Pumanaw ang stand-up comedian at former It's Showtime "Miss Q&A" contestant na si Ronnie "Didong" Dumadag, Sabado, Agosto 10, 2024.
Siya ay 47.
Isinugod si Didong sa MCU Hospital, sa Caloocan City, noong Sabado dahil sa hemorrhagic stroke.
Read: Arnold Clavio recovering from hemorrhagic stroke
Nagyari ito ilang oras pagkatapos niyang mag-taping bilang isa sa mga contestant ng Family Feud, ang game show na hinu-host ni Dingdong Dantes sa GMA-7, noong Biyernes, Agosto 9.
Mula sa taping ng Family Feud sa GMA Network studio, dumiretso si Didong sa Hideout Comedy Bar sa Caloocan City para sa kanyang show.
Habang nasa dressing room, bandang 10:45 ng gabi, nakaranas siya ng matinding pananakit ng ulo.
Napansin ng mga tumulong kay Didong na nabubulol na ito sa pagsasalita, at nanghihina na ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan.
Nang dalhin ang stand-up comedian sa sasakyan para isugod sa ospital, nawalan na ito ng malay at malakas na ang paghilik.
Nang makarating sa ospital, 280/150 ang blood pressure ni Didong.
Nang lumabas ang resulta ng CT scan, nakitang may pagdurugo sa kanyang utak na nakaapekto nang husto sa paghinga at pagtibok ng puso niya.
Read: Karylle mourns death of her father Dr. Modesto Tatlonghari

DIDONG'S GUESTING IN FAMILY FEUD
Hindi pa tiyak kung kailan ipalalabas sa Family Feud ang guesting ni Didong, kasama ang ibang stand-up comedians na nagtatanghal sa Vice Comedy Club, ang comedy bar na pag-aari ni Vice Ganda.
"Vice, Vice Baby" ang pinili nilang pangalan ng kanilang grupo nang maglaro sila sa game show ni Dingdong Dantes.
Ang mga larawan at video ng pagsali niya sa Family Feud ang mga social media post ni Didong sa mga huling sandali ng kanyang buhay.
Masayang-masaya, masigla, at malakas si Didong sa mga video post nito habang papunta sa studio ng Family Feud at sa dressing room ng programa kaya nahihirapan ang kanyang mga mahal sa buhay at kaibigang tanggapin ang katotohanang wala na siya.
Read: Lily Monteverde, Regal matriarch and showbiz icon, dies at 84
View this post on Instagram
BRENDA MAGE MOURNS DIDONG'S PASSING
Ang kapwa komedyante na si Brenda Mage, na madalas tinutukso na kamukha ni Didong, ang isa sa mga labis na nalungkot sa kanyang pagpanaw.
Mensahe ni Brenda para sa pumanaw na kaibigan: “Ang hirap hirap isipin talaga na wala ka na Ding… 2014 lagi na tayo pinagkakamalan… magkasama tayo sa bahay tayo lang dalawa ng nakakaalam lahat ng mga bagay bagay.
“Ang dami na natin pinagsamahan. Ang sikip sa dibdib pag naiisip ko ‘yung mga kwentuhan at kalokohan natin… Haaaist amg hirap talaga…. 10 years natin pagkaibigan hindi lang kaibigan ang nabuo para na tayong kambal talaga.
“Ang bigat sa dibdib sobra. Ang lungkot ko talaga Ding. Naaawa ako iniisip ko si Milagros at si Bungol… inaasar mo si Milagros, mauuna ka pa pala sa kanya Giatay ka uy…..Samok kaayo jud ka….mao na lugar to imo paalam sa ako pag tawag nimo? Atay ka uy…. Mamiya man ka.
"Paalam my beloved barang sister. Mahal na mahal ka namin Ronnie Dumadag.”
Nakaburol ang mga labi ni Didong sa Floresco North Mortuary Zadiel Chapel, 595 McArthur Highway, Caloocan City .
Nag-umpisa ang public viewing ngayong Linggo ng hapon, Agosto 11.
Hinihiling ng mga naulila ni Didong na, sa halip na mga bulaklak, pera na lamang ang ibigay na donasyon para sa mga gastusin para sa burol at pagpapalibing sa kanya.
Read: Carmen Pateña dies at 83