Para kay Direk Joel Lamangan, napakalaking kawalan sa industriya ang pagpanaw ni Mother Lily Monteverde.
Read: Who is Mother Lily Monteverde?
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inisa-isa ng director ang naging papel ng Regal matriarch sa buhay niya.
"Para ko siyang ina. Nung pumasok ako sa Regal siya ang aking ina-inahan.
"Siya ang tagapagtaguyod, tagapagtanggol...
"Sa kanya ko binibigay ang aking mga concept. Pinapaliwanag ko sa kanya, nagkakaintindihan kami.
"Di naman mabubuo ang industriyang ito kung wala si Mother Lily."
Nakapanayam ng PEP si Direk Joel sa unang gabi ng lamay sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City.
Kuwento niya, kabisado ni Mother Lily ang panlasa ng masang Pilipino pagdating sa pelikula.
"Lalo na yung pag nanonood siya ng rushes ng pelikula ko, alam niya kung ano ang maganda, alam niya kung ano ang di maganda.
"Alam niya kung ano ang magki-click sa tao, alam niya ang pulso ng tao.
"Malapit siya sa gusto ng taong nanonood dahil kaisa siya sa kanila, e. Big fan kasi siya."
Tinuruan din daw siya ni Mother Lily kung anong klaseng mga pelikula ang dapat niyang gawin.
"Kailangan gumawa ka ng pelikula na nagsasabi ng katotohanan tungkol sa karanasan ng mga ordinaryong nanonood.
"Dapat ang mga nanonood nakaka-identify sila at alam kung anuman ang problemang binibigay na magpapakilala sa mga tao," turo raw ni Mother Lily kay Direk Joel.
"Saka dapat maniwala ka sa audience, wag i-defy ang audience. Wag maliitin ang mga Pilipinong manonood dahil sila ang ating audience, sila ang nagpapalago ng industriyang ito.
"Respetuhin ang mga manonood."
Read: Tirso Cruz III reveals how Mother Lily helped him buy a house
ON BATANG QUIAPO
Sa kabilang banda, kinumusta ng PEP ang pagganap ni Direk Joel bilang Rhoda sa Kapamilya prime-time series na FPJ's Batang Quiapo.
Madalas pinag-uusapan sa social media ang loud character ni Direk Joel sa serye.
"Aba, nagtaka nga ako kung bakit gusto ang mga taong mataray, mahadera.
"Pero gusto nila yung mabait. Nung ako ay salbahe, ayaw rin nila sa akin.
"Nung ako ay naaapi, okay na ako sa kanila. Anti-jumper, anti-kabit."
Puring-puri rin ng batikang dirketor ang mga kasama sa serye na para sa kanya ay napakahuhusay na mga artista.
"Nakakahiya na di ka prepared pag kasama mo sila. Mahuhusay na artista, nakapaka-professional, maganda ang attitude sa work."
Read: Lily Monteverde, Regal matriarch and showbiz icon, dies at 84
JOEL LAMANGAN ON COCO MARTIN
Bilib din si Direk Joel sa kakayahan ni Coco Martin bilang direktor ng Batang Quaipo.
"Mahusay na direktor at mahusay na storyteller.
"Ang buong istorya ng Batang Quiapo nasa utak niya. Sa kanya nanggagaling ang lahat ng yan pati yung placement ng camera, mahusay siya.
"On the day of the shoot, makaka-receive ka kung ano ang kukunan ngayon, medyo naka-script na yung mga eksena."
Sa huli ay tinanong namin si Direk Joel kung bakit sa palagay niya ay kinakapitan ng mga manonood ang Batang Quiapo.
"Una, mahuhusay ang mga artista, maganda ang istorya, magaganda ang bawat istorya ng nandun sa loob ng Batang Quiapo."
