Binabatikos ngayon online ang isang nursing student na nag-aaral sa University of Perpetual Help- Calamba.
Ito ay matapos niyang mag-vlog about “day in my life as a nursing student" sa TikTok.
Nag-viral ang video nagpakita ng pagpa-flatline o pagkawala ng heartbeat ng isang pasyente, pati na rin mga restricted areas ng ospital.
Lubos na ikinagalit ng netizens ang anila ay pagiging insensitive at pagsawalang-bahala ng nursing student sa code of ethics ng kanyang propesyon.
Nakasaad sa Article 2, Section 4, Ethical Principle Number 3 ng Code of Ethics for Filipino Nurses: “Personal information acquired in the process of giving nursing care shall be held in strict confidence.”
At bagamat hindi ipinakita ang mukha at hindi pinangalanan ang pasyente, iginigiit ng netizens na kawalang respeto ito sa privacy at rights niya, maging sa pamilya nito.

Photo: Professional Regulation Commission
Read: Netizens react to emotional baggage counter in Parañaque school
AESTHETICS OVER ETHICS?
Isang influencer ang nursing student.
Deleted na ngayon ang kanyang vlog, na ipinakita rin ang kanyang daily routine—mula paggising hanggang sa paghahanda at pagpasok sa ospital kung saan siya magdu-duty.
Nabanggit ng nursing student na ang vlog na iyon—na kinuhanan noong May 24, 2024—ang kanyang last day sa clinical duties.
Sa umpisa, aakalain na isang typical aesthetic and get-ready-with-me video ang nasabing vlog.
Subalit sa kalagitnaan nito mapapanood ang paghahanda niya ng medications at para sa iba pang procedures, pati na rin ang cardiac monitor ng pasyente niyang nagpa-flatline!
Mabilis na pinutakti ng mga negatibong komento ang vlog.
Sa X (formerly Twitter), narito ang isa sa mga comments (published as is):
“who on earth IN THEIR MIND would vlog a clip during a flatline moment of their patient?????? that is SOOOO agitating.
“i’m not even an SN but i do know the the dos and donts that they may have. [Name of student nurse] is just a pure dumb girlie who literally graduated without knowing her responsibilities.
“nainis pa ako sa reply niya sa comment abt flatline where she laughed about it? anong nakakatawa, ate?
“kung pamilya ko yung nasa momentum na ‘yon, dinemanda na kita. hindi ka pa man registered, hindi ka na mabiyayaan ng lisensya.”
Read: What is inside the box given to medalists at 2024 Paris Olympics?

Ang sabi naman ng isa pang netizen, “as an icu nurse who handles critically-ill patients everyday, it’s very disturbing for me to watch [name of student nurse] ‘flatline’ content because who tf makes a vlog with someone dying on it ????”
May nagkomento rin ng: “Totoo! when I was in nursing school we can’t even bring our phone sa hospital. Our CI randomly inspects our pockets and if nahuli ka, confiscated phone mo for a week, mag susubmit ka pa ng Incident report mo with duty extensions so Idk pano sya nakaka vlog????”

Pinapayagan ba ang ganitong klase ng vlogs dahil ang nursing student ay isa ring influencer.
Komento ng isa, “It’s literally so disturbing And knowing that all this time walang nagcacallout sakanya is so ???? like even the CI allowed her to vlog (sabi niya sa comments). So many violations but they just let it pass bcuz shes an “influencer” lol”
Susog naman ng netizen na ito: “exactly ! naisip ko tuloy na binibigyan siya ng opportunity kasi nga ‘may platform sa tiktok’ while i’ve read sa isang comments na may school mate siyang napansin talaga na iba ginagawa niya sa supposed to be rules nila sa school na ‘strict’ naman daw”

Sa kabilang banda, may mga nagsabi rin na maaaring walang naka-hook na pasyente sa cardiac monitor at kinuhanan lamang ito ng video ng nursing student upang masabing mayroong nag-flatline.
Komento ng isang netizen: “Hi! I think wala talagang nakahook na patient sa cardiac monitor, and just took a video during that time para masabi niyang ‘a patient flatlined.’ If may pt na nakahook, it will say asystole or zero sa monitor. Also, other parameters/ waves are not present. So hindi yan naka hook”
Pagsang-ayon naman ng isa pa, “Yeah, it looks like there wasn't actually a patient hooked up to the monitor. If there was, it would show asystole or zero, and you'd see other parameters or waveforms."
Pero hindi niya nagustuhang nagva-vlog ang nursing student habang naka-duty.
“So, it seems like she just took a video to say ‘a patient flatlined.’ It’s not cool to use duty time for vlogging, especially when it involves sensitive situations like that. she literally in nursing as an aesthetic and not focusing on patient care or empathy. Wala siya common sense.”


Ang punto ng netizens, tunay mang may nag-flatline o wala, hindi pa rin maganda ang pagpapakita ng mga sensitibong sitwasyon.
Isa pa, hindi raw pang-aesthetic ang nursing profession.
Bagama’t hindi ipinagbabawal ang paggawa ng content, sana’y huwag ipagsawalang-bahala ang privacy ng sinumang pasyente para lamang sa fame o clout.
Read: VIRAL: French pole vaulter's crotch knocks off crossbar
APOLOGY ISSUED OVER CONTROVERSIAL VIDEO
Ilang araw matapos mag-viral ang vlog, naglabas ng isang official statement sa Facebook ang University of Perpetual Help- Calamba.
Nag-apologize ito.
Nabanggit na bilang tugon sa pangyayari, inalis na raw ngayon ang mga posts, kabilang ang viral video.
Dagdag pa riyan, magsasagawa ng corrective measures ang unibersidad para sa naturang estudyante at patatatagin rin daw nito ang social-media and data privacy policies.

Naglabas din ng apology via Instagram ang nursing student.
Sa post, nakiusap siya na huwag idamay ang kanyang university, clinical instructors, at mga kaibigan na walang kinalaman sa kanyang mga naging aksyon.
Ang pagkuha ng videos ay sarili raw niyang desisyon.
Inamin din niya na naging insenstive ang asal niya, subalit hindi raw niya intensiyon na magdulot ng discomfort sa lahat ng naapektuhan ng kanyang video.
Aniya, “It was an error in judgment and a lesson I will never forget.”
Dagdag pa ng nursing student, goal niyang maging inspirasyon sa mga tulad niyang estudyante sa pamamagitan ng kanyang vlogs.
Inako niya ang pagkakamali na hindi niya nabigyan ng boundaries ang kanyang pagiging nursing student at content creator.
Sa huli, nagpasalamat siya sa mga taong sumusuporta pa rin sa kanya, at humingi rin siya ng tawad sa mga nasaktan sa kanyang nagawa.