Bilang Kristiyano, hindi apektado si Rica Peralejo sa kontrobersiyal na opening ceremony ng 2024 Paris Olympics.
Noong Biyernes, July 26, 2024, nag-viral online ang opening ng 2024 Paris Olympics tampok ang performance ng French actor-singer na si Philippe Katerine, na nag-a la Greek God.
Sa kanyang performance, naka-kulay blue na body paint si Philippe na may mga palamuting bulaklak at prutas sa kanyang ulo at katawan habang siya ay nasa ibabaw ng lamesa at kumakanta.
Sa likod niya, makikita ang isang mahabang mesa kunsaan nakahilera naman ang drag queens at dancers na nagmistulang mga alagad niya.
Sa official X account ng The Olympic Games, inilarawan nila ito bilang interpretasyon ng Greek God of wine na si Dionysus.
Sa greek mythology, kinikilala si Dionysus bilang Diyos sa paggawa ng alak at ng mga halamanan.
Read: Rica Peralejo cries foul over comment that LGBTQIA community should not exist
PARIS OLYMPICS OPENING SPARKS OUTRAGE
Ngunit hindi lahat ng nakapanood dito ay kumbinsido sa interpretasyong nais ipakita at iparating ng pamunuan ng Olympics.
Katakut-takot kasing batikos ang nakuha nito galing sa netizens, partikular na sa mga tapat na Kristiyanong nakapanood.
Anila, mas nakita nila sa performance ang pagsasalarawan sa The Last Supper kumpara sa iginigiit ng Olympics na Dionysus.
Ang The Last Supper ay obra ng Italian Renaissance artist na si Leonardo da Vinci, na nagpapakita ng eksena sa huling hapunan ni Hesus Kristo, kasama ang kanyang labindalawang apostoles bago siya ipako sa krus.
Ikinabahala ito ng netizens maging ng ilang Christian groups.
Malinaw raw na pagpapakita ito ng kabastusan, pangungutya, pang-iinsulto sa Kristiyanismo.
Read: PEP TEAM ON PURA LUKA VEGA-PERSONA NON GRATA ISSUE
RICA PERALEJO'S OPINION
Bagamat marami ang tumutuligsa, mayroon namang ilan ang nakumbinsing hindi nito isinasalarawan ang The Last Supper.
Kabilang na rito ang aktres na si Rica Peralejo.
Sa Threads noong Linggo, July 28, nagbigay ng opinyon si Rica tungkol sa naging interpretasyon niya sa napanood na opening performance sa 2024 Paris Olympics.
Nang mapanood daw niya ang opening performance ay hindi naman sumagi sa kayang isipan na nirerepresenta nito ang The Last Supper, gaya nang interpretasyon ng ibang nakapanood.
Una pa lang ay malinaw na raw sa kanya na tungkol ito kay Dionysus, kaya hindi niya mawari kung bakit naghihimutok ang mga Kristiyanong nakikita itong kalapastangan sa sikat na obra ni Da Vinci.
Mababasa sa post ni Rica (published as is): "So I am not sure of how true that the Last Supper was actually the Feast of Dionysus. But to me it sounds more like it because hello: OLYMPICS. OLYMPIA, GREECE. Ancient Greece and Dionysus is…?
"Kaya pala no matter how much I look at it hindi naman Last Supper yung efek sakin [laughing in tears emoji] and here are the Christians being so outraged and honestly, this makes the Christian faith talaga look unthinking and unreasonable more than ever! [laughing in tears emoji] if true talaga this, time na for the Christians to think talaga of how people can believe in us when we keep representing the faith as reactionary.
"Reacts before thinking. Enraged before understanding. Others then would automatically think the faith is for fools! And the saddest part is I cannot blame them."

Bilang Kristiyano, hindi naman daw siya naapektuhan at nabastusan dito.
Kung mayroon daw siyang napansin, ito ay tila hindi naman akma ang performance na nagpapakita kay Dionysus sa tema ng Paris Olympics ngayong taon.
Saad niya, "Here is an honest opinion on the whole “last supper” on the olympics tho. I was not, at all, affected as a Christian for so many reasons but when I saw it I was a bit confused because it felt like it wasn’t something that matched the whole Olympic vibe as I know it haha!
"Parang mas pang Superbowl-ish sya than Olympics. But then again in past years parang nagiging show/entertainment na din talaga yung Olympics."

PARIS OLYMPICS ORGANIZERS APOLOGIZE
Matapos ulanin ng batikos, agad na humingi ng paumanhin ang organizers ng 2024 Paris Olympics.
Sa pangunguna ng Paris 2024 spokesperson na si Anne Descamps, sinabi nitong hindi nila intensiyong saktan at bastusin ang sinumang Kristiyano at religious group.
Pahayag ni Descamps, "There was clearly never an intention to show disrespect to any religious group.
"On the contrary, I think we tried to celebrate community, tolerance.
"We believe this ambition was achieved. If people have taken any offense, we’re of course really sorry."
