PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cedrick Juan makes triumphant return to Cinemalaya

Cedrick Juan asked about medicinal cannabis.
by Jerry Olea
Published Aug 7, 2024
cedrick juan cinemalaya
Cedrick Juan on medicinal cannabis: “So, after ko siyang mapanood, mas lalo kong natutunan, mas lalo kong parang gusto ko siyang ipagsigawan na huwag nating ipagkait sa mga tao yung karapatan at yung espasyo na kung gusto nila ng purpose na ibinibigay ng medicinal cannabis. Kasi nga, ang mamahal kasi ng mga gamot, ng mga procedure sa mga ospital."
PHOTO/S: Jerry Olea

Wala halos pumapansin kay Cedrick Juan sa Cinemalaya XIX last year sa PICC, kung saan isa siya sa mga suporta sa full-length entry na Huling Palabas.

Dedmadela rin ang karamihan sa kanya sa MMFF 2023 Parade of Stars last December, kung saan bida siya sa GomBurZa.

Pero nang tanghalin siyang 49th MMFF Best Actor, pinagkakaguluhan na siya ng fans.

Read: MMFF 2023 Best Actor Cedrick Juan, inuulan ng offers para i-manage ang kanyang showbiz career

Matapos ang gala premiere ng Cinemalaya Bente film niyang Gulay Lang, Manong noong Agosto 5, Lunes ng 8:30 P.M., sa Cinema 2 ng Ayala Malls Manila Bay, pila-pila ang nagpalitrato at nagpa-autograph kay Cedrick.

Iyong kanyang nanay at iba pang mahal sa buhay ay mahigit 30 minutong naghintay bago nakapagpa-picture kasama siya.

cedrick juan family
Cedrick Juan with his family at the screnning of Gulay Lang, Manong!
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CEDRICK JUAN CINEMALAYA EXPERIENCE

Ibang-iba ang Cinemalaya experience niya ngayong 2024 kumpara noong nakaraang taon.

“Parang naging… parang ako, personally medyo kinabahan ako,” pagtatapat ni Cedrick.

“Kasi siyempre nawala na yung the usual na parang traditionally kasi sa CCP tayo, di ba, sa PICC tayo nanonood.

“Pero ngayon na nilipat siya 100 percent entirely sa mall, parang nung una, iniisip ko, ‘May manonood kaya?’

“Kasi siyempre, iba ang gusto nila dun sa traditional way. Pero nakakatuwa kasi, three to four days, most of the films under ng Main Competition, even the shorts…

“Nabalitaan ko, nakita ko, karamihan sa kanila, mga sold out. So, yun ang masayang pakiramdam.

“Ibig sabihin, talagang bumabalik unti-unti at naku-curious sila kung ano yung kayang i-cater ng mga independent film festival natin sa Cinemalaya.”

Positibo ang mga feedback sa Gulay Lang, Manong (No More Than Veggies) na tumalakay sa medicinal cannabis at sa plight ng mga magsasaka.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mahusay ang pagkakadirek ni BC Amparado.

Kapuri-puri ang akting ni Cedrick at co-actors niya na sina Perry Dizon, Ranzel Magpantay, BJ Tolits Forbes, Dong Abay, Lui Manansala, Brian Sy, at Ricky Davao na may special participation.

gulay lang manong

GULAY LANG, MANONG?

Ano ang pakiramdam niya matapos mapanood ang Gulay Lang, Manong!?

Napangiti nang bahagya si Cedrick, “After ko siyang mapanood, talagang naintindihan ko na… nung una nga, iniisip ko, sabi ko, ‘Bakit kaya naging parang ganito yung editing niya?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero habang tumatagal, nung second half na siya, ‘Ahh gets!’

“Kasi nga, ganito yung epekto ng corrupted mind sa mga tao na… pag hastily tayo nagkakaroon ng mga decision-making na hindi natin iniisip kung sino yung larger picture pa na magiging victim.

“So, after ko siyang mapanood, mas lalo kong natutunan, mas lalo kong parang gusto ko siyang ipagsigawan na huwag nating ipagkait sa mga tao yung karapatan at yung espasyo na kung gusto nila ng purpose na ibinibigay ng medicinal cannabis.

“Kasi nga, ang mamahal kasi ng mga gamot, ng mga procedure sa mga ospital.

“So, may mga studies kasi na talagang nakakatulong siya, medicinal. And good thing na rin, after watching this, na parang last week or two weeks ago, na parang nagkaroon na naman ng another step forward iyung legaliztion ng medicinal purpose ng cannabis.

“At the same time, ang isa pang hina-highlight ng pelikula na very important dito, na gusto ko ang pagiging subtle niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na parang hindi masyadong ginagawang big deal nung pelikula pero alam mong apektado iyung mga ano, e, yung mga vegetable graveyard.

“Na kung paano binabarat pa kahit sobrang baba na ng presyong ibinibigay ng mga magsasaka natin.

“E, alam natin na pag dumating siya dito sa atin sa Metro Manila, mas marami pang pinagdaanan na mga middleman.

“So, nakikita natin iyung mga struggle ng mga farmers. Na sana mas lalo nating tulungan sila sa pamamagitan ng paggamit ng mga boses natin.”

CADRICK JUAN ON MARIJUANA USE

Nasubukan na ba niyang mag-marijuana? Kung hindi pa, willing ba siyang subukan iyon?

Natigilan sandali si Cedrick bago sumagot, “Well ang sa akin, siguro kung medicinal purposes, parang wala pa naman akong condition kasi.”

Subok lang kung mae-enjoy niya, if ever?

“Ang sa akin naman kasi, lahat naman ng mga bagay, kung sobra-sobra nating gagamitin, masama,” tugon ni Cedrick.

“Yun naman ang mahalaga sa akin. Kasi, unang-una sa lahat, ahhmm bigay siya sa atin ng mundo. Bigay siya sa atin ng Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, parang sino rin ako para magkaroon ng judgment kung ano iyung tama at mali lalo na kung natural naman siya.

“Basta anything na sobra, yun naman ang masama.”

May libreng tupig na give-away sa gala premiere ng Gulay Lang, Manong. May papel kasi ang pupig sa kuwento.

Sumuporta kay Cedrick sa gala premiere ng Gulay Lang, Manong ang kapwa aktor na galing sa teatro, si JC Santos na best supporting actor ng MMFF 2023 para sa Mallari.

Palabas ang Gulay Lang, Manong bukas, Agosto 8, Huwebes ng 8:30 P.M. sa Greenbelt at UP town Center.

Sa Agosto 10, Sabado ng 2:00 P.M. ay palabas ito sa Cinema 10 ng Ayala Malls Manila Bay. May talkback session pagkatapos ng screening.

Sa Sabado ng 5:00 P.M. ay showing ito sa Trinoma at Market! Market!.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cedrick Juan on medicinal cannabis: “So, after ko siyang mapanood, mas lalo kong natutunan, mas lalo kong parang gusto ko siyang ipagsigawan na huwag nating ipagkait sa mga tao yung karapatan at yung espasyo na kung gusto nila ng purpose na ibinibigay ng medicinal cannabis. Kasi nga, ang mamahal kasi ng mga gamot, ng mga procedure sa mga ospital."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results