PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes hopes for reconciliation between Claudine and Angelu

Gladys still dreams of doing a movie with Judy Ann, Claudine, and Angelu.
by Melba R. Llanera
Published Jul 30, 2024
Gladys Reyes on Claudine Barretto and Angelu de Leon feud
Gladys Reyes on Claudine Barretto and Angelu de Leon's conflict: "Actually, nung nag- birthday ako, gusto kong... heto honest talaga, gusto kong humingi ng lambing kay Claudine na puwede ba as a birthday gift, puwede magbati na kayo? Yun lang ang gusto kong hilingin sana."
PHOTO/S: @iamgladysreyes / @claubarretto / @angeludeleonrivera Instagram

Sa 20th wedding anniversary ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas naghayag si Claudine Barretto na may sama siya ng loob kay Angelu de Leon.

Ito ay matapos banggitin ni Gladys kay Claudine sa harap ng mga bisita na gusto niyang magkaroon sila ng pelikula kasama sina Judy Ann Santos at Angelu.

January 29, 2024 nang maganap ang insidente.

Read: Claudine Barretto reveals beef with Angelu de Leon

Marso nang magsabi si Angelu na gusto na niyang magkaayos sila ni Claudine.

Read: Angelu de Leon hopes to talk personally and reconcile with Claudine Barretto

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong July 21, 2024, naikuwento ni Gladys na "gulat na gulat" siya sa nangyaring tensyon sa anniversary party nila ni Christopher noong Enero.

Gusto raw sana niyang maayos na ang gusot sa pagitan nina Claudine at Angelu nang magdiwang siya ng kaarawan noong Hunyo.

Sabi ni Gladys: "Actually, nung nag- birthday ako, gusto kong...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Heto honest talaga, gusto kong humingi ng lambing kay Claudine na puwede ba as a birthday gift, puwede magbati na kayo?

"Yun lang ang gusto kong hilingin sana."

Hindi alam ni Gladys kung nagkaroon na ng pagkakataong magkausap sina Claudine at Angelu.

Sabi lang niya, "Di ako sure, pero parang yun ang gusto kong hingin na birthday gift kay Clau."

Sa panayam ng PEP noong Enero, pinaliwanag ni Claudine na hindi niya nagustuhan ang tingin niya'y pagsawsaw ni Angelu noong panahong may isyu si Claudine sa mga kapatid at noong may isyu rin ito kay Jolina.

Hindi na raw dapat pa nagkomento noon si Angelu sa media.

"Matagal na pala yan, 2016," saad ni Gladys sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.

"Ang alam ko yung kay Jolina and Claudine," dagdag niya.

Pero hindi raw niya alam iyong sinasabi ni Claudine na nagkomento si Angelu noong may isyu si Claudine sa mga kapatid nito, di ko yan alam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingin naman ni Gladys, "open" si Angelu na magkaayos sila ni Claudine.

Hindi lang daw sigurado si Gladys kung bukas din si Claudine.

Ang tanging masisiguro raw ni Gladys ay okay sila ni Claudine.

Paniniguro pa niya, "Okay naman ako sa kanilang lahat."

Read: Gladys Reyes, Christopher Roxas celebrate 20 years of marriage

GLADYS REYES ON JUDY ANN SANTOS

Sa puntong ito ay naikuwento rin ni Gladys na siya naman ay nagtampo sa kaibigang si Judy Ann.

"Si Judy Ann medyo nagtampo ako ng kaunti nung anniversary namin [ni Christopher] kasi di siya nagpunta, di ba?

"Actually ganun ako, e. Bigla na lang akong mawawala, di ko sasabihin sa iyo na nagtatampo ako.

"Na-sense niya yata na nagtatampo ako kaya nung birthday ko pinadalhan niya ako ng flowers.

"Sabi nga niya, 'Sis, di mo lang alam kung gaano ako kasaya...' Dahil finally nag-text back ako."

Madali lang daw mawala ang tampo ni Gladys.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag niya: "Ganun lang naman ako, isa sa pinagtatampo ko yung matagal ng kaibigan tapos nakakalimutan yung birthday.

"Ganun ako, cancer, e, sensitive.

"Sana lang sabi ko it will be more complete kung nandun si Judy Ann nung anniversary namin."

Ang punto naman ni Gladys, hiling pa rin niya na magkasama-sama sila nina Judy Ann, Claudine, at Angelu sa isang proyekto.

Aniya, "I love you Clau, Angelu and Juday, of course, pangarap ko magkasama-sama kami isang project."

Read: Elvis Gutierrez mourns death of wife Alexa: "I miss you so much"

ON GMA PROJECT

Napapanood ngayon si Gladys sa Kapuso afternoon series na Abot Kamay Na Pangarap kung saan ginagampan niya ang role bilang si Nushi G. Half sister siya ni Pinky Amador, na kilala bilang Moira/Morgana sa serye.

Masaya si Gladys na parte siya ngayon ng nangungunang afternoon drama show.

"Naku na-excite ako nung sinabi sa akin na papasok ako sa Abot Kamay bilang si Nushi G, a new character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero di niya akalain yung mga twists and turns kaya kailangan talaga panoorin nyo kung sino ba talaga si Nushi G sa Abot Kamay Na Pangarap.

