PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Raffy Tulfo calls out TV5 for sexual harassment complaint

Senator Raffy Tulfo threatens to resign from TV5 program if no action is made.
by Jojo Gabinete
Published Aug 9, 2024
raffy tulfo wanted sa radyo
Senator Raffy Tulfo: “Gusto ko lang klaruhin na kung anuman yung ginawa ni Cliff Gingco, that is not a reflection of the News and Public Affairs of TV5. That I can assure you. Mababait po ang TV5 because I was once a member of the News and Public Affairs of TV5. Sana po, itong ginawa ni Cliff Gingco, huwag maging reflection sa TV5 because kung madadamay ang TV5, unfair naman po.”
PHOTO/S: Screen grab from Raffy Tulfo In Action YouTube

Nagbitaw ng salita si Senator Raffy Tulfo na iiwanan niya ang kanyang programa sa TV5 kapag hindi kumilos at gumawa ng aksyon ang management tungkol sa reklamo ng 22-year-old talent/news researcher laban sa News and Public Affairs program manager na si Cliff Gingco.

Galit na naglabas ng saloobin si Tulfo sa kanyang programang Wanted sa Radyo nitong Biyernes ng hapon, Agosto 9, 2024, matapos marinig ang salaysay ng talent tungkol sa sexual abuse na naranasan umano nito sa mga kamay ng TV5 program manager.

Read: Talent accuses TV5 News and Current Affairs program manager of sexual harassment

Nanlumo si Tulfo nang malaman nitong pinagbawalan ng management si Gingco na magsalita dahil nais sanang kunin ng broadcaster-politician ang panig ni Gingco tungkol sa mabigat na paratang ng talent.

“Nandito ba si Cliff Gingco? Did we talk to Cliff?” tanong ni Tulfo sa kanya.

“In-advise-an siya ni LCV na huwag magsalita on air?" pagtukoy ng host sa vice-president ng News and Current Affairs department ng TV5 na si Luchi Cruz-Valdes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Can we get a member of the management galing kay Ma’am Luchi Cruz Valdes? Under kay Ma’am LCV itong si Cliff.

“How about sa HR [Human Resources]? Sino ba ang HR ngayon ng TV5?"

Saad pa ni Tulfo, "Dapat maging fair tayo.

"Hindi porke’t kasamahan natin, pagtatakpan natin. Dapat we have to be fair.

“Serious itong sumbong, e, and we have to treat this seriously.

“Ang gusto ko lang sanang malaman, ano na ang nangyayaring imbestigasyong ginagawa ng TV5.”

Ang programang Wanted Sa Radyo ay kilala bilang sumbungan ng mga pangkaraniwang tao laban sa pang-aabuso at eksploytasyon.

Read: Male talent, idinetalye ang pang-aabusong naranasan mula sa may posisyong TV employee

RAFFY TULFO THREATENS TO RESIGN FROM HIS PROGRAM

Tuluyan nang nadismaya si Tulfo dahil tila pinagtatakpan ng management si Gingco.

Deklara ni Tulfo: “Ako po ay nananawagan sa TV5. I am sorry, ako po ay member ninyo dito sa TV5 because I have my own show sa TV5. Pero hindi ko po kukunsintihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit na tanggalin ninyo ako sa show ko sa Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo, kahit sibakin ninyo ang show na yan, I don’t care.

“Ang gusto ko lang, magkaroon ng hustisya itong complainant natin because masakit sa kalooban ko na naglalakad-lakad ako diyan sa labas, taas-noo na taga-TV5 ako, yun pala, meron tayong kasama sa TV5 na gumawa ng kabalustugan, and yet, hindi natin kayang disiplinahin.

"E, magre-resign na lang ako sa Kapatid Mo. Totoo ‘yan."

Nang makarating sa broadcaster-politician na patuloy pa ring pumapasok sa trabaho si Gingco, sa kabila ng reklamo laban dito, ay lalong nagpanting ang tenga niya.

"Nagdu-duty pa rin si Cliff at nasa baba. Ang kapal naman ng mukha nito! Nagdu-duty pa rin.

"E, nakakasama nga yan ng loob para kay talent.”

Muling nagbakasakali si Tulfo na makausap si Gingco kaya sinabi niya sa kanyang staff na papuntahin sa studio ang inirereklamo ng talent.

“Puwede ba nating tawagan?” tanong ni Tulfo dahil nasa iisang gusali lamang ang studio ng kanyang programa at ang opisina ni Gingco.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Paakyatin natin si Cliff. Sabihin mo kay Cliff, I will be very fair. Pakisabi kay Cliff Gingco.

“Kung hindi ako nagkakamali, baka kilala ko pa nga ito. Parang naririnig ko ang pangalan niya.

“Ang importante, dapat mapakinggan ang lahat ng sumbong at mapakinggan ang side niya."

