PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Yulo's mother speaks up about "mukhang pera" accusations

Angelica Yulo feels Carlos's girlfriend is driving a wedge between the family.
by Bong Godinez
Published Aug 4, 2024
carlos yulo mother angelica
Angelica Yulo: "Wala kaming ninakaw, wala kaming ginalaw na pera niya. Siguro meron portion na hindi man lang sabihin mong aaray yung bulsa niya."
PHOTO/S: Facebook / YouTube

Nagpaunlak ng panayam ang ina ng gymnast na si Carlos Yulo para sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya.

Laman ng balita si Carlos mula pa kagabi, August 3, 2024, matapos nitong masungkit ang gold medal para sa men's gymnastics floor exercise ng Paris Olympics.

Carlos Yulo takes historic gymnastic gold at the Paris Olympics 2024
Carlos Yulo takes historic gymnastic gold at the Paris Olympics 2024.
Photo/s: Screengrab from YouTube | One Sports
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito ay marami ang nagkainteres kay Carlos, hindi lang sa pagiging atleta nito ngunit maging sa personal na buhay nito.

Sa kasisiyasat ng netizens ay naungkat ang hidwaan nito sa kanyang ina na si Angelica Poquiz Yulo.

Ayon sa haka-haka ay hindi maayos ang relasyon ng dalawa dahil sa usapin ng pera.

May mga netizen na nag-akusang "mukhang pera" si Angelica at naghahabol umano ito sa perang kinikita ng anak bilang atleta para sa national team.

May mga nagsabi pang winaldas umano ng pamilya ni Carlos ang pera na galing sa mga kumpetisyong sinalihan nito dati at nang walang pahintulot mula sa 24-anyos na atleta.

Sa pagsisiyasat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay lumalabas na Pebrero 2023 pa nang huling nagkaroon ng ugnayan ang mag-ina, at least sa social media.

Read: Carlos Yulo, may hidwaan sa kanyang sariling ina?

CARLOS' MOTHER AIRS SIDE ON ISSUES

Sa panayam sa ina ni Carlos na in-upload ng Bombo Radyo sa Facebook page nito ngayong Linggo, Agosto 4, ipinagtanggol nito ang sarili laban sa mga malisyosong akusasyong kumakalat online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Angelica, bagamat hawak niya ang bank passbook ni Carlos ay hindi niya ito kailanman inangkin at itinuring na sariling pera niya.

Sa salaysay ni Angelica ay tila nagkaroon ng insidente kung saan nagpagawa ng affidavit of loss si Carlos para makakuha ito ng bagong kopya ng passbook.

"Since hawak ko yung passbook niya, nagpasa siya ng affidavit of loss. Got it notarized tapos pinasa niya sa BDO," lahad ni Angelica.

"So siyempre, sa kanya lang nakapangalan yun. Kaya may right talaga siya na kunin yung pera niya.

"Kaya lang kasi, hindi ko in-expect sa ganung paraan. Kasi binigyan ko pa siya ng benefit of the doubt na kukunin niya sa amin nang maayos na [paraan]. Ibibigay naman namin."

Dagdag pa niya, "As far as I remember, December 2022, nagpunta kami ng bank o nag-update pa kami ng signature niya.

"Ngayon, kung ako after ako sa pera niya, that time kasi alam ko iba na yung feeling ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"That time, sana sinabi ko sa kanya mag-joint account kami. Pero never kong sinabi. Hindi ko ginawa.

"So, ang sa akin is alam ko pinaghirapan niya yun. Gastusin niya sa paraan kung saan siya masaya.

"Kasi, at the end of the day, lahat naman ang pinaghirapan niya dapat siya lang talaga yung makikinabang."

Sa katunayan daw ay nakuha ni Carlos nang walang bawas ang pera niya sa kanyang BDO account, patunay na hindi ito pinagkainteresan ni Angelica at ng mga kapamilya ng atleta.

"Nakuha naman ni Caloy nang buung-buo sa BDO yung pera niya na nagkakahalaga ng PHP11 million. So, nakuha niya yun," sabi ni Angelica.

WITHDRAWALS ON ANOTHER BANK ACCOUNT

Pagdating naman sa isa pang bank account ni Carlos sa Land Bank of the Philippines, kaya raw patunayan ni Angelica kung saan ginastos ang mga perang kinuha galing dun.

"Maraming withdrawals sa Land Bank niya na ATM. So, hawak ko yung ATM niya na dun pumapasok yung allowance niya from 2013 to 2022," turan ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Angelica ay ang allowance na natatanggap ni Carlos mula sa Philippine Sports Commission (PSC) bilang atleta na kabilang sa national team.

"Pero during that time, noong mga 2013 to 2014, ang sinasahod niya from PSC is PHP5,000 lang.

"Then, after a year, naging PHP8,000. After a year ulit, naging PHP10,000, until December 2019 kasi nanalo na siya noon.