"Anak kami ni Pilar Pilapil. Ano ba ito, kakampi o kalaban ba ito ng mga Tanyag? Yan ang aabangan niyo."

Kuwento pa ni Gladys, wushu expert ang role niya at na-enjoy daw niya ang training niya para rito.

"Nung sinabi nila di ko naman agad nalaman, pero yun na nga nagpapa-schedule ako kasi nakita ko rin, 'Wow, ang ganda for the form, posture, flexibility.'

"Sabi ko, 'I think I've found my sport.'

"Saka sa aming set mayroon talaga kaming wushu expert. Tinitingan ko puwedeng ipag-combine ang hula hoop sa wushu."

Hindi kaya mas ma-enjoy na niya ang wushu kaysa sa hula hoop?

"Di ko siya papalitan kasi nakarating na siya sa UK ang hula hoop ko, di ba? In different parts of UK.

"May movie ako na gagawin na magugulat sila kasi parang hanggang dun yata makakarating. It's a form of exercise at the same time having fun. Yun ang gusto ko sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lucena Mayor Mark Alcala, nanliligaw rin kay Kathryn Bernardo

GLADYS REYES WINS BEST SUPPORTING ACTRESS

Nakapanayam ng PEP si Gladys sa sidelines ng 40th Star Awards For Movies.

Nanalong Best Supporting Actress si Gladys para sa pelikulang Here Comes The Groom sa 40th Star Awards For Movies.

Sa 7th EDDYS Awards Night ay nanalo siyang Best Supporting Actress para sa pelikulang Apag.

Magkasunod na nanalo bilang Best Supporting Actress sa 7th Eddy's Awards Njght para sa pelikulang Apag at sa 40th STAR Awards For Movies para naman sa pelikulang Here Comes The Groom.

Labis ang kaligayahan ni Gladys sa mga karangalang kumilala sa husay niya sa pag-arte.

"Siyempre nakakatuwa, overwhelming dahil di ko ine-expect na makakakuha ako ng two Best Supporting Actress in a month. Pareho pa siyang buwan ng July and nasakto pa yun kasi Star Awards 40th anniversary."

Sa Here Comes The Groom ay mapagmahal na nanay ang papel na ginampanan ni Gladys. Ang funny twist ay nagkapalit-palit sila ng identity ng iba niyang co-stars sa comedy film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tuwing nanalo ako ng award laging naiiyak ka sa tuwa, lalo na ito, ibang saya ang ibinigay ng pagpanalo ko sa Star Awards dito sa Here Comes The Groom.

"It's the first time na maka-receive ako ng award in a comedy film.

"Sanay ang mga tao na kontrabida ako or kaya drama ang ginagawa ko, pero para mabigyan ng parangal ng PMPC ang performance ko, sobrang tuwa ko.

"Yun naman talaga ang target ko, to show my versatility na di lang ako lang pang-drama, di lang ako pang-kontrabida, but I can also show my funny side.

"Actually mas more yun sa character ko talaga, yung pagiging komedyante kasi mahilig ako mag-punchline, mabilis ako magsalita.

"Alam ng mga mga kaibigan ko, ng mga close sa akin pag nagkita-kita kami, halos di na sila makapagsalita dahil ang dami kong kuwento sa kanila.

"Siguro yung a bit of being natural lumalabas pag gumagawa ako ng comedy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat siya sa director na si Chris Martinez at Quantum Film producer na si Atty. Josabeth Alonso na napili siyang maging bahagi ng cast.

"Iba-iba kasi working with different directors, iba-iba rin ang style nila.

"Like si Direk Chris, gusto niya mag-stick sa script.

"Akala kasi ng iba ang dali lang mg comedy, hindi, mahirap kasi it takes timing.

"Yung punchline dapat pasok, hindi nakakatulong lagi ang maraming ad libs pag sa comedy. Kailangan saktung-sakto."

Read: Meet the polyamorous family of Taya, Alysia, Sean, Tyler

40TH ANNIVERSARY IN SHOWBIZ

Isa pang mahalagang milestone ni Gladys ngayong 2024 ay ipinagdiriwang niya ang kanyang 40th anniversary sa showbiz.

"And like yung nasabi ko sa aking speech, 40th anniversary ko rin this year.

"Nag-start ako when I was seven years old. Actually, sa Viva ako nag-start gumawa ng pelikula with Ate Vi in Muling Buksan Ang Puso.

"Tuluy-tuloy na yun hanggang sa naging young Lorna Tolentino ako sa Nakagapos Na Puso and everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos naging anak ng mga action stars, and siyempre yung biggest break ko yung Mara Clara."

Sabi pa ni Gladys tungkol sa pag-arte, "Masasabi ko talaga na passion ko talaga ito."

Sa kanyang awards, dagdag niya, "Well, maraming nagsasabi na it's long overdue pero sa akin naman everything is in God's perfect timing."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes on Claudine Barretto and Angelu de Leon's conflict: "Actually, nung nag- birthday ako, gusto kong... heto honest talaga, gusto kong humingi ng lambing kay Claudine na puwede ba as a birthday gift, puwede magbati na kayo? Yun lang ang gusto kong hilingin sana."
PHOTO/S: @iamgladysreyes / @claubarretto / @angeludeleonrivera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results