Hindi konektado sa anumang cryptocurrency investments ang business tycoons na sina Jaime Augusto Zobel de