Inamin ng dating TV host na si Janelle Jamer na siya ang tinutukoy ni Claudine Barretto sa cryptic post nito tungkol sa isang matalik na kaibigan na inihalintulad nito sa ahas.
Nakapukaw ng atensiyon ng netizens ang cryptic post na ibinahagi ng aktres na si Claudine sa Instagram account ilang araw na ang nakalilipas.
Read: Claudine Barretto to begin "witch hunt" targeting two people: "Lalaban na ako."
Ang post ay may larawan ng ahas at may quote na: “People who stay friends with your abusers aren’t your friends.
“Knowing what the abuser did to you and yet choosing to maintain a bond with them is a clear sign of lack of loyalty.”

Kalakip nito ang isang mahabang caption.
Pero ang mahabang caption na ito ay nagkaroon ng dalawang versions sa loob ng dalawang araw.
Hanggang nitong August 9, 2024 ng gabi, iniwan na lamang niya ang kanyang post at binura na nang buo ang caption.
ORIGINAL CAPTION
Bagamat binura ni Claudine ang orihinal na caption ng kanyang IG post ay may nakapag-screenshot nito at ibinahagi sa social media.
Base sa nilalaman nito, ang tinutukoy ni Claudine na "ahas" ay isang dating malapit na kaibigan na hindi pinahalagahan ang kanyang mga anak at fans (Claudinians).
Inilibing na rin daw ni Claudine ang pagkakaibigan ng tinutukoy niyang "BFF."
Ito ang nilalaman ng caption ng aktres (published as is):
“sabi nila a Snake sheds their skin only to become a bigger snake. Kaya ayoko ma mag peeling dahil ayoko maging ahas. masakit pala matuklaw.
"kung talagang mahal mo mga anak ko at mga claudinians d mo dapat ginagawa yang ginagawa mo. d na uso amg plastic ngayon.
"ang akin lang pag mga anak ko pati mga claudinians d mo nirespeto malaki problema mo. kaya tayong lahat maging POSITIVE AT BAWAL ANG NEGA. nakaka pangit yan.
"basta ako mahal ko ang mga anak ko at mga Claudinians. mag mula ng di mo pinahalagahan mga bata at claudinians sorry we don’t deserve you.
"Godbless you pa rin. sana masaya ka at sana wag ka na rin mang damay ng mga iba ko pang Kaibigan sa journey mo na saktan ako. kasi last day na ng libing ng friendship/BFF na to.
"kahit saang angle mo pa tingnan mali yung wala kang paki alam sa mga fans ko at mga anak ko. so good riddance.
"THANK YOU SO MUCH!!!!"

REVISED CAPTION
Makalipas ang dalawang araw, binago ni Claudine ang kanyang caption. Kung babasahing mabuti, tila hindi lamang pala isang "BFF" ang tinutukoy niya.
Ito ang nilalaman ng revised caption ng IG post ni Claudine, na burado na rin ngayon ngunit na-screenshot ng ilang netizens (published as is):
“masakit pa rin pala pag nasasaktan kaibigan mo. thank you sa lahat ng messages of luv & support.
"i didn’t pose this to hurt the person who hurt me. masakit sobrang malaman na nasasaktan sya.
"but I posted kasi I wanted my claudinians to know how much luv & gratefulness i have for all of u. you always have my back & protect me.
"ako naman wag lang galawin mga Claudinians ko at ipagtanggol mga anak ko kahit di na ako. mahirap pag may 3rd person na nanggagatong at nakiki alam. pag ang mga kaibigan nag aaway try mo pag ayusin wag palalain yung away kasi never kang mananalo kung ang Claudinians at mga anak ko na ang tinatalo mo.
"lumalalala ang gulo pag may nagsusulsol. d ka inaano wag lang nakiki alam na parang battle mo to. na di ka na tutulong dahil sa comnections mo.
"remind ko lang NAMATAYAN NA KO, NAHIWALAY and Im still standing! d ka kawalan kaya lumayo ka na at wag pa involve sa problema namin. d aabot dito kung di rin dahil sayo.”

THIRD VERSION
Sa ikatlong version ng kanyang post, tuluyan nang binura ni Claudine ang caption nito. Maging ang mga comment ng netizens/followers niya ay hindi na rin mababasa.

