PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Talent accuses TV5 program manager of sexual harassment

TV5 issues statement on incident involving employee, independent contractor.
by Jojo Gabinete
Published Aug 9, 2024
tv5 talent raffy tulfo
A TV5 employee narrates to Senator Raffy Tulfo, via the program Wanted Sa Radyo, the alleged sexual harassment that he experienced involving a News and Current Affairs personality.
PHOTO/S: Screen grab from Raffy Tulfo In Action YouTube

Trigger Warning: Sexual abuse

Dumulog ang isang 22-year-old talent/news researcher ng TV5 sa programa ni Senator Raffy Tulfo na Wanted Sa Radyo nitong Biyernes ng hapon, Agosto 9, 2024.

Inirereklamo ng talent ang seksuwal na pang-aabusong naranasan niya umano sa program manager ng News and Current Affairs department ng TV5 na si Cliff Gingco.

Read: Male talent, idinetalye ang pang-aabusong naranasan mula sa may posisyong TV employee

Bilang proteksiyon sa katauhan at reputasyon ng complainant, tanging ang boses niya ang narinig habang tinatanong ni Tulfo tungkol sa karahasang kanyang naranasan.

Pero isiniwalat nitong nagsimula siyang magtrabaho bilang researcher ng programang Budol Alert nito lamang Hulyo 15, 2024.

Ayon sa talent, naganap ang pang-aabuso umano sa kanya sa isang hotel sa Pasig City noong Hulyo 23, 2024.

Isinalaysay ng talent na niyaya siya umano ni Gingco na mag-inuman sila sa isang bar sa Poblacion, Makati City.

Nalasing daw siya nang husto kaya hindi niya nagawang manlaban nang isakatuparan ni Gingco ang panghahalay sa kanya sa loob ng hotel room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ng talent: “Dahil puro suka na po [ang damit ko], sabi niya po, ‘hubarin mo na.’

“So, ako naman, hinubad ko na rin po, kasi wala naman pong malisya dahil parehas naman po kaming lalaki.

“Hinubad ko na rin po yung pants ko tapos dumiretso na po ako sa kama. Kasi nga po, lasing na lasing na po ako."

THE ALLEGED INCIDENT

Kasunod nito ay idinetalye ng talent ang pang-aabusong ginawa umano sa kanya ni Gingco.

“Nung nakahiga na po ako, nung natutulog na ako, dun ko naramdaman na hinahawak-hawakan niya po yung ano ko.

“Hindi po ako makalaban dahil lasing na lasing po ako talaga noon.

“Hinawak-hawakan niya po yung ari ko tapos ini-stroke niya po.

"Pinipilit rin niya po na ipahawak yung ari niya. Isinubo rin niya po yung sa akin.”

Tuluyan nang napaiyak ang talent habang sinasariwa ang kanyang mapait na karanasan.

“Hindi ko na rin po malabanan kasi nga ho sobrang hina ko noon. Ang kaya ko na lang pong gawin, hindi ko po hawakan yung ari po niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagising na lang din po ako na katabi ko siya.

"Pero naghahalong takot at galit po ang nararamdaman ko sa kanya, pero hindi po ako nagpahalata na galit.

“After po nun, pinag-Grab pa niya ako pauwi para hindi ako pag-isipan nang masama, dumiretso na po ako sa Action Center para magsabi po.

“Tapos po, nagpunta pa ako sa mga pulis,” lahad ng talent.

Read: Talent ng isang TV network, biktima ng pangmomolestiya

ENCOUNTER WITH THE POLICE

Nagkaroon din umano ng hindi magandang karansan ang talent nang pumunta siya sa isang police station sa Pasig City para i-report ang nangyari sa kanya.

“Iba po kasi yung police jurisdiction, hindi ko po alam, so nagpalipat-lipat pa po ako ng station from malapit sa Greenhills [San Juan City], nagpunta naman po ako sa [police station] may ilalim ng tulay.

“Inihatid po nila ako sa may Ortigas sub-station.

"Tapos nung pinasabi sa akin ng pulis kung ano yung gusto kong gawin, tinatanong nila ako kung blotter o kaso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So ako naman po, 'Puwede po bang dalawa?'

“Ang sabi po sa akin, isa lang. Pinili ko yung kaso.

"Tapos, meron pong pulis dun na ginawa pong katawa-tawa yung nangyari po sa akin, pero hindi ko na po maalaala yung pangalan niya.

“Ni-refer pa po ako ng Ortigas Police sub-station sa Pasig City Police Headquarters. Dun na po ako binigyan ng imbestigador,” nanginginig ang boses na testimonya ng talent.

Sinabi ng talent na malakas ang ulan noong araw na yon kaya hindi na sila nakapunta ng imbestigador sa hotel kung saan nangyari ang insidente para mag-imbestiga.

Natuloy ang pagpunta ng biktima at ng imbestigador sa nabanggit na hotel noong nakaraang linggo pero, diumano, hindi sila hinarap ng hotel manager.

Kahit nag-iwan ang imbestigador ng contact number nito, hindi pa rin daw nakikipag-ugnayan ang namamahala ng hotel.

TALENT INFORMED TV5 MANAGEMENT

Ayon pa sa talent/researcher, bukod sa pagdulog sa pulisya ay nagsumbong din siya sa TV5 management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Opo. Kung tutuusin po, ang dami ko na pong nilapitan.

"Nagsumbong na rin po ako sa HR tapos alam na rin po ni Ma’am LCV," pagtukoy niya sa vice-president ng TV5 News and Current Affairs na si Luch Cruz-Valdes.

Pero pakiramdam daw ng talent ay walang ginagawang aksiyon ang management sa kanyang reklamo.

Himutok niya, "Pero parang hindi naman po ako para kampihan dahil, unang-una, bago pa lang ako diyan.

“One week lang naman po ako, si Cliff matagal na niyang kasama. Ilang taon na o dekada na silang magkasama.

“Nagtataka na lang din po ako bakit parang walang ginagawa yung HR. Hindi man lang siya binigyan ng preventive suspension or kung anuman habang nag-iimbestiga.”

Umaasa ang talent na magkakaroon ng hustisya ang seksuwal na pang-aabuso na ginawa sa kanya.

TV5 NETWORK STATEMENT

Kaugnay ng reklamo ng talent, naglabas ng official statement ang TV5 management.

Nakarating na raw sa kanilang kaalaman ang insidenteng ito sa pagitan ng "TV5 employee" at "independent contractor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalukuyan na rin daw nilang iniimbestigahan ang katotohanan sa insidente para matukoy kung anong aksyon ang kailangan nilang gawin.

Tiniyak din ng TV5 na proprotektahan nila ang karapatan at kapakanan ng magkabilang partido.

Nakiusap din silang ireserba ang anumang panghuhusga hanggang isinasagawa ang imbestigasyon.

Narito ang kabuuang statement ng TV5:

"TV5 management is aware of the matter regarding an alleged incident between a TV5 employee and an independent contractor.

"We have released the necessary Notice To Explain and are conducting an investigation to determine the facts so we may take the appropriate action.

"We have reached out to the persons concerned and are gathering information. Rest assured that the rights and welfare of all parties shall be protected.

"TV5 remains committed to fostering a safe working environment. We ask everyone to kindly reserve judgment pending our investigation."

View this post on Instagram

A post shared by TV5 (@tv5manila)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A TV5 employee narrates to Senator Raffy Tulfo, via the program Wanted Sa Radyo, the alleged sexual harassment that he experienced involving a News and Current Affairs personality.
PHOTO/S: Screen grab from Raffy Tulfo In Action YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results