Read: Talent ng isang TV network, biktima ng pangmomolestiya

tv5 talent raffy tulfo
Photo/s: Screen grab from Raffy Tulfo In Action YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RAFFY TULFO CALLS OUT TV5 HR DEPARTMENT

Isiniwalat din ni Tulfo na pinayuhan si Gingco ng mga nakatataas dito na huwag munang magbigay ng salaysay.

Kasunod nito ang pagbabahagi ni Tulfo ng naging karanasan niya kapag may reklamo laban sa kanilang magkapapatid na may programa noon sa TV5.

"So, inimbitahan pala natin si Cliff Gingco at ang advice sa kanya ng kanyang mga boss, huwag muna raw magbigay ng salaysay at maging yung HR.

I am sorry, mga Kapatid, HR, it’s not good.

"Sana ang ginawa, advice ko lang po ito, gumawa ng imbestigasyon, binigyan ng show-cause order itong si Cliff. Bigyan ninyo ng 72 hours," sabi ni Tulfo.

Ang show-cause order ay isang dokumentong iniisyu ng employer sa employee upang ipaliwanag ang misconduct o isyung kinasasangkutan nito, na maaaring maging dahilan ng pagpataw ng disciplinary action, kabilang na ang termination.

Lahad ni Tulfo: “Ito, magsasalita na ako.

"Now it can be told, nung panahon na ako po ay under sa News, kapag meron kaming mga ginawa na labag, may reklamo laban sa amin, panahon pa ng T3, we’re given show-cause order.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Totoo yan, mula kay Ben, Erwin, and I.

“Kapag meron kaming ginawa na hindi tama sa tingin nila, whether may sumbong galing sa labas, iniisyuhan kami ng show-cause order ng management."

Kaya nagtataka raw siya kung bakit hindi ito ginawa sa reklamong kinasasangkutan ni Gingco.

“And now, this Cliff Gingco, hindi ninyo maisyuhan ng show-cause order? How important is this guy? What makes him so f*ck*ng special?” sabi ni Tulfo.

Hindi na napigilan ni Tulfo ang sarili sa pagmumura pero maagap siyang humingi ng paumanhin.

“Sorry, pardon me, nakapagsalita ako ng f*ck.

"Suspendihin ninyo ako! Because of this, you want to suspend me? Suspend me!

"Do me a favor kesa naman hindi kayo aaksyon. Araw-araw tayong mag-aaway dito," hamon pa niya sa TV5 management.

Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident

RAFFY TULFO TO TV5: SUSPEND CLIFF GINGCO

Nadagdagan ang inis na nararamdaman ni Tulfo nang tanungin niya ang talent kung bakit ngayon lamang ito nagsumbong sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Usisa ni Tulfo sa nagrereklamo, “Sir talent, bakit ngayon lang kayo nagsumbong? Bakit hindi kayo nagsumbong sa amin?”

Sagot ng talent, “Nagsumbong na po ako mismong day na nangyari sa akin.”

“Bakit ngayon lang ipinarating sa akin?” nagtatakang reaksiyon ni Tulfo.

Naliwanagan si Tulfo nang ipaliwanag sa kanyang lumapit na noon ang biktima kay Odette, ang staff member ng programa niya.

Tinulungan ni Odette ang biktima na makipag-usap sa HR ng TV5 at maghain ng reklamo sa barangay.

Pero sa sariling salita ni Tulfo, "tinabla" sila ng Kapatid Network.

“Ayun, in fairness naman kay Odette, nagpasintabi tayo sa HR, sa lahat ng TV5, pero tinatabla tayo!” dismayadong sabi ni Tulfo.

Kasunod nito ay hinamon ni Tulfo ang TV5 management na suspendihin si Gingco.

“TV5, this is my request to you. Ayusin ninyo po ito. Investigate.

"Mas maganda, habang may investigation, itong si Cliff Gingco, suspendihin ninyo muna just like what you did to us nung panahon ng T3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Then do it to Cliff Gingco! Bakit hindi ninyo magawa kay Cliff Gingco?

"What makes him so special? Itataya ninyo yung pangalan ng istasyon dahil lamang sa isang tao?

“Baka sabihin ninyo, wala akong utang na loob. No. I am doing what is right.

"Siguro kahit na yung pinakamay-ari ng TV5 would agree with me. Kahit na yung investors."

Kumambiyo si Tulfo at sinabing ang anumang ginawa ni Gingco ay hindi repleksiyon ng buong News5.

Pahayag niya, “Gusto ko lang klaruhin na kung anuman yung ginawa ni Cliff Gingco, that is not a reflection of the News and Public Affairs of TV5. That I can assure you.

"Mababait po ang TV5 because I was once a member of the News and Public Affairs of TV5.

“Sana po, itong ginawa ni Cliff Gingco, huwag maging reflection sa TV5 because kung madadamay ang TV5, unfair naman po.”