WHO IS CLAUDINE BARRETTO ALLUDING TO?
Dahil sa post niyang ito, nagkaroon ng ideya at naikonek ng ilang followers ni Claudine kung sino ang posible niyang pinatatamaan.
Ayon sa followers ng aktres, ang pinatatamaan nito ay ang matagal na niyang "BFFs" na sina Janelle Jamer at Tia Perfecto.
Sa comment ng isang netizen sa IG post ni Claudine, tila may mga nailatag itong clues sa posibleng pagkakakilanlan ng mga kaibigan na tinutukoy ng aktres.
Sabi ng netizen (published as is), “Hayyyyyy naku!! Ang hirag sa taong snake [snake emjis], ito talaga si TP Toilet Paper ang nagpa gulo sa sister kong mabait na love na love namin dito sa Cebu sis clau, nong dahil kay TP Toilet Paper nagkagulo ang sis clau ko at BFF J nya sayang ang closeness nilang dalawa na super love nila isat isat but itong si TP nagpa gulo! Lavannnn sis clau we love you here in Cebu. Cebu loves you so much.”
May mga nagtanong kung sino ang tinutukoy nitong "TP"?
Isang Instagram user ang sumagot ng, “Omg Janella Jamer and Tia Perfecto???!”
May isa pang netizen na ang hula niya sa tinutukoy ni Claudine ay si "Janelle Jamer" din. At kapag nag-like daw si Claudine dito ay "di alam na this" o tama ang kanyang hula.
Isang netizen naman ang nakapansing nag-like nga si Claudine sa comment na "Janelle Jamer."
Kaugnay nito, napansin din ng netizens na hindi na naka-follow sa Instagram account ng isa't sina Claudine at Janelle sa kabila ng alam ng lahat na sila ay mag-BFF.
Read: Claudine Barretto reunites with BFF Janelle Jamer in Bali, Indonesia
DID JANELLE JAMER REACT TO CLAUDINE BARRETTO'S POST?
Sa pagbisita naman sa Instagram account ni Janelle Jamer, pumukaw rin ng atensiyon ang isang post nitiong pinaniniwalaang sagot o patama niya sa naunang IG post ni Claudine.
Mensahe ni Janelle sa kanyang post noong August 8: “I’ve been hurt, but it’s okay. You just have to move on and learn that not everyone thinks the same way you do.
"Never get tired of spreading love and peace to everyone. And never regret the love you give to someone, because you should give it withot expecting anything in return.
"You just have to choose to forgive while also protecting your energy but keep the good memories and carry those lessons with you to grow. And let others judge you without knowing the truth, because it doesn’t define your character- it defines theirs.”

May mga nag-comment naman sa post na ito ni Janelle: “Si clau po ba kaaway mo?”
Sinagot ito Janelle: “Wala po ako kaaway.”
Isang netizen din ang nagtanong kay Janelle kung bakit wala raw siya sa birthday ni Claudine na ginanap kamakailan lang.
Mailing sagot ni Janelle, “Wala po eh.”
Isa pang netizen ang direktang kung bakit sila nag-away ni Claudine.
Tugon ni Janelle, “Wala po akong kinawawa na fans and wala akong ginawa sa mga bata.”

Komento rito ng isang netizen, “I agree with you u ms. @janellejamer. I’m just sad how the friendship went bad.”
Sagot naman ni Janelle, “kahit ako nasurprised.”
Read: Janelle Jamer slams bashers of Claudine Barretto
Bukod sa IG post na ito ni Janelle, may Instagram stories din siya na tila konektado sa sinasabing away nila ni Claudine:




BFFS NO MORE?
Sa pamamagitan ng Facebook call, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janelle noong Biyernes ng gabi, Agosto 9, 2024, upang alamin kung siya nga ba ang tinutukoy ni Claudine sa IG post nito.
Inamin ni Janelle na may pinagdadaanan sa kasalukuyan ang pagkakaibigan nila ni Claudine.
“May pinagdadaanan ang friendship namin. Hindi ko alam kung ano ang pupuntahan, pero sa ngayon, may pinagdadaanan,” sabi niya.
Silang dalawa ni Tia Pefercto ang nababanggit sa mga komento na diumano’y posibleng pinatutungkulan sa post ni Claudine. Totoo ba ito?
Sabi naman ni Janelle tungkol dito, “May katotohanan na may pinagdadaanan.
"Pero kung magbe-base ako sa sinabi niya na kinawawa na ginawa sa anak niya at mga fans niya, hindi ako guilty run.
"Kasi, sa part na yun, malinis ang konsensiya ko at wala akong ginawang ganun.”
Alam niyang siya talaga ang pinatatamaan ni Claudine sa post nito?
“E, sa dami naman ng nagsabing ako, malamang, e, ako nga ang pinatatamaan. Marami na ang nag-comment at nag-assume na ako raw!” natawang sabi niya.
“But then, hindi naman ako masyadong nag-react nung unang araw na nalaman ko yon. Ang dami rin nag-message sa akin.
"Pero ganun naman ang ugali ko. Parang, I have to wait for my emotion na bumaba bago ako mag-react.
"And to be honest, nasaktan talaga ako dun. Sobra akong nasaktan, sobra akong na-hurt.
"Kasi na-surprise din ako. Bakit ako? Bakit ako ang pinost, nananahimik ako? Alam mo yon, wala naman akong in-expect that day na may ganung lalabas.”
Ayon din kay Janelle, bukod sa madalas siyang nasa ibang bansa, tulad sa Australia, medyo matagal na rin silang hindi nagkakausap ni Claudine.
“Siguro last na usap namin, siguro a month ago. Yun nga rin yung hindi rin naging okay ang pag-uusap namin.
"Pero, nananahimik lang ako. Hindi ko iniisip. Kasi for me, ayoko ng may bitbit sa puso ko. Ayoko rin na may kaaway ako.
“Kaya nagulat talaga ako.
“At saka, ang iniisip ko kasi, di ba, sa magkakaibigan, kapag naiipit ka sa parang nag-uumpugang bato, ang iniisip ko kasi, maayos din yan.
"Pero nang makita ko at may magsabi sa akin na nag-post nga ng ganun si Claudine, nagulat talaga ako.
"Kasi, parang a month ago or a month and a half, para lumabas nga yang post niya na yan. Tapos, na-involved pa ang mga bata at mga fans niya na hindi ko talaga alam.”
Dagdag ni Janelle, “Well, puwedeng may pinanggagalingan siya kaya niya dinamay ang mga bata at mga fan niya, di ba?
"Puwedeng iniisip niya na kinampihan ko kasi ang gumawa nun, kung gumawa nga. Parang ibig sabihin, kasama rin ako dun. Kasi, kinakausap ko pa.
"But then, ako mismo, wala akong ginawa sa mga bata o mga fan niya."
Ayon kay Janelle, nang mag-post si Claudine, nagtanung-tanong siya, lalo na sa circle of friends nila, kung ano ang puno’t dulo ng isyu ng aktres.
Nasaktan daw siya at napatanong na, "Bakit ako?"
Sabi pa ni Janelle, “Ako, kung sasama ang loob ko sa kaibigan ko, hindi ko gagawin yan. Hindi ko rin naman para bitbitin pa or magalit pa.
"Kaya nga kapag may nagko-comment kung magkaaway ba kami, ang sagot ko, wala akong kaaway. Kasi, totoo… sa utak ko, wala naman akong kaaway.”
Read: Janelle Jamer reacts to Claudine Barretto launching a "witch hunt" against two unnamed people
NOT ON SPEAKING TERMS
Sa ngayon, ayaw raw munang makipag-usap ni Janelle kay Claudine. At ganun din daw siguro si Claudine.
Pero sa kabila nito, hangad pa rin daw ni Janelle na maging okay ang aktres.
Saad ni Janelle, “Talagang nagulat ako. But—kung ano man ang pinanggagalingan niya, sana mag-subside, kasi pangit din na may bitbit siya na ganyan sa puso niya.
"Ako, wini-wish ko pa rin, I still wish her well. At never akong naging plastic sa kanya.
“Kasi, sinabi niya yan, sa post niya, plastic ako. Never akong naging plastic sa kanya.
"Kasi kung plastic ako, e, di sana never na nangyari to. E, di sana, nandiyan pa rin ako na dumidikit sa kanya.
"Kung masama ang loob ko, masama talaga ang loob ko. And same thing din naman kay Claudine, kung masama ang loob niya, masama ang loob niya.
“Pero sana, sa personal, hinarap na lang namin ang problema nang magkakaharap.”
Sa huli, tinanong ng PEP si Janelle kung, sa kabila ng lahat, sabihin ni Claudine na hindi naman siya ang tinutukoy nito sa post?
“Alam ko na ako yun, e!” natawang sagot niya.
“Alam ko na ako ang pinariringgan niya kasi nakapag-usap namam kami.
"Pero siya, kung ganun ang way niya, hindi ako nag-a-agree at nasaktan naman talaga ako sa ginawa niya.
"At sinabi naman niya sa bago niyang post na nasasaktan siya na nasaktan niya ang friend niya—wala, e, nangyari na.”
Ano ang nararamdaman niya sa itinuturing niyang BFF?
“Nasasaktan ako pero hindi ako nagagalit," pakli ni Janelle.
"Nasasaktan ako, pero yun nga, bakit kailangan nating ilabas yon?
"Una sa lahat, hindi naman ako ang may gawa nun.
"Pangalawa, bakit ako? Bakit sa akin mo ginawa yan?
“Kung may pinanggagalingan siya at feeling niya, valid ang ginawa niya at yun ang definition niya ng loyalty sa kanya, again, sana pinag-usapan na lang.
"Ako, sumasagot lang naman ako dahil palaging nane-namedrop ang pangalan ko sa mga comment."
Noong Biyernes ay nag-Instagram Live sina Janelle at Tia. Sinagot nila ang ilan sa naging katanungan ng viewers nila.

Balita rin namin, pagkatapos ng live nina Janelle at Tia, ay nag-Live din daw si Claudine.
Pinadalhan ng PEP ng mensahe si Claudine sa kanyang Instagram direct messaging para kunin ang panig nito, pero sa kasalukuyan ay wala pa kaming natatanggap na sagot mula sa kanya.
WHO IS JANELLE JAMER?
Si Janelle Jamer ay unang nakilala bilang host/singer/songwriter at actress.
Naging co-host siya ni Willie Revillame sa Wowowee mula 2005 hanggang 2007. Nakagawa rin siya ng ilang pelikula at album.
Sa mini-series ng TV5 na Bakit Manipis ang Ulap noong 2016 sila nagkasama ni Claudine at naging magkaibigan.
Pero ilang taon nang naka-focus si Janelle sa pagiging businesswoman.
CEO rin siya ng sariling skin care business, ang Bright Diamond Skincare PH, kunsaan isa sa produkto niya ay ang skin peeling.
