"Instagram official" na ba sina Alaminos City Mayor Bryan Celeste at Face of Beauty International Philippines 2024 Isabelle Bilasano?
Sa Instagram Reels ni Bryan ngayong Huwebes, August 15, 2024, ipinost niya ang video na kuha sa birthday celebration ng kanyang ina sa isang restaurant.
Kapansin-pansin sa video na kasama ang beauty queen mula sa Bicol na si Isabelle sa mga imbitado sa intimate family gathering.

Simpleng caption ni Bryan, "Celebrating the life of the family. Happy birthday Mother Dear!"
Noong July 31, si Isabelle ang nag-post ng carousel of photos sa kanyang Instagram account.
May caption itong "Best July of my life."
Karamihan sa mga litrato ay may kinalaman sa pagkapanalo niya bilang Face of Beauty Philippines.
Isa si Isabelle sa mga kinoronahang kandidata sa Miss World Philippines 2024 na ginanap sa MOA Arena sa Pasay City, mula gabi ng July 19 hanggang madaling-araw ng July 20.
Read: Miss World Philippines 2024 winning answer
Nakaloob sa carousel ni Isabelle ang isang group photo kasama ang kanyang pamilya pati na rin si Bryan.

Noong Hulyo, nag-post din si Bryan sa kanyang Instagram ng group photo nila ni Isabelle sa MOA Arena, pero burado na ito sa feed ng binata.
Burado na rin ang iba pang litrato sa Instagram ng alkalde liban sa anim na recent posts nito.
Sa ngayon, wala pang direktang pag-amin ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
Si Bryan ay 28 taong gulang, habang si Isabelle ay 25 ang edad.
MAYOR BRYAN CELESTE DATING HISTORY
Si Bryan ay dating nobyo ng Kapuso actress na si Pauline Mendoza.
Naging magkasintahan sila noong February 2020.
Read: Pauline Mendoza admits relationship with millennial Pangasinan mayor
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 2020, nagbigay ng pahayag si Bryan tungkol sa relasyon nila ni Pauline.
Hindi malinaw kung kailan sila naghiwalay.
Noong March 12, 2024, may post si Pauline na "deleting all memories" sa TikTok.
May nagtanong sa comments section kung break na sila ni Bryan, pero walang sagot ang aktres.
Burado na rin sa Instagram account ni Pauline ang mga litrato nila ng alkalde.
