May epekto kay Sandro Muhlach ang CCTV footage na inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Huwebes, Agosto 22, 2024.
Ang CCTV footage ay mga kuha noong Hulyo 21, 2024, na nagpapakita ng pag-alis ni Sandro mula sa hotel na tinutuluyan niya papunta sa katapat na hotel na kinaroroonan nina Jojo Nones at Richard "Dode" Cruz.
Sina Nones at Cruz ang suspended GMA-7 independent contractors na sinampahan ni Sandro ng mga reklamong rape at acts of lasciviousness sa Department of Justice.
Read: Sandro Muhlach speaks up about sexual abuse
SANDRO MUHLACH'S SOCIAL MEDIA POST
Base sa kanyang reaksiyon ngayong Biyernes ng hapon, Agosto 23, nanumbalik ang sakit ng kalooban na nararamdaman ni Sandro.
“Habang buhay ko dadalhin ito. Dalawa kayo at isa lang ako. I will never be the same again,” caption ni Sandro sa social media post nito tungkol sa mga screenshot ng CCTV footage
Read: CCTV footage shows Sandro Muhlach's state after alleged incident
Bukod sa mga screenshot ng CCTV footage, kasama sa socia media post ni Sandro ang pahayag ni NBI investigator Atty. Zulikha Marie Conales tungkol sa behavioral analysis ng aktor.
Bahagi ito ng kanilang imbestigasyon sa mga reklamong isinampa laban kina Nones at Cruz.
Nakasaad dito: "Noong papunta siya doon sa hotel na naka-check in ang dalawang subjects, normal at relaxed ang movement ni Sandro pero after noong nangyari ‘yung insidente, makikitang nagbago ‘yung kanyang kilos. Siya ay mabilis nang maglakad, balisa at parang distressed and very anxious.
“Bigla na lang siyang umupo sa tabi ng wall fronting the elevator kung saan inaantay niya 'yung mga kaibigan niya na sumundo sa kanya.
“This is very consistent sa finding ng bureau na mayroong traumatic na nangyari doon sa hotel kung saan naka-check in ‘yung dalawang subjects na nirereklamo ni Sandro.”
Nakasaad sa dulo ng social media post ni Sandro tungkol sa CCTV footage ang makahulugang pangungusap na ito: “Some people can never comprehend how hard it is to be in this traumatic situation. Luring someone will never be a consent to abuse.”
Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident
MALE HOTEL ATTENDANT
Makikita rin sa CCTV footage na may petsang Hulyo 21 at may oras na 5:24 A.M. ang pagdating ng isang male attendant ng hotel na may bitbit na mga bote ng inumin na dinala niya sa kuwarto na kinaroroonan nina Sandro, Nones, at Cruz.
Hindi pa inihahayag ng NBI ang pagkakakilanlan ng hotel attendant, na isa sa puwedeng magsalita tungkol sa eksenang nasaksihan niya nang pumasok siya sa kuwarto at maaaring makatulong sa imbestigasyon sa kontrobersiyal na kaso.
