Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang Regal Entertainment, Inc. matriarch na si Lily Monteverde ngayong Sabado ng umaga, August 10, 2024, sa The Heritage Park sa Taguig City.
Kabilang sa mga dumalo sa final viewing ng kanyang mga labi sina Maricel Soriano, Judy Ann Santos, ABS-CBN executive Cory Vidanes, Regal Films supervising producer Manny Valera, Annabelle Rama, at iba pa.
Read: Mother Lily Monteverde: A lookback at the Regal matriarch's legacy

Pumanaw si Mother Lily sa edad na 84 noong August 4, isang araw matapos ilibing ang kanyang mister na si Father Remy Monteverde noong August 3.
Sumakabilang buhay si Father Remy noong July 29.
Magdiriwang sana si Mother Lily ng kanyang 85th birthday sa August 19.
Bumuhos ang pakikidalamhati sa pamilya Monteverde mula sa mga artista at iba pang bahagi ng entertainment industry ng isa sa itinuturing na haligi ng Philippine movies.
Sa kanyang lamay ay nagbahagi ang mga ito ng kanilang naging experience sa pakikipagtrabaho kay Mother Lily.
Read: What Mother Lily Monteverde taught Joel Lamangan
MOTHER LILY'S CHILDREN TO CONTINUE HER LEGACY
Sa panayam ng PEP sa anak ni Mother Lily na si Regal Entertainment, Inc. CEO Roselle Monteverde, noong August 5, sinabi nitong bagamat magkakambal na kalungkutan ang nararamdaman ng kanilang pamilya ay may nararamdaman silang kapayapaan dahil magkasama na ang mga magulang nila.

Saad ni Roselle: “My dad has passed away then right after the burial, tinawag kami ng doktor [ni Mother Lily].
“We’re supposed to have lunch sana together but then we need to go to the hospital.
“I think yung feeling naming lahat, parang, 'Bakit naman magkasunod?' But then, maybe there’s a good purpose for it.
“Right now, after seeing my mom kasi, we spent time with her sa hospital, so it was a good hours.
“We’re all there together and we’re able to say all the things that we want her to hear, [that] we love her. That we are all good, that she has to find her happiness wherever she wants to be.
“She wants to be my dad kasi love na love niya talaga ang tatay ko.
"Just thinking about it that they’re together, I am at peace, and I think the family is at peace.”
Read: Ara Mina reminisces about shooting with Mother Lily in China
Maraming pamana at kontribusyon si Mother Lily sa industriya ng telebisyon at pelikulang Pilipino.
Ayon kay Roselle, ipagpapatuloy nila ng kanyang mga kapatid ang legacy na iniwan ng kanilang ina.
“Ipagpapatuloy naming magkakapatid. Love niya ang industry so lagi siyang nagtatanong, 'Ilang pelikula mo na?'
"Nandun pa rin ang buhay niya, yung puso niya. Yan ang mundo niya, alam natin yan.
“Ilang years siyang nandiyan? More than fifty years, hindi na binilang yung times na nag-i-import siya ng pelikula noong ‘60s.
“So, that’s her world. That’s her life,” saad ni Roselle.
Read: Brief moments with showbiz legend Mother Lily Monteverde
MOTHER LILY AND ALL THE STARS SHE HELPED
Napakalaki ng naging kontribusyon ni Mother Lily sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Nag-umpisa ang Regal Films noong Agosto 1962 nang manghiram si Mother Lily ng sampung libong piso mula sa kanyang kapatid na si Jessie Yu para makuha niya ang karapatang ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang foreign movie na All Mine To Give (1957).
Hindi nagkamali ang pulso at pakiramdam ni Mother Lily dahil pinilahan sa takilya ang pelikula.
Kumita siya ng kalahating milyong piso, at mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga proyekto ng Regal Films.
Ang unang pelikulang produced ng Regal Films ay ang Magsikap: Kayod Sa Araw, Kayod Sa Gabi, na ang kuwento ay inspirasyon mula sa All Mine To Give.
Sina Elizabeth Oropesa at Gina Pareño ang mga bida sa pelikulang ipinalabas sa mga sinehan noong 1976.
Pinilahan din ito ng mga manonood.

Sa mga panayam sa kanya ay ipinagmamalaki ni Mother Lily ang pagiging isang movie fan, ang pagtakas niya sa school para pumunta sa Sampaguita Pictures studios, at ang pag-akyat niya sa bakod para makita ang kanyang mga paboritong artista.
Read: Willie Revillame, nabili ang unang kotse dahil kay Mother Lily
Nang maging producer si Mother Lily ng Regal Films, nakabili siya ng lupa at bahay sa Valencia Street, Quezon City, na katapat na katapat ng Sampaguita Pictures studios.
Naging kaibigan din niya ang mga producer ng Sampaguita Pictures.
Ilan sa critically acclaimed films ng Regal Films ay ang Manila By Night, Sister Stella L., Scorpio Nights, Relasyon, at Broken Marriage.
Siya rin ang responsable sa popularidad ng Mano Po at Shake, Rattle & Roll franchises.
Read: Tirso Cruz III reveals how Mother Lily helped him buy a house
Maraming mga artista ang pinasikat ng film company ni Mother Lily.
Kabilang dito sina Maricel Soriano, Dina Bonnevie, Gabby Concepcion, William Martinez, Rio Locsin, Alma Moreno, Snooky Serna, Ruffa Gutierrez, Richard Gomez, at Manilyn Reynes.
Gumawa rin ng pelikula sa Regal Films ang mga respetadong aktor na sina Fernando Poe Jr., Susan Roces, Dolphy, Vilma Santos, Nora Aunor, Phillip Salvador, Eddie Garcia, Christopher de Leon, Nida Blanca, at Charito Solis.
May kasabihan sa showbiz na hindi kumpleto ang acting career ng mga artista kapag hindi nila naranasang makatrabaho si Mother Lily at magkaroon ng proyekto sa Regal Films.
Tiniyak din ni Roselle na itutuloy nila ang matagal nang planong gawing pelikula, ang Mother, na tungkol sa buhay ng kanyang ina.
Buhay pa si Mother Lily nang simulan ang mga paghahanda para sa kanyang biographical film na pangungunahan ni Judy Ann Santos at mula sa direksiyon ni Erik Matti.
Pero naantala ito dahil sa mga hindi maiiwasang pangyayari, tulad ng coronavirus pandemic noong 2020.
Kumpirmasyon ni Roselle, “Talaga naman. I think it’s about time. Very colorful.
"My mom herself as a person, she’s really very animated.
"Iba talaga siya, she’s really unique."
Read: Who is Mother Lily Monteverde?
