PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jose Mari Chan gets emotional singing Christmas In Our Hearts

A netizen commented: "Mahal ka po namin JMC."
by Bong Godinez
Published Aug 12, 2024
Jose Mari Chan, Christmas in Our Hearts
The sight of Jose Mari Chan tearing up while singing his signature hit "Christmas in Our Hearts" caught the attention of many. Some expressed concern and wondered if everything was alright for the beloved singer-songwriter.
PHOTO/S: Screen grab from TikTok (rodmagaru)

Christmas came early para sa mga nakapanood ng event na inorganisa ng isang bangko noong Biyernes, Agosto 9, 2024, sa One Ayala sa Makati.

Panauhin sa nasabing event ang iconic singer-songwriter na si Jose Mari Chan.

Kinanta ni Jose Mari ang ilan sa kanyang well-known hits katulad ng "Beautiful Girl" at "Please Be Careful with My Heart."

Bagamat may ilang linggo pa bago ang Setyembre — ang unang buwan sa tinaguriang "ber" months, na para sa mga Pilipino ay hudyat na malapit na ang Pasko — ay kinanta na rin ni Jose Mari ang kanyang beloved Yuletide songs na "A Perfect Christmas," "A Child Again at Christmas," at ang kanyang signature hit na "Christmas in Our Hearts."

Hirit tuloy ng netizens: tila napaaga ang pagsalubong sa "ber" months at paglabas ni Jose Mari.

Hindi kaila na naging suki na ng memes si Jose Mari ilang araw bago dumating ang Setyembre, at sa unang araw mismo ng nasabing buwan, dahil tiyak na maririnig na kahit saang sulok ng bansa ang "Christmas in Our Hearts."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang "Christmas in Our Hearts" ay kabilang sa mga awitin sa seventh studio album ni Jose Mari na may parehong pamagat at inilabas noong 1990.

Read: Did you know: Lea Salonga almost sang “Christmas in Our Hearts" with Jose Mari Chan

Kinikilala ang Christmas in Our Hearts na best-selling album sa kasaysayan ng Philippine music.

Pumapangalawa naman ang isa pang album ni Jose Mari na Constant Change na lumabas nung 1989.

Ito ay ayon sa Philippine Association of the Record Industry o PARI.

NETIZENS EXPRESS CONCERN

Sa kabila ng saya at biruan sa "maagang" paglabas at pag-awit ni Jose Mari ng tanyag na Christmas anthem, marami rin ang nagpahayag ng pag-aalala.

Base kasi sa videos na lumabas ay makikitang emosyunal ang singer-songwriter.

May kanya-kanyang opinyon ang mga nakapanood ng video, at ipinahayag nila ito sa social media.

Jose Mari Chan, Christmas in Our Hearts
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpahatid naman ng mensahe ang ilan para sa singer-songwriter na sana ay mabuti ang pisikal at mental nitong kalusugan.

Jose Mari Chan, Christmas in Our Hearts
Photo/s: TikTok


Jose Mari Chan, Christmas in Our Hearts
Photo/s: TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi man tiyak kung ano ang sanhi ng pagiging emosyunal ni Jose Mari, malinaw namang marami ang nagmamahal dito at malaki ang impact ng musika niya sa publiko—bata man o matanda.

Jose Mari Chan, Christmas in Our Hearts
Photo/s: TikTok
Jose Mari Chan, Christmas in Our Hearts
Photo/s: TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A SONG THAT BRINGS OUT JOSE MARI CHAN'S EMOTIONS

Hindi ito ang unang pagkakataong nagpakita ng matinding emosyon si Jose Mari habang inaawit ang "Christmas in Our Hearts."

May videos na kuha nung nakaraang taon sa Cebu at sa Quezon City na makikitag tila napaluha rin si Jose Mari habang kinakanta ang "Christmas in Our Hearts."

Walang may alam kung ano ang dahilan, pero tila lumalabas ang emosyon ni Jose Mari kapag naririnig niya ang sabay-sabay na pag-awit ng mga manonood sa kanyang nilikhang awitin.

Kung sa point of view ng musikero, lalo na ang singers at songwriters, ito ay matatawag na tears of joy at feeling of immense pride dahil nangangahulugan lamang na tumatak sa isip at puso ng publiko ang awiting kanyang nilikha.

Sa isang lumang interview na inilathala ng Yahoo! News noong 2011 ay inihalintulad ni Jose Mari ang kanyang mga awitin at albums sa pagkakaroon ng mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Each song of mine and for that matter each album of mine, is like a child of mine," sabi niya.

"I've said this in the past: each child is special, as each song is special, each song is unique.

"When a song becomes a hit it’s like having a child that becomes successful."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The sight of Jose Mari Chan tearing up while singing his signature hit "Christmas in Our Hearts" caught the attention of many. Some expressed concern and wondered if everything was alright for the beloved singer-songwriter.
PHOTO/S: Screen grab from TikTok (rodmagaru)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results