PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

OPM icon Coritha needs help

Nasunugan, na-stroke
by KC Cordero
Published Jul 31, 2024 | Updated Jul 31, 2024
Cover of Coritha's album, and her recent photo
May sakit at kailangan ngayon ng tulong pinansyal ng OPM icon na si Coritha. (Photos courtesy of Romeo Babao Facebook)

Nanawagan ang netizen na si Romeo Babao ng tulong para sa Filipina folk singer na si Coritha.

Ang panawagan ay ginawa niya sa pamamagitan ng isang post sa kanyang Facebook account last July 30, 2024.

Si Romeo ay isang retired doctor, producer at sound engineer, ayon sa mga impormasyon sa kanyang Facebook account.

Naglakip din siya ng mga larawan ni Coritha, kabilang ang cover ng self-titled album nito noong dekada 80, at ang kondisyon ng kalusugan nito ngayon.

Screenshot of Romeo Babao's post about Coritha's plight
Ang screenshot ng Facebook post tungkol sa kalagayan ngayon ni Coritha. Photo: Screenshot at Romeo Babao Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa post ni Romeo, nagretiro sa local music scene ang folk singer noong 2000.

Regular din umano itong tumutulong sa church.

Sa kasamaang palad, nasunog ang tinitirahang bahay ni Coritha noong October 6, 2018 sa Quezon City.

Wala itong naisalba kahit ano.

Read: Rico Blanco credits ex-girlfriend Maris Racal in new version of Kisapmata

CORITHA NA-STROKE, KAILANGAN NG TULONG PINANSYAL

Dahil umano sa trahedya ay na-depress si Coritha.

Ibinahagi rin ni Romeo na sa loob ng ilang taon ay nanirahan ang folk singer sa isang tent sa loob ng nasunog nitong property.

Natutulog lang ito sa folding bed, at walang kuryente.

Nag-iisa aniya ito sa buhay, at tinamaan pa ng stroke.

Hindi rin ito nakapagsasalita at paralisado pa.

Kalaunan ay kinupkop si Coritha ng kaibigang si Luisito Santos, at dinala sa bahay nito sa Tagaytay City.

Read: Angeline Quinto lends voice to BTS Universe-inspired K-drama Begins Youth

Pakiusap ni Romeo ay huwag sanang makalimutan ang naging ambag ni Coritha sa pagyabong ng Original Pilipino Music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakalagay rin sa kanyang post ang GCash number ng kaibigan ni Coritha na si Luisito kung may nais magpadala ng tulong sa folk singer.

Ang GCash number ni Luisito: 09669003365.

Ang post ni Romeo ay isine-share ng mga fans ni Coritha, at ng iba pang artists kabilang ang Pinay rock singer na si Cooky Chua.

Read: South Korean rapper Ch1tkey fakes his death for attention

WHO IS CORITHA?

Ang tunay na pangalan ng Filipina folk singer at songwriter na si Coritha ay Maria del Perpetua Socorro Arenas.

Ipinanganak siya noong June 27, 1956.

Siya ang nag-compose at kumanta ng kanyang mga awitin.

Sumikat siya noong dekada 70 hanggang dekada 80.

Sa kabuuan, may 13 kanta si Coritha.

Coritha during her younger days
Ang larawan ni Coritha noong kabataan niya. Photo: Screenshot at Julius Babao Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang sa biggest hits niya ang "Oras Na," na isa sa mga madalas kantahin sa mga rally laban sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., at maging sa EDSA People Power.

Sikat na sikat din noon ang iba pa niyang komposisyon tulad ng "Lolo Jose” at "Sierra Madre."

Ang Sierra Madre ay tribute ni Coritha sa bundok ng Sierra Madre Mountains, ang pinakamahaba at pinakamalaking mountain range sa Pilipinas.

Batay naman sa tunay na buhay ang kuwento sa likod ng kanyang awiting "Lolo Jose."

Ang tinig ng mga batang maririnig sa chorus ng naturang awitin ay mula sa mga miyembro ng Sto. Domingo Boys' Choir nang i-record niya iyon.

Unang isinumite ni Coritha ang "Lolo Jose" bilang entry sa Metro Pop Songwriting Contest pero hindi nanalo.

Noong 1982, nagwagi ito ng dalawang Cecil awards para sa "Best Folk-Pop Song" at "Best Folk-Pop Vocal Performance."

Read: Morissette Amon, husband Dave Lamar reconcile with her family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CORITHA UNANG GUMAMIT NG PHILIPPINE NATIVE INSTRUMENTS SA OPM

Si Coritha ang kauna-unahang local musician sa kasaysayan ng OPM na nag-eksperimento sa kanyang mga awitin ng paggamit ng ating native musical instruments.

Ang kanyang mga unang ginamit na gitara at bandurria ay likha ng local guitar craftsmen ng Lumanog, isang tindahan ng musical instruments sa Sta. Mesa, Manila.

Coritha and her guitar
Tumatak ang mga awitin ni Coritha na may malalalim na mensahe at tampok ang mga native instruments. Photo: Screenshot at Julius Babao Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa nga kantang "Awit Kay Leandro," "Bilanggo," at "Oras Na" ay gumamit siya ng bandurria, octavina, at laud—na mga karaniwang ginagamit sa rondalla.

Ang pagsisikap ni Coritha noon na mapagsama ang native instruments at ang standard western instruments ay bahagi sa pagpapayabong ng musikang Pinoy, lalo na sa kasagsagan ng OPM noong dekada 80.

Tinaguriang “People's Singer,” siya rin ang kauna-unahang Pinoy musical performer at recording artist na nakipag-collaborate sa grupo ng blind musicians.

Read: BINI makes P-Pop history with KCON LA 2024 performance

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May sakit at kailangan ngayon ng tulong pinansyal ng OPM icon na si Coritha. (Photos courtesy of Romeo Babao Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results