PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens fume over road rage between two drivers in Espana

Gitgitan sa pagitan ng modern jeepney at bus!
by Bernie V. Franco
Published Jul 24, 2024
road rage in Espana, Manila
A video has gone viral showing a modern jeepney and a bus blocking a road in España, Manila, after their drivers give in to road rage.
PHOTO/S: Engr. Ken James Fardriquela on Facebook

Viral sa social media ang nakunang girian sa pagitan ng isang pampasaherong bus at modern jeepney sa España, Maynila.

Kitang-kita sa video na kuha ng isang netizen kung paano naggitgitan ang dalawang PUVs (Public Utility Vehicles).

Makapigil-hininga ang eksena dahil mistulang nagtutulakan ng sasakyan ang dalawang drivers.

Pero ang pinakanakakabahala sa pangyayari, may sakay na mga pasahero ang dalawang PUVs at maaaring nadamay kung naging malubha ang aksidente.

Napansin din ng netizens na isang motorcycle rider na may angkas ang muntik tamaan sa gitgitan ng modern jeep at bus.

Read: Baby survives after two days alone in a ditch

VIRAL VIDEO OF ROAD RAGE

Sa viral video na ipinost ni Engineer Ken James Fardriquela noong July 21, 2024, makikitang bumaba ang konduktor ng modern jeepney at kinausap ang driver ng bus.

road rage
The modern jeepney's conductor pointing at the bus driver. Their confrontation ensued through a road rage in España, Manila.
Photo/s: Engr. Ken James Fardriquela on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-akyat ng konduktor sa jeepney, dinikitan ito ng bus.

Umabante ang dalawang sasakyan, pero ginitgitan ng malaking bus ang jeepney at aktong babanggain.

Nang umabante ang bus, hinabol ito ng jeepney, dinikitan din at muntik uling magbanggaan.

Read: Cebu personality issues apology over misgendering controversy

NETIZENS FUME OVER THE VIDEO

Nagpupuyos ang damdamin ng netizens sa napanood nilang video.

Galit ang mga ito sa inasal ng dalawang drivers na hindi isinaalang-alang ang kapakanan ng kani-kanilang pasahero at mga motoristang walang kinalaman sa alitan nila.

Narito ang ilan sa comments (published as is):

"wag kayong ganyan Ang Buhay ay iisa lang tapos madadamay yong iba sa galit nyo....”

netizen comment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pareho kami ng comment nung nag video. Di man lang inisip nila ang mga pasahero nila.”

"Mga taong mainitin ang ulo, di nag iisip may mga sakay na psahero,, tsk"

Marami rin ang nagsabi na dapat ay tanggalan ng lisensiya ang dalawang drivers.

comment
comment
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
comments

REPORT ON ROAD RAGE IN España, Manila

Sa report ng GMA Integrated News, nagsalita ang driver ng modern jeepney na si Ronaldo Rocco ukol sa insidente na nagsimula raw sa Morayta, Maynila.

Sinabi ni Ronaldo na bago pa man ang pangyayaring na-record sa video, hinaharangan na sila ng bus driver sa pagkuha ng mga pasahero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumipat daw si Ronaldo ng lane sa kaliwa para umabante at kumuha ng pasahero.

“Pagpalit namin ng lane sa kaliwa, na parehas kaming paliko, sinagi na niya ako, nasabitan yung side mirror ko," sabi ni Ronaldo.

“Tinuluyan niya pang tanggalin yung side mirror namin. Doon na po kami nag-init sa ginawa niya.”

Nagturuan daw ang dalawa kung sino talaga ang may kasalanan.

Paninindigan ng jeepney driver, nauna silang binangga ng bus driver.

Sa terminal ng modern jeepney inayos ang nasirang side mirror at parte ng gulong nito.

Pinatawan si Ronaldo ng kanyang kumpanya ng pitong araw na preventive suspension nang walang bayad.

Sinibak naman ng bus company ang bus driver.

“Driver ang may problema, nadamay pati yung bus na yun,” sabi ni Marvin Diamitas, operations manager ng bus company.

Nakarating naman sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang insidente.

Ani LTFRB Chair Attorney Teofilo Guadiz III, “Base na rin doon sa nakita ko, makikita mo yung element ng road rage…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung init po ng ulo ng dalawang driver po, it could endanger the lives of passengers kung mag-escalate sa violence po yung ginawa nila.”

Magpapalabas ang ahensiya ng show-cause order sa dalawang kumpanya, na posibleng masuspinde ng isang buwan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A video has gone viral showing a modern jeepney and a bus blocking a road in España, Manila, after their drivers give in to road rage.
PHOTO/S: Engr. Ken James Fardriquela on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results