Engaged na ang proudly queer couple na sina Gabs Gibbs at Marga Bermudez.
Sa kanilang joint Instagram post ngayong Biyernes, August 16, 2024, ibinahagi nila ang litrato ng kanilang engagement.
Naganap ang surprise proposal ni Marga sa Thredbo Alpine Hotel, isang ski resort sa Australia.
Makikita sa litrato na nakaluhod si Marga, habang si Gabs ay todo ang pagkakangiti sa camera.
Caption nila: "Prepare for the gayest wedding you will ever witness."
Read: Jericho Rosales admits to dating Janine Gutierrez
GABS GIBBS PARENTS
Saksi sa okasyon ang mga magulang ni Gabs na sina Janno Gibbs at Bing Loyzaga, pati na rin ang kapatid ni Gabs na si Alyssa.

Read: Mayor Bryan Celeste in a relationship with Isabelle Bilasano?
GABS GIBBS ENGAGEMENT RING
Sa Instagram Story ni Gabs, pinakita niya ang close-up shot ng engagement ring na nagustuhan niya ang disenyo.
Sabi niya patungkol sa napiling ring ni Marga, "she understood the assignmentttt."

Sinabi rin ni Gabs na sina Marga at Bing ang nagdisenyo ng engagement ring.
Sa kanyang Instagram bio, nakasaad na si Gabs ay photographer/creative director/branding specialist. Si Marga naman ay DJ at entertainment director, ayon sa kanyang IG bio.
Co-founders sila ng creative space na Open House.
