Sinariwa ni Ara Mina ang mga masasayang alaala kasama ang namayapang Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde.
Read: Who is Mother Lily Monteverde?
Ayon sa aktres, ang pelikulang Mano Po 1 ang naging susi upang masungkit niya ang kauna-unahang Best Actress Award sa 2002 Metro Manila Film Festival.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa unang gabi ng lamay, August 5, 2024, para sa namayapang movie producer. Ginanap ito sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City.
"Half of my career dito talaga, dito ako lumaki sa Regal.
"And siya ang nagbigay ng break para magkaroon ako ng Best Actress Award for Mano Po.
"Siyempre masaya ako na nakasama ko siya nun, nag-China kami," balik-tanaw ni Ara.
Naalala pa ni Ara kung paanong biglang pinalitan ang role niya sa pelikula.
Patuloy ni Ara: "And ang nakakatawa pa nga nun two days before the shoot sinabi niya, 'Ara, palit role, ha? Palit role.'
"Alam mo yung medyo binasa ko na yung script ko, nag-motivate na ako dun sa role biglang sabi niya, 'Ikaw na si Richelle Go. Di na ikaw yung role ni Kris.'
"Dapat sa akin yung kay Kris. Alam noyo ba yung story na yun, Mano Po 1, it's kinda relatable for Mother Lily.
"Sinabi niya sa akin kasi she's a brat, so siya yung character ni Richelle. Sinabi niya sa akin na, 'Ako yan.'
"So hinaluan na lang ng kaunting input sa story pero siya raw yan."
Malaki raw ang pasasalamat ni Ara kay Mother Lily sa mga oportunidad na ibinigay nito sa kanya.
"I can say na di ako magiging fulfilled [na] artista dahil sa ginawa niyang pagtiwala sa akin sa pagbigay niya ng projects.
"Ang dami kong pelikula na naging bida ako. Kumbaga, yung trust na binigay niya sa akin, di masusuklian, kasi nga dream ko yun. e.
"Sabi nga niya dream niya maging artista, kasi di siya naging artista, naging producer na lang siya.
"Yung dream niya na maging artista pinu-fulfill niya sa ibang tao na gustong maging artista."
Read: Tirso Cruz III reveals how Mother Lily helped him buy a house
ara mina on ADVICE FROM MOTHER LILY MONTEVERDE
Kung may mga payo man si Mother Lily na di makakalimutan ni Ara, ito ay ang pagpapahalaga sa perang kinikita at pagmamahal sa kanyang career.
"Maging masinop, mag-ipon, basta alagaan ang sarili. Mahalin yung career.
"Kumbaga, kahit nagpa-sexy ako, pakita ko raw ang galing ko. I think na-hone ako dito talaga sa Regal kasi from fifteen years old, sixteen years old.
"Nag-Emong Salvacion [1996] ako; nag-Super Rangers [1997] ako; Roller Boys [1995]; Shake, Rattle & Roll 2K5 [2005], mga wholesome, hanggang pa-mature nang pa-mature yung roles.
"Alam mo yung binabagay naman sa edad ko, naging leading lady na rin ako. Makikita mo talaga yung passion ni Mother sa showbiz."
MOTHER LILY LEGACY
Aminado ang aktres na napakalaking kawalan ni Mother Lily sa industriya.
Pero tiwala siyang ipagpapatuloy ng mga anak nito ang legacy na iniwan ng ina.
Si Roselle Monteverde, pangatlo sa limang anak ni Mother Lily, ang CEO ng Regal Entertainment.
"Good thing na lang nandiyan si Ate Roselle, na magpapatuloy sa Regal Films, which is katuwang na rin niya nung nagkasakit nga siya.
"Kaya maganda yung may anak tayo na magtutuloy ng legacy, di ba?
"Di rin biro yung sinimulan ni Mother," pagtatapos ni Ara.
