Akala ng marami ay namalik-mata lang sila o pinaglaruan lang ng kanilang paningin.
May mga nagduda na baka digitally-altered ang signage.
Pero may mga photos at videos na ipinost para patotohanan na ang Gil Puyat Avenue signage sa Makati City ay pinalitan ng Gil Tulog Avenue.
Pinag-usapan ito ng netizens dahilan para maging trending topic ito sa X.

Read: Hello Kitty is not a cat, but a little girl--Sanrio
NETIZENS COULD NOT BELIEVE IT
Nang kumalat ang larawan ng bagong street sign sa social media, marami ang humiling na i-verify ito.
Ang mga malapit sa area, kinunan ang karatula bilang ebidensiya na “legit” ang pagpapalit sa Gil Puyat para maging Gil Tulog.
Ang isang netizen na nasa area, nagkomentong nasa baba lang ng kanilang building ang area kaya sinadya niyang bumaba para kunan ng larawan at matiyak ang pagpapalit.
“Legit,” ang sabi nito.

Read: Graduate denies claim her dad pocketed PHP13 jeepney fare
NETIZENS POKE FUN AT THE CHANGE
Sunud-sunod ang komento ng ibang netizens na natawa sa pagpapalit ng pangalan.
Hirit ng isa, “a well deserved rest.”
Biro ng isa pa, “Sa wakas nakatulog na si Gil.”

Komento ng isang male netizen: “ikaw b namang ilang taong puyat e.”
May isang nagbrio na, “Baka yung ibang neighboring roads, gawing GIL GISING.”

“ILANG TAON BA NAMAN PUYAT KAYA TULOG NA,” joke ng isang female netizen.
“Nagbabawi dati puyat lagi,” hirit ng isa pa.
“SA TAGAL NYA BA NAMAN PUYAT MAKAKATULOG TALAGA YAN,” sundot ng isa pa.
Sundot ng isa pa: “sunod niyan GIL Gising.”

Joke ng isa: “Matagal na kasi syang ‘Puyat,’” na sinundan niya ng laughing emoji.
Tila relate naman ang isa pang netizen sa pagpapalit ng signage in the future: “GIL PUYAT> GIL TULOG> GIL GISING> GIL PASOK> GIL PUYAT AGAIN”

A MARKETING STUNT
Di nagtagal, may mga netizens na nag-imbestiga at natuklasang isa pala itong marketing stunt.
Nadiskubreng advertisement ito para sa isang melatonin o supplement brand para makatulog.


Pero may mixed reactions ang netizens.
Ilang netizens ang nagkomento na disrespect ito sa dating senador.
Nagtanong din ang isa pang netizen kung alinsunod ba ang pagpapapalit sa pangalan ni Gil Puyat sa legal na proseso.

WHO IS GIL PUYAT?
Si Gil J. Puyat ay ipinanganak noong September 1, 1907.
Anak siya ni Don Gonzalo Puyat, isa sa founders ng first business empires sa Pilipinas, partikular sa furniture.
Sa murang edad, na-expose si Gil Puyat sa mundo ng negosyo kaya’t hindi kataka-takang kumuha siya ng kursong Commerce sa University of the Philippines - Diliman, kung saan naging top student siya.
Eventually ay naging professor siya sa UP.
Habang nagtuturo, naging member siya sa Rotary Club of Manila.
Dahil sa kanyang husay sa business industry, napansin siya ng Pangulong Manuel L. Quezon, na nagtalaga sa kanya bilang dean of College of Business Administration sa edad na 33.
Si Puyat ang pinakabatang dean sa UP.
Bilang miyembro ng international trade bodies, nagkaroon siya ng magandang reputasyon sa larangan ng negosyo internationally.
Itinanghal siyang Business Leader of the Year noong 1948 ng Business Writers’ Association of the Philippines.
Itinanghal din siyang Civic Leader of the Year ng Association of Red Feathers Agencies noong 1949.
Nakakuha rin siya ng ilang pagkilala sa bansa dahil sa kanyang national leadership sa business, economics, the civic and political fields dahil sa mga hinawakang posisyon.
Nanalo siya bilang senador noong 1951 at nagsilbi sa Senado hanggang 1973.
Naging Senate President din siya sa loob ng anim na taon.
Ang kanyang asawa ay si Eugenia Guidote, at nagkaroon siya ng pitong anak.
Pumanaw si Puyat noong March 23, 1980.
