Danica Sotto and husband Marc Pingris welcome their first baby

by Rose Garcia
Jul 6, 2008
Young couple Danica Sotto and Marc Pingris (top) are now proud parents to their newborn son Jean-Michele. Dina Bonnevie and Vic Sotto (bottom), meanwhile, became first-time grandparents.


Maluwalhating nairaos ng actress-singer na si Danica Sotto ang kanyang panganganak sa panganay na anak nila ng asawang si Marc Pingris, na pinangalanan nilang Jean-Michele, last June 29. Kinailangang i-caesarean operation si Danica dahil sa sobrang laki ng sanggol.

Ayon sa new mom na si Danica nang makapanayam siya ng StarTalk sa Asian Hospital, "Isa rin sa mga factor kung bakit ako na-caesarean, yung baby ko, masyado siyang mataas, hindi bumababa. ‘Tapos yung cervix ko nga, close pa, hindi na aabot sa labor. Kung ita-trial labor pa namin, risky na."

Abot-abot naman daw na nerbiyos ang naramdaman ng first-time dad na si Marc. Kuwento niya, "Noong makita ko pa lang na nag-broke ang water niya, kinabahan na ako. Parang ako yung, ‘O, ano ang gagawin ko? Ano ang gagawin ko?' ‘Tapos sabi sa akin ni Danica, ‘Relax ka lang. Maliligo lang ako.' ‘O, after mong maligo, ano ang gagawin ko? Ano ang bubuhatin ko? Ano ang dadalhin ko?'"

Continue reading below ↓

Kung ang pagbabasehan daw ay ang comment ng ama niyang Vic Sotto, kamukha raw ni Danica ang anak niya noong baby pa siya. "Sabi kasi ni Daddy, parang kamukha ko raw noong baby ko or kahawig din daw ni Oyo [Sotto, her younger brother] noong baby," saad ni Danica.

CLUELESS LOLO. Ang first time lolo naman na si Vic ay wala raw kamalay-malay na nakapunta na pala sa hospital ang anak at manugang.

"Wala akong kamalay-malay, tulog pa ko. I was getting ready para manood kay [Manny] Pacquiao. Tapos, noong paglabas ko ng kuwarto, nakita ko ang kuwarto nila, bukas. Doon pa lang sinabi sa akin ng maid na nasa hospital na sila. And then, I got a text from Marc na ini-schedule na nga raw ng doctor for C.S. ng 11:00 a.m.

"After the hospital, I went straight to the hospital. Naabutan ko pa si Danica sa recovery room and then, sinilip ko yung baby sa nursery room. And the feeling is indescribable," kuwento ng excited na lolo.

Continue reading below ↓

Biniro naman daw ni Vic ang mga kasamahan sa Eat Bulaga! after manggaling ng hospital.

Lahad niya, "Sabi ko kay Joey [de Leon], may muscle na nga ang bata. Paano, nakaganyan ang mga kamay, nagpi-flex. He's super adorable, cute. Parang kamukha ni Danica. Ayaw namang pumayag ng tatay at sinasabi, pagdating ng araw, hahaba na rin ang mukha niyan. But of course, the excitement was doubled when I saw Danica."

A GRANDMOTHER'S TALE. ‘Tulad ni Vic, first time lola pa lang din si Dina Bonnevie, tila nagho-hope pa rin daw ang aktres na normal delivery sana ang panganganak ni Danica.

"E, si Danica, sinabi nga niya sa akin na hindi raw puwedeng mag-natural birth. Sabi ko, ‘Bakit hindi puwede?' E, kasi, ang laki raw ng balikat ng baby ‘tapos ang liit ng pelvic cavity niya. So sabi ko, ‘Naku, maglakad ka! Maglakad ka!' Then, ‘E, mommy, hindi nga raw bumubukas ang pelvic ko.'

Continue reading below ↓

"Sabi ko pa rin, ‘Naku, maglakad ka diyan, walk, walk every day!' Then, sabi ni Marc, ‘Ma, palagi n'yo naman pinu-push si Danica, e, naglalakad naman po talaga siya. Kaso, hindi po talaga makalabas ang anak ko kasi ang laki-laki.' So, sabi ko, ‘E, kasi naman, ang laki-laki mong tao! Kaya nahihirapan yung anak ko!' Alam mo yun, talagang antipatikong lola!" natatawang kuwento ni Ms. D.

Dagdag niya, "Ang laki ng baby, tipong 54 to 55 centimeters! Ang haba! Kaya sabi ko, ‘Oh my God! Bata ba ‘to? Ang laki!'"

Tinignan daw agad ni Dina kung kumpleto ang body parts ng apo nang una itong makita.

"Hay, thank God, dalawa ang mata, dalawa ang kamay. Then, tiningnan ko, mahaba ba ang baba? Natakot ako, e, kasi baka magmana sa lolo or sa tatay kaya!

"Tapos sabi ni Marc, ‘Si Mommy naman, mahaba rin ang baba ni Danica.' So, parang ako, mahaba ba ang baba ng anak ko? Worried-worried ako, so, ‘Doktora, mahaba ba ang baba ng apo ko?" natatawang kuwento niya.

Continue reading below ↓

Ayon kay Dina, silang dalawa raw ng anak na si Oyo ang mga unang dumalaw sa hospital. Aniya, excited din daw si Oyo na maging tiyo na. At hiniritan pa raw siya nito na mag-aasawa na rin. Pero kinontra niya raw agad na hindi puwede. Mag-ipon at magkaroon muna raw ito ng stable job.

THE OTHER VISITORS. Ang French father naman daw ni Marc ay may planong bumisitang muli sa Pilipinas either this December or February. Pero nang makausap daw nila ito sa telepono, halatang naiiyak daw sa sobrang tuwa at excitement.

Ilan sa mga naging visitors ni Danica sa hospital ay ang kanyang half-sister na si Paulina, her friends Sunshine Dizon with mom Dorothy Laforteza, Iza Calzado, Alessandra de Rossi, and Kristine Hermosa.

Pero na-touch daw siya nang husto nang dumating ang pinsan niya na si Ciara Sotto.

"Naku, nang makita ko si Ate Ciara, sobrang umiyak talaga ko! Fresh from the States, so yun. Siguradong ninang yun, hindi puwedeng mawala," saad ni Ciara.

Continue reading below ↓

Nagbigay naman ng mensahe si Dina para kay Danica.

"One thing I can tell you, motherhood is no ending. It has a beginning but no ending until this son lies himself on the ground, six feet under the ground, you will forever be his parents, his guide. So be a full-time mom. Be with your son. Take care of him and we will do the rest. We will love him, cherish him like you do."

Si Vic naman, naniniwalang maging mabuti raw na mga magulang ang anak at ang manugang, while Marc promised na mas lalo raw siyang magtatrabahong para sa kanyang asawa at anak.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young couple Danica Sotto and Marc Pingris (top) are now proud parents to their newborn son Jean-Michele. Dina Bonnevie and Vic Sotto (bottom), meanwhile, became first-time grandparents.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results