Sa huli, hinamon ni Tulfo ang mga opisyal ng TV5 na huwag nang pagtakpan si Gingco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mariing sabi niya, “Dito lang po ako nagagalit kay Cliff Gingco at sa ilang mga opisyal na pinagtatakpan siya, kinakanlong siya.

“What’s so special about him? Dapat imbestigahan.

"So I challenge Ma’am Luchi Cruz-Valdes, the vice-president of News and Public Affairs.

“Ma’am Luchi, magkakilala po tayo. Imbestigahan ninyo po yan, Ma’am.

"Maglabas po kayo ng statement kung ano ang ginagawa ninyong investigation. Huwag ninyo pong pagtakpan, Miss Luchi Cruz-Valdes.

"And kayo po diyan sa HR, huwag ninyo pong pagtakpan.

“Ngayon, dahil nagsalita po ako, gusto ninyo po akong sibakin, sibakin ninyo ako.

"I am more than happy and willing to submit my resignation if that’s what you want.

"Gusto ko lang po ilabas ang sama ko ng loob na may naaaping tao tapos nagbibingi-bingihan tayo.”

TV STATEMENT

Ilang sandali matapos umere ang programa ni Senator Raffy Tulfo ay naglabas ng official statement ang TV5 management.

Nakarating na raw sa kanilang kaalaman ang insidente umano sa pagitan ng "TV5 employee" at "independent contractor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalukuyan na rin daw nilang iniimbestigahan ang katotohanan sa insidente para matukoy kung anong aksyon ang kailangan nilang gawin.

Tiniyak din ng TV5 na proprotektahan nila ang karapatan at kapakanan ng magkabilang partido.

Nakiusap din sila sa publiko na ireserba ang anumang panghuhusga hanggang isinasagawa ang imbestigasyon.

Narito ang kabuuang statement ng TV5:

"TV5 management is aware of the matter regarding an alleged incident between a TV5 employee and an independent contractor.

"We have released the necessary Notice To Explain and are conducting an investigation to determine the facts so we may take the appropriate action.

"We have reached out to the persons concerned and are gathering information. Rest assured that the rights and welfare of all parties shall be protected.

"TV5 remains committed to fostering a safe working environment. We ask everyone to kindly reserve judgment pending our investigation."

THE ALLEGED INCIDENT

Ayon sa salaysay ng talent na nagrereklamo, nagsimula siyang magtrabaho bilang researcher ng programang Budol Alert noon lamang Hulyo 15, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naganap daw ang pang-aabuso sa kanya sa isang hotel sa Pasig City noong Hulyo 23, 2024.

Niyaya siya umano ni Gingco na mag-inuman sila sa isang bar sa Poblacion, Makati City.

Nalasing daw siya nang husto kaya hindi niya nagawang manlaban nang isakatuparan ni Gingco ang panghahalay sa kanya sa loob ng hotel room.

Lahad ng talent, “Dahil puro suka na po [ang damit ko], sabi niya po, ‘hubarin mo na.’

“So, ako naman, hinubad ko na rin po, kasi wala naman pong malisya dahil parehas naman po kaming lalaki.

“Hinubad ko na rin po yung pants ko tapos dumiretso na po ako sa kama. Kasi nga po, lasing na lasing na po ako."

Kasunod nito ay idinetalye ng talent ang pang-aabusong ginawa umano sa kanya ni Gingco.

“Nung nakahiga na po ako, nung natutulog na ako, dun ko naramdaman na hinahawak-hawakan niya po yung ano ko.

“Hindi po ako makalaban dahil lasing na lasing po ako talaga noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hinawak-hawakan niya po yung ari ko tapos ini-stroke niya po.

"Pinipilit rin niya po na ipahawak yung ari niya. Isinubo rin niya po yung sa akin.”

Tuluyan nang napaiyak ang talent habang sinasariwa ang kanyang mapait na karanasan.

“Hindi ko na rin po malabanan kasi nga ho sobrang hina ko noon. Ang kaya ko na lang pong gawin, hindi ko po hawakan yung ari po niya.

“Nagising na lang din po ako na katabi ko siya.

"Pero naghahalong takot at galit po ang nararamdaman ko sa kanya, pero hindi po ako nagpahalata na galit.

“After po nun, pinag-Grab pa niya ako pauwi para hindi ako pag-isipan nang masama, dumiretso na po ako sa Action Center para magsabi po.

“Tapos po, nagpunta pa ako sa mga pulis,” lahad ng talent.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Raffy Tulfo: “Gusto ko lang klaruhin na kung anuman yung ginawa ni Cliff Gingco, that is not a reflection of the News and Public Affairs of TV5. That I can assure you. Mababait po ang TV5 because I was once a member of the News and Public Affairs of TV5. Sana po, itong ginawa ni Cliff Gingco, huwag maging reflection sa TV5 because kung madadamay ang TV5, unfair naman po.”
PHOTO/S: Screen grab from Raffy Tulfo In Action YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results