PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes appointed as MTRCB Appeals Committee member

Gladys says Appeals Committee is an independent body from MTRCB.
by Rose Garcia
Published Aug 16, 2024
Gladys Reyes appointed as MTRCB Appeals Committee member
Gladys Reyes on submission of her credentials: "Medyo mahabang proseso rin bago ko na-receive yung approval and appointment from the Office of the President. Kasi, tinawagan nila ko no’n to submit ng parang profile, parang April pa."
PHOTO/S: Gladys Reyes Facebook

Nag-oathtaking ang actress na si Gladys Reyes sa Malacañang Palace bilang bagong appointed ng Office of the President na member of the Appeals Committee of the MTRCB (Movie Television Review Classification Board) noong Miyerkules, August 14, 2024.

Nag-post si Gladys ng photos at reels mula sa naganap na oathtaking, kunsaan ang nag-officiate ay si Executive Secretary Lucas Bersamin.

Sa Facebook caption ni Gladys, tila biglaan ang naganap na oathtaking kaya nagpasalamat ito sa designer na gumawa ng kanyang modern Filipiniana na si Vidal Clayton.

Bahagi ng caption niya, “Salamat ka Vidal Clayton, isa sa mga mahuhusay at talentado nating designer, para sa aking modern Filipiniana para sa isinagawang oathtaking. Sa kabila ng maikling panahon at kakulangan sa preparasyon, salamat kapatis sa pulidong gawa.”

Ang kasama ni Gladys sa naging oathtaking niya ay ang kanyang ina na si Zeny Reyes at kapatid na si Janice Paras.

Ang mag-aama raw kasi niya ay natapat na nasa Australia kaya hindi niya nakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sayang at wala pa ang asawa at mga anak ko na nasa Australia. Gabayan nawa ako ng Ama sa panibagong tungkulin na iniatas sa akin.

"Sa akin pong mga kasamahan sa Committee on Appeals sa pangunguna ni Asec. Atty. Jeffrey Gallardo, nawa ay magawa ko po ang aking bahagi bilang isa sa kinatawan ng industriya sa telebisyon sa abot ng aking kakayanan.”

Gladys Reyes oath-taking as MTRCB Appeals Committee member
Photo/s: Gladys Reyes Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

INDEPENDENT BODY FROM MTRCB

Nakapalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa pamamagitan ng palitan ng mensahe kahapon, August 15.

Sa ginanap na oathtaking, wala si MTRCB chai Lala Sotto.

Paliwanag ni Gladys sa PEP, "It’s an independent body, ang Committee on Appeals, kasi sa Office of the President. We are not under Chair Lala.”

Nabanggit din ni Gladys ang iba niyang kasamahan sa Appeals Committee.

Aniya, "Ang Chairman ng Appeals Committee namin ay si Asec. Attorney Jeffrey Gallardo under Executive Secretary Office ng Malacañang.

"Ako ang representative sa TV. Si Direk Joey Romero, kasama ko rin sa committee, yung iba naman, mga lawyers at yung iba, hindi ko pa nami-meet.”

Read: Jericho Rosales admits to dating Janine Gutierrez

GLADYS REYES CREDENTIALS

Kamakailan lang nalaman ni Gladys ang schedule ng kanyang oath-taking, pero noon pa raw Abril siya nagsumite ng kanyang credentials.

"Medyo mahabang proseso rin bago ko na-receive yung approval and appointment from the Office of the President.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi, tinawagan nila ko no’n to submit ng parang profile, parang April pa.

"Nakalagay ro’n ang lahat ng nagawa kong works sa TV and kung ilang years na ako sa telebisyon," paliwanag ni Gladys.

Bilang isang artista, mas okay daw sa kanya ang bagong appointment kumpara noong MTRCB board member siya.

Si Gladys ay naging MTRCB board member noong 2011, sa ilalim ng pamumuno ng noo'y chair na si Senator Grace Poe.

"Mas okay rin kasi, I can still work dahil ang trabaho namin, pag may appeals lang, di tulad sa MTRCB board na kailangan naming mag-review.

"Ngayon, more on sa Malacañang ang meetings namin.

"Pero, may mga pagkakataon din na pupunta kami sa MTRCB to have a dialogue with Chair Lala," pagtatapos niya.

Read: Rufa Mae Quinto 16-year rift with Jessa Zaragoza still unresolved

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes on submission of her credentials: "Medyo mahabang proseso rin bago ko na-receive yung approval and appointment from the Office of the President. Kasi, tinawagan nila ko no’n to submit ng parang profile, parang April pa."
PHOTO/S: Gladys Reyes Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results