PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baron Geisler asked to comment on Nadia Montenegro's statement

Baron grateful to biological daughter's birthday greeting for his wife.
by Julie E. Bonifacio
Published Jul 23, 2024
Baron Geisler and Nadia Montenegro biological daughter
Baron Geisler refuses to comment on Nadia Montenegro questioning his intention about going public about his biological daughter with her.
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Screengrab from Julius Babao vlog

Tumangging magbigay ng pahayag si Baron Geisler, 42, sa patutsada ni Nadia Montenegro, 52, tungkol sa pagsisiwalat ng aktor sa pagkakaroon nito ng anak sa isang di pinangalanang personalidad.

Read: Nadia Montenegro, tinulungan daw magbago si Baron Geisler

Kinuwestiyon ni Nadia ang intensiyon ni Baron sa pag-anunsiyong mayroon itong anak, lalo't noong panahong iyon ay isang beses pa lang daw nakita ng aktor ang bata.

Base ito sa panayam kay Nadia sa vlog ni Julius Babao noong June 25, 2034.

Dito unang inamin ni Nadia na mayroon siyang anak kay Baron.

Hindi binanggit ang pangalan ni Baron sa kabuuan ng interbyu, pero may bahaging ipinakita ang mukha ng aktor nang pinag-uusapan ang tungkol sa anak ni Nadia na hindi sa yumaong Boy Asistio.

Read: Nadia Montenegro on alleged daughter with Baron Geisler

Nakapanayam ng entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Baron sa special screening ng Moro. Ginanap ang event sa Victoria Sports Tower sa EDSA, Quezon City, noong July 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For now, no comment muna ako diyan," bungad ni Baron nang subukan itong hingan ng reaksiyon sa mga sinabi ni Nadia.

Patuloy ng aktor, "I just wanna focus on so many projects na naka-lineup sa akin."

Sunod na tanong namin kay Baron ay kung nais niyang magpakilala nang pormal sa anak ni Nadia.

"No comment," sagot ni Baron.

"But I’m grateful na grineet ni..." bitin na sabi ni Baron.

Sabay paliwanag niya, "Birthday ng asawa ko today. Happy birthday, Love."

Inulit ni Baron na binati raw ng kanyang anak kay Nadia ang misis niyang si Jamie Marie Evangelista.

Naiba rin naman agad ang usapan sa panayam kay Baron.

NADIA MONTENEGRO'S ADMISSION

Noong July 19, tahasang inamin ni Nadia ang pagkakaroon nila ng anak ni Baron sa Fast Talk With Boy Abunda.

Inihayag niya ritong maglalabing-walong taong gulang na ang anak niya kay Baron na si Sofia sa Agosto.

Ayon kay Nadia, natagalan ang pagkikilanlan ni Baron at ng anak nilang si Sofia dahil sa bisyo ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naglabas din ng saloobin si Nadia sa pagsasapubliko ni Baron sa love child nito nang hindi man lang daw isinaalang-alang na maaapektuhan sila kahit hindi nagbanggit ng pangalan ang aktor.

Nagdesisyon daw si Nadia na magsalita dahil naaapektuhan na ng isyu ang kanyang anak.

Read: Nadia Montenegro finally admits to having a daughter with Baron Geisler

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler refuses to comment on Nadia Montenegro questioning his intention about going public about his biological daughter with her.
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Screengrab from Julius Babao vlog
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results