Magdadalawang taon na palang annulled ang marriage nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta.
Read: Romnick Sarmenta opens up about co-parenting set-up with ex-wife Harlene Bautista
“Nauna kasi yung church annulment, and then, yung civil,” pahayag ni Harlene.
Kaya naman ang tanong ay kung napag-uusapan na ba nila ng kasintahan niya na si Federico Moreno ang tungkol sa kasal.
Sagot ni Harlene ay, “Oo. Pinag-uusapan lang, masarap naman pag-uusapan.
“Actually, pinag-uusapan na, tapos kung ano yung mga plano.
"Exciting naman. Siyempre, malalaman niyo.”
Ano ba ang dream wedding ni Harlene?
“Ang dream wedding ko matuloy,” at tumawa si Harlene. “Dream kong matuloy ang wedding.”
Read: Bo Bautista reveals family set-up after separation of parents Romnick Sarmenta, Harlene Bautista

HARLENE PRODUCES NEW MOVIE, daughter Bo in the picture
Samantala, sa unang pagkakataon ay nag-collaborate bilang mga producer ng bagong pelikulang Fatherland ang Heaven’s Best Entertainment ni Harlene at BenTria Productions ni Engineer Benjie Austria.
Gaganap na mag-ama sa pelikula sina Allen Dizon at Iñigo Pascual, sa direksyon ni Joel Lamangan.
Nasa pelikula rin ang anak nina Harlene at Romnick na si Bo Bautista.
Ayon kay Harlene, “Si Bo kasi bale, nakasama na siya ni Direk Joel before, so pangalawa na niya ‘to”
Ang una ay ang pelikula noong 2021 na Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa na ang Heaven’s Best rin ang producer.
Sa Fatherland ay gaganap si Bo bilang half-sister ni Iñigo Pascual, at anak nina Allen Dizon at Angel Aquino.
HARLENE reveals ADVICE TO DAUGHTER BO
Magulo at masalimuot ang takbo ng buhay sa showbiz, lalo na para sa mga kabataang artista na tulad ni Bo na babae pa.
Mainit na isyu din ngayon sa showbiz ang tungkol sa harassment. Ano ang ina-advise ni Harlene kay Bo?
“Lumaban ka,” at natawa si Harlene. “Parang alam ko kung ano yung pinatutungkulan mo.
“Actually, kahit saan naman, marami namang… ano nga, parang jungle nga everywhere. Kung saan mang industriya, may ganyan talaga.
“Well, I trust her, and sa tingin ko, nagmana naman sa akin iyan, matapang, masungit, mataray.
“Parang siguro matatakot naman yung kung sino man yung magloloko.
"At tsaka parang yun nga, sinasabihan naman namin siya na kapag may pakiramdam kang mali, mali talaga.
“So, huwag masyadong magtiwala. Huwag chummy-chummy, huwag masyado magtiwala.
"I mean, huwag naman dumating sa point na lahat na lang pinagdududahan mo, di ba?
“Dapat marunong ng discernment. Iyon talaga. And paano ka magkakaroon ng discernment.
"Hinihingi yun sa Diyos, e, pinag-pe-pray yun, na magkaroon ka ng discernment,” seryosong pahayag pa ni Harlene.
Is HARLENE A STRICT MOM?
Mainit na usapin rin sa ngayon ang tungkol sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magulang at anak.
Papaano sina Harlene at Bo kapag may disagreements sila?
Tugon ng veteran actress, “Pinaiintindi ko sa kanya, bakit tama ako.
"Ano yan, kasi siyempre, hindi 'tama ako dahil nanay mo ako.' Hindi, hindi ganun.
“Parang pag…madalas naman iyan, hindi ko siya pinapayagan, pag may gusto siyang gawin, bilhin, sabihin, kahit ano.”
Mas strict si Harlene?
“Oo, ako yung… sa tingin ko, ako yung mas istrikto. Sa tingin ko, ewan ko kung anong style ng papa nila, sa paano sila i-guide or whatever.
"But ako, sa tingin ko talaga yung parang, gaganun ka [sisimangot], maiinis sila,” at muling natawa si Harlene.
“Pero ako, ang prayer ko lang, at the end of the day, pagdating ng tamang panahon, maintindihan nila bakit.
“Pero siyempre kahit ngayon, pinaiintindi ko sa kanila, bakit hindi nila puwedeng gawin ‘to, bakit hindi sila…alam mo yun.
“So, para hindi sila naliligaw.”
Nakausap namin si Harlene sa storycon ng Fatherland nitong nakaraang August 10, Sabado, sa Ilang Ilang Café sa Manila Hotel sa Maynila.
Nasa cast rin ng Fatherland (sa panulat ni Roy Iglesias) sina Cherrie Pie Picache, Richard Yap, Ara Mina, Mercedes Cabral, Jeric Gonzales, Yasser Marta, Abed Green, Max Eigenmann, Ara Davao, Rico Barrera, at Jim Pebanco.
Read:
Harlene Bautista at Federico Moreno, magkatuwang na nilabanan ang COVID-19
