PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Enzo Osorio almost missed auditioning for The Hearing

Enzo Osorio celebrates 15th birthday on the set of The Hearing.
by Jerry Olea
Published Aug 5, 2024
enzo osorio the hearing
Child actor Enzo Osorio plays a deaf boy who was abused by a priest in the Cinemalaya XX full-length entry The Hearing.
PHOTO/S: Jerry Olea / Cinemalaya

Katorse pa lamang si Enzo Osorio nang mag-audition para sa papel na Lucas, ang binatilyong inabuso ng pari sa pelikulang The Hearing ni Direk Lawrence “Law” Fajardo.

Read: Pelikulang The Hearing, tinalakay ang pang-aabuso ng isang pari

“Bago po ako makapasok po dito sa movie na ito, nasa school po muna ako,” lahad ni Enzo sa talkback session matapos ang 5:30 P.M. screening ng The Hearing noong Agosto 4, 2024, Linggo, sa Cinema 10 ng Ayala Malls Manila Bay.

“Bago po ako mag-audition. Then, biglang tumawag po sa akin si Mommy, ‘May audition ka para sa isang movie.’

“Sabi ko, ‘Sige po, ipaalam niyo na lang po ako.’ Ngayon po, yung school, ayaw po nila akong paalisin. ‘No! Dito ka lang, mag-aral ka.’

“But pinilit po nang pinilit ni Mommy hanggang sa sinabi na niya po, ‘Wala na akong paki! Hindi kayo magbabayad pag may nangyari! Hindi kayo magbabayad!’

“Then, pumunta na po ako. Magdi-dismiss na po sana yung audition. Uuwi na po sana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaso biglang dumating po ako. And then, nag-audition po ako. Nagustuhan po ako ni Direk Law.

“And pinartner po niya ako sa kapatid ko po in the movie, si Ruslan [Jacob Asumbrado] po.

“Then, nag-usap ho sila. Then the next day, nalaman ko na po na natanggap po ako.”

Gumaralgal ang boses ni Enzo, “And laking pasalamat ko po pala kina Direk at Ma’am Krisma.”

Si Krisma Maclang Fajardo ang producer ng The Hearing. Asawa siya ni Direk Law.

Read: Docu film Lost Sabungeros, kanselado ang screening sa Cinemalaya

ENZO OSORIO ON THE HEARING SHOOTING

Syinuting ni Direk Law ang The Hearing sa Mauban, Quezon.

Maliban kina Enzo at Ruslan, kasama sa cast sina Mylene Dizon, Ina Feleo, Ruby Ruiz, Angie Castrence, Marvin Yap, Rom Mallari, at Rom Factolerin.

Pagpapatuloy ni Enzo, “And then nung nagti-taping na po, ang lahat ng iniisip ko po is kailangan kong galingan.

“Kailangan kong mas ayusin ang pag-akting ko, kasi ayokong mapahiya yung nag-send sa akin dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayokong mapahiya yung direktor. Ayokong mapahiya yung mga kasama ko.

“Mas gusto ko pang galingan, kasi nandiyan sila, at nandiyan yung suporta ng family ko.”

Mylene Dizon and Enzo Osorio's scene in Cinemalaya entry The Hearing
Mylene Dizon and Enzo Osorio's scene in Cinemalaya entry The Hearing
Photo/s: The Hearing BTS

Ika-15 kaarawan ni Enzo noong Hunyo 26, at nasa syuting siya noon sa Mauban.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tugon ni Enzo nang usisain kung istrikto ba si Direk Law, “Hindi po siya istrikto. Tapos like sobrang fun po niyang kasama.

“Sobrang saya. At ano, pag nagagalit siya, hindi iyon totoong galit. It’s just a joke. Kumbaga bibiruin ka niya, ipa-prank ka niya.

“Nagpa-birthday surprise pa nga sila on June 26… nagsyusyuting po kami nun at bigla po nila akong sinurprise.

“Thankful na thankful po ako sa kanila. Kasi gubat yun, e, wala masyadong mabibilhan na ano.

“So, wala talaga kaming mabilhan pero si Ma’am Krisma, talagang nagpabili siya. Hindi siya pumayag na, ‘Ay! Walang cake! Hindi, hindi ako papayag!’”

ENZO WANTS TO BE A MILLIONAIRE

Taga-Pandacan, Manila si Enzo.

Ano ang sabi ng mga taga-school niya nang malamang bida siya sa The Hearing na isa sa sampung full-length films ng Cinemalaya Bente: Loob Lalim Lakas?

“Sabi nila po, ‘Ay! Buti na lang talaga, pinaalis ka namin, ha? Sorry! Sorry talaga!’ Kasi, ang inano po nila, it’s the rules and guidance,” pagtatapat ni Enzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung hindi, masisira ang school nila at DepEd kunyari, but nagso-sorry sila na may pagka-rude sila.”

Manonood ba sila?

“Yeah, I think they will.”

Sa totoong buhay, mababait naman ang mga tao sa kanya?

Tumango si Enzo, “Yes po, mababait po sa akin lahat ng tao, but in school, may pagka-difficulty.

“Kasi lahat ng kaklase ko, kumbaga dina-down po nila ako. ‘Huwag ka nang mag-artista! Mag-focus ka sa pag-aaral mo! Alam mo ba, pag arti-artista ka pa, e, kailangang unahin mo iyung school mo.’

“So, kahit na sinasabi nila yun, may mga tao pa ring sumusuporta sa akin at nagbibigay-lakas kung bakit mag-continue.

Ano ang pangarap niya sa buhay?

“Gusto ko pong maging milyonaryo of course. Kasi gusto ko pong tumulong sa mga tao na walang kakayanan,” sagot ni Enzo.

“Katulad po ni Lucas sa movie. Wala po siyang kakayahan. Talagang walang tulong. Like wala! Naaabuso!

“So, gusto ko pong tulungan yung mga tao na yun, at ibago ang mundo. Kasi walang kulay iyung mundo sa kanila, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, tulungan po natin lahat ng matutulungan natin, at mag-ibigay ng kulay ang buong mundo.”

the hearing poster

Kasama si Enzo sa seryeng The Bag Man 3 bilang sidekick ni Arjo Atayde, ganun din sa Cattleya Killer na tinampukan din ni Arjo.

Mapapanood ang The Hearing bukas, Agosto 6, Martes ng 2:00 P.M., sa Cinema 3 ng Greenbelt, at Cinema 3 ng UP Town Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang gala ng The Hearing ay sa Agosto 7, Miyerkules ng 8:30 P.M., sa Cinema 2, Cinema 8, at Cinema 9 ng Ayala Malls Manila Bay.

R-13 ang rating ng The Hearing, kagaya ng Balota at Gulay Lang, Manong.

PG (Parental Guidance) iyong pito pang competing full-length films ng Cinemalaya XX — Alipato at Muog, Kono Basho, An Errand, Love Child, The Wedding Dance, Kantil, at Tumandok.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Child actor Enzo Osorio plays a deaf boy who was abused by a priest in the Cinemalaya XX full-length entry The Hearing.
PHOTO/S: Jerry Olea / Cinemalaya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results