"Tumaas yung allowance niya noong nag-qualify siya sa [Tokyo] Olympics ng 2020.

"Pero may mga withdrawals talaga doon na meron naman akong proof kung saan napunta.

"May mga malalaking amount talaga kasi pumasok talaga siya sa Gymnastics Association of the Philippines way back 2020 na nagkakahalaga siya ng PHPP488,000."

Naitabi raw ni Angelica ang deposit slips at iba pang resibo ng mga transaksyon mapa-deposit man o ito o withdrawal.

"Meron akong proof, nandito sa phone ko, nasa akin.

"Meron mga resibo din na kinuhanan ko siya ng BDO Life niya, na nabayaran ko na siya bago pa mag-advance payment. Even the Sun Life na dalawa yung insurance niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iniisip lamang daw ni Angelica ang kinabukasan ni Carlos para kung sakaling mangailangan ito sa hinaharap ay meron itong mapagkukunan.

"Meron din akong resibo ng mga yun and yung [BDO] passbook na hawak ko na nandun pa yung PHP11 million.

"Kasi hindi ko naman siya mawi-withdraw kasi kay Caloy lang siya nakapangalan" diin ni Angelica.

ANGELICA: "BAKA MAUBOS YUNG ANAK KO IN THE FUTURE"

Sinabi ni Angelica na may pera si Carlos na inihulog niya sa bangko at nakapangalan sa kanya.

Ngunit kung ikukumpara ito sa dalawang unang nabanggit na bank accounts ni Carlos ay nagkakahalaga lamang ito sa kasalukuyan ng PHP70,000.

Cash incentives daw ito ni Carlos mula sa sinalihang World Championships 2021 na ginanap sa Kitakyushu, Japan.

"So, sa akin binigay. Ang ginawa ko, nararamdaman ko bilang ina, ang sabi ko, baka maubos yung anak ko in the future.

"So, ang ginawa ko, inano ko siya, dineposit ko siya under my name sa BPI dito sa Vito Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Then, pina-hold ko siya, ginawa ko siyang bond for credit card.

"Nung nagkaroon kami ng discussion ni Caloy, pinuntahan ko agad yung BPI kung paano ko siya puwedeng isoli yung credit card para ma-withdraw ko yung pera niya.

"So, unfortunately, kailangan ko ng two years para ma-withdraw ko siya, otherwise magpe-penalty ako.

"Tapos for ano pa daw yun, sabi nila for approval pa. Kasi isu-surrender ko lang naman yung credit card na yun. So, intact yung mga pera niya."

Dito ay tinanong si Angelica kung ano kaya sa palagay niya ang naging mitsa ng hindi nila pagkakaunawaan ng anak.

Sagot niya, "Ang naging mitsa lang naman talaga ever since yung babae talaga. Lalong lumaki [ang hidwaan]."

Tila ang tinutukoy na babae ni Angelica ay ang Filipino-Australian vlogger na girlfriend ni Carlos, si Chloe Anjeleigh San Jose.

Pakiramdam ni Angelica ay nilalayo ni Chloe si Carlos sa pamilya nito.

Read: Carlos Yulo, GF charm netizens with post-victory celebration

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Angelica, "Oo, alam ko, gusto nilang magkasama. Gusto niyang makasama si Caloy, gusto rin siyang makasama ni Caloy.

"Pero siyempre, kasi pamilya kami. Kumbaga, parang matagal din namin siyang hindi nakasama. Because of pandemic, di ba?

"So siyempre, kung siya gusto rin siyang makasama nung girl, how much more kami na pamilya niya na gusto rin siyang makasama?

"Even yung mga kapatid niya kasi talagang medyo nalulungkot lang kasi sobrang close silang magkakapatid."

Read: Carlos Yulo believes long-distance relationship works best for him and girlfriend

Sa huli ay idiniin ni Angelica: "Wala kaming ninakaw, wala kaming ginalaw na pera niya. Siguro meron portion na hindi man lang sabihin mong aaray yung bulsa niya."

Wala rin daw siyang magagawa kung ayaw siyang paniwalaan ni Carlos.

Para kay Angelica, tanging ang kapakanan lamang ni Carlos at ang kinabukasan nito ang iniisip niya.

Hindi rin daw siya nagkulang ng paalala rito at sa ibang anak na i-invest ang perang kinikita para mapakinabangan nang husto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi yan ang sinasabi ko sa mga anak ko. Every time may nakukuha, magkakaroon sila ng cash incentives, malaki o maliit, sinasabihan ko sila na, 'Bumili kayo yung merong... maaalala ninyo na Ay, galing ito sa Palarong Pambansa. Ay, galing ito sa ganito kong cash incentives. Ay, galing to sa ano.'"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Yulo: "Wala kaming ninakaw, wala kaming ginalaw na pera niya. Siguro meron portion na hindi man lang sabihin mong aaray yung bulsa niya."
PHOTO/S: Facebook / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results