PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anjo Pertierra nearly trapped by flood in basement

But he's now back to work.
by KC Cordero
Published Jul 25, 2024
Anjo Pertierra at the Marikina River
Kabilang ang Kapuso reporter na si Anjo Pertierra sa mga ni-rescue sa Marikina City matapos rumagasa ang baha sa kanyang tahanan. Ayon kay Anjo, sa lakas ng agos, muntik na siyang makulong sa basement ng kanilang bahay dahil hindi niya mabuksan ang pinto. (Photo courtesy of GMA Public Affairs Facebook)

Nag-report pa rin sa trabaho ang Kapuso weather reporter na si Anjo Pertierra matapos sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan sa paghagupit ng bagyong Carina.

Sa Facebook post ng GMA Public Affairs ngayong July 25, 2024, naka-upload ang mga larawan ni Anjo habang nasa background niya ang Marikina River.

Screenshot of GMA Public Affairs Facebook post
Ang screenshot ng post tungkol sa pagpasok ni Anjo Pertierra sa trabaho kahit pa kabilang siya sa mga sinalanta ng bagyong Carina. Photo: GMA Public Affairs Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang caption sa post, published as is: ‘THANK YOU FOR SHOWING UP, ANJO!’

“Pinasok at lubog na sa baha ang bahay ni Anjo Pertierra sa Marikina. Ibinahagi rin niya na isang bag lang ang naisalba at naidala niya kahapon.

“Pero kahit lubos na naapektuhan ng bagyo, pumasok si Anjo at nag-duty para sa #UnangHirit para maghatid ng ulat tungkol sa bagyong #CarinaPH at habagat.

“Maraming salamat, Anjo!”

Read: GMA weather presenter Anjo Pertierra, nalungkot nang talikuran ang pag-arte

ANJO PERTIERRA MUNTIK MALUBOG SA TUBIG SA BASEMENT

Sa ulat naman ng GMA News Online, sinabing kabilang si Anjo sa mga residente ng Marikina City na kinailangang lumikas matapos pasukin ng baha ang kanilang mga tahanan.

Sa programang Unang Hirit ngayong July 25, idinetalye ng Kapuso weather reporter ang kanyang traumatic experience.

Anjo Pertierra at the Marikina River

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ibinahagi ni Anjo Pertierra sa Unang Hirit ang nakakatakot na pinagdaanan niya noong kasagsagan ng bagyong Carina. Photo: GMA Public Affairs Facebook

Nagpakita siya ng mga videos ng pagragasa ng baha papasok sa kanilang bahay.

Ayon kay Anjo, mabilis nakapasok ang tubig sa kanyang kuwarto na nasa basement.

Ang nakaka-stress: Hindi raw niya mabuksan ang pinto “sa dami ng tubig sa loob at sa tindi ng water pressure.”

Umabot hanggang dibdib ang tubig.

“Sa average po na Pilipino, minsan nasa leeg na po nila o nasa tenga na po nila yung taas nung tubig kahapon.”

Si Anjo ay may taas na 6’2”.

Maging ang kotse niya sa labas ng bahay ay nalubog sa baha.

Read: Meet Anjo Pertierra, the weather reporter who is taking TV by storm

BACK TO WORK ANG KAPUSO REPORTER SA KABILA NG MGA PINAGDAANAN

Nasaklolohan si Anjo at ang iba pang mga residente ng mga rescuers sa pamamagitan ng paddle boat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento pa ng binata, “Wala akong nasalbang gamit.

“Ang nakuha ko lang, apat na T-shirt, gawa nga po ng sobrang bilis po ng pagtaas ng tubig sa aking bahay.

“Pero wala po talaga akong nasalba na kahit ano.”

Anjo Pertierra at the Marikina River
Walang nailigtas si Anjo Pertierra sa kanyang mga gamit. Photo: GMA Public Affairs Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang suot niya sa Unang Hirit ay dala lang ng stylist ng programa noong July 24 para may maisuot siya pagsalang niya sa TV ngayong araw na ito.

Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan, balik agad sa trabaho si Anjo ngayong July 25 at nagbibigay ng updates tungkol sa bagyo at sa sitwasyon ng Marikina River.

Ang water level sa naturang ilog ay umabot sa 20 meters noong July 24, na naging sanhi ng malawakang pagbaha sa lungsod.

Read: Anjo Pertierra: ang bagong heartthrob weather presenter ng 'Unang Hirit'

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang Kapuso reporter na si Anjo Pertierra sa mga ni-rescue sa Marikina City matapos rumagasa ang baha sa kanyang tahanan. Ayon kay Anjo, sa lakas ng agos, muntik na siyang makulong sa basement ng kanilang bahay dahil hindi niya mabuksan ang pinto. (Photo courtesy of GMA Public Affairs Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results