PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

City of Manila to declare August 4 as “Carlos Yulo Day”

Bilang pagkilala sa kanyang historic win sa Paris Olympics 2024
by KC Cordero
Published Aug 15, 2024
Photo of Carlos Yulo and a landscape of Manila
Idedeklara ang August 4 ng bawat taon sa Lungsod ng Maynila bilang “Carlos Yulo Day” upang gunitain ang historic win ng Filipino gymnast sa Paris Olympics 2024. Ang pamilya ni Carlos ay residente ng Maynila. (Photo courtesy of Dra. Honey Lacuna Facebook)

Nakatakdang ideklara ng lungsod ng Maynila ang August 4 ng bawat taon bilang “Carlos Yulo Day.”

Ito ay bilang parangal sa Filipino gymnast na si Carlos Yulo matapos ang matagumpay niyang kampanya sa Paris Olympics 2024, kung saan nakasungkit siya ng dalawang medalyang ginto sa gymnastics.

Read: Carlos Yulo surprises 11-year-old gymnast fan in Eat Bulaga!

Art card congratulating Carlos Yulo
Gugunitain tuwing August 4 sa Lungsod ng Maynila ang historic win ni Carlos Yulo sa Paris Olympics 2024. Photo: Screenshot at Dra. Honey Lacuna Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Inside Carlos Yulo's PHP32-million condo unit

Sa inilabas na pahayag ni Manila Mayor Honey Lacuna noong August 14, 2024, inihahanda na ng City Council sa pamumuno ni Vice Mayor John Marvin Nieto bilang presiding officer ang resolution para sa Carlos Yulo Day.

Aniya, isa itong working holiday sa lungsod.

Significant ang August 4 dahil ito ang petsa nang makuha ng 24 anyos na si Carlos ang kanyang ikalawang gold medal sa Olympics.

Ang kanyang pamilya ay residente ng Maynila, at naninirahan sa may Leveriza Street sa Malate.

Read: Chloe San Jose being pitted against Caloy Yulo's coach-therapist

CARLOS YULO, EJ OBIENA IPINAGMAMALAKING MGA TUBONG MANILA

Nakatakda ring gawaran si Carlos ng lokal na pamahalaan ng Maynila ng pagkilala sa August 19.

Sa isasagawang programa sa city hall, pagkakalooban din siya ng PHP2 milyon bilang insentibo sa kanyang pagkapanalo.

Read: Chloe San Jose replies to spotlight-hogger accusation of netizen

Art card congratulating EJ Obiena
Kinilala rin ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang na-achieve ni EJ Obiena sa Paris 2024 Olympics. Photo: Screenshot at Dra, Honey Lacuna Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Get to know Caroline Joyeux, EJ Obiena's athlete girlfriend

Noong August 14, binigyan ng pamahalaang lungsod ang pole vaulter na si EJ Obiena, na isa ring Manilenyo, ng PHP500,000 cash incentive.

Si EJ ay nagmula sa Tondo, Maynila.

Sa August 22 ay idedepensa ni EJ ang kanyang world ranking sa gaganaping Diamond League sa Switzerland.

Read: EJ Obiena's girlfriend earns praises for being low-key

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idedeklara ang August 4 ng bawat taon sa Lungsod ng Maynila bilang “Carlos Yulo Day” upang gunitain ang historic win ng Filipino gymnast sa Paris Olympics 2024. Ang pamilya ni Carlos ay residente ng Maynila. (Photo courtesy of Dra. Honey Lacuna Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results