, ipinagpe-pray na nila ako so sobra-sobrang laking influence sa akin ng mother ko and my grandmother.
“Yung grandmother ko po, namatay siya nung 2021 and sobrang close po rin namin.
“Siya rin po yung sobrang nag-e-encourage sa akin mula bata pa ako.
"Actually, ako lang yung apo na pinangalanan niya po. Siya ang nagbigay ng name ko.
“Yung grandmother ko po, alam niya na dream ng mama ko na maging doktor. So, yung role ko [sa Abot-Kamay na Pangarap], naging doktor po ako.
“Sa show kasi, parang may pasyente kunwari tapos sasabihin ko, ‘Itong pasyente, galing sa ospital.’ Yung ospital po, yun ang ospital kung saan nag-pass away yung grandmother ko.
“Ang dami ko pong hindi nasabi sa kanya kasi ang sad ng naging death niya,” kuwento ni Jillian, na napaiyak habang sinasariwa ang mga alaala ng kanyang pumanaw na lola.
Pagpapatuloy niya: “I want to tell her na I love her so much.
"Actually, yung Abot-Kamay na Pangarap, dedicated ko sa kanya. I am just so grateful na siya po yung naging lola ko.
“Two years old pa lang po ako, siya na talaga yung naniniwala sa akin. Like, wala pa akong muwang, parang may feeling na sila na ito yung purpose ko sa life ko.
"Yung lola ko, ever since, sobrang proud siya para sa akin.
“But I know she’s still watching over us and gusto kong sabihin sa kanya na ako yung magbabantay kay Mama, and I love her so so much.”