PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV5 terminates program manager accused of sexual harassment

TV5 concludes investigation on complaint against Cliff Gingco.
by Jojo Gabinete
Published Aug 20, 2024
raffy tulfo manny v. pangilinan
"Personal na nakipag-ugnayan si TV5 Chairman Manuel V. Pangilinan kay Sen. Idol Raffy Tulfo para ibalita na tapos na ang ginawang imbestigasyon ng network hinggil sa pangmomolestiya ni Cliff Gingco, program manager ng TV5 News and Public Affairs, sa isang baguhang talent."
PHOTO/S: Raffy Tulfo In Action Facebook

Trigger warning: Mention of sexual abuse, sexual harassment

Wala nang koneksiyon sa TV5 ang News and Public Affairs program manager na si Cliff Gingco dahil sa pasya ng pamunuan ng Kapatid Network na tanggalin siya sa trabaho.

Ang kampo ni Senator Raffy Tulfo ang naglabas ng pahayag tungkol sa kinahinatnan ng reklamo ng male news researcher, na nagsumbong na biktima umano ito ng seksuwal na pang-aabuso ni Gingco.

Nangyari umano ang insidente sa isang hotel sa Pasig City noong Hulyo 23, 2024.

Limang araw pa lamang naninilbihan sa News and Public Affairs ng TV5 ang male talent nang mangyari umano ang panghahalay na nagdulot sa kanya ng matinding trauma.

Read: Talent accuses TV5 program manager of sexual harassment

Si Tulfo ang umaksyon sa reklamo ng male talent sa pamamagitan ng kanyang programa sa TV5 na Wanted Sa Radyo noong Agosto 9, 2024.

Nagbanta si Tulfo na magbibitaw siya sa programa niya sa TV5 at magpapatawag siya ng Senate hearing kapag hindi sinuspindi ng pamunuan ng Kapatid Network si Gingco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Raffy Tulfo, binantaan ang TV5 na magpapatawag ng Senate hearing

tv5 talent raffy tulfo
Photo/s: Screen grab from Raffy Tulfo In Action YouTube

TV5 CONCLUDES INVESTIGATION ON COMPLAINT AGAINST GINGCO

Base sa inilabas na pahayag ng kampo ni Tulfo, mismong si TV5 Chairman Manny V. Pangilinan ang nakipag-ugnayan kay Tulfo upang ipaalam na tapos na ang isinagawang imbestigasyon ng Kapatid network kaugnay ng reklamong pangmomolestiya laban kay Gingco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumabas umano sa isinagawang imbestigasyon na "may matibay na basehan" upang tanggalin ni Gingco sa trabaho.

Kaugnay nito, pormal na ring nagsampa ng kasong kriminal laban kay Gingco sa piskalya.

Narito ang kabuuan ng pahayag na lumabas sa official Facebook page ng Raffy Tulfo in Action ngayong Martes ng gabi, Agosto 20:

"Personal na nakipag-ugnayan si TV5 Chairman Manuel V. Pangilinan kay Sen. Idol Raffy Tulfo para ibalita na tapos na ang ginawang imbestigasyon ng network hinggil sa pangmomolestiya ni Cliff Gingco, program manager ng TV5 News and Public Affairs, sa isang baguhang talent.

"At lumitaw sa imbestigasyon na may matibay na basehan ang reklamo laban kay Gingco kaya nagdesisyon ang TV5 na tanggalin siya sa trabaho.

"Matatandaan na lumapit ang nasabing talent sa “Raffy Tulfo in Action” noong August 9 upang humingi ng tulong na makamit ang hustisya sa dinanas na sexual abuse.

"Agad na nagpadala ng liham si Sen. Idol kay Chairman MVP ukol sa insidente para masiguro na magkakaroon ng patas na imbestigasyon ang kaso at walang mangyayaring cover-up.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Mabilis naman din ang naging tugon ni Chairman MVP sa liham ni Sen. Tulfo. Natuwa rin si Chairman MVP na personal na naiparating sa kanya ang problema sa pamamagitan ng sulat ni Idol Raffy.

"Idinagdag din ni Chairman MVP na ang TV5 ay mabibigay ng buong suporta sa biktima, partikular na ang medical assistance gaya ng therapy at iba pang kakailanganin nito.

"Sa kabilang banda, pinasalamatan ni Sen. Tulfo si Chairman MVP dahil naging mabilis ang paggulong ng imbestigasyon at nakamit ng biktima ang nararapat na hustisya.

"Dagdag pa rito, kasong kriminal ang kinahaharap din ngayon ni Gingco sa piskalya, kung saan tumutulong at nakatutok ang RTIA para masiguro na maayos ang pag-usad ng kaso.

"Magbibigay pa kami ng update sa mga susunod na araw."

Read: Raffy Tulfo calls out TV5 for sexual harassment complaint

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Personal na nakipag-ugnayan si TV5 Chairman Manuel V. Pangilinan kay Sen. Idol Raffy Tulfo para ibalita na tapos na ang ginawang imbestigasyon ng network hinggil sa pangmomolestiya ni Cliff Gingco, program manager ng TV5 News and Public Affairs, sa isang baguhang talent."
PHOTO/S: Raffy Tulfo In Action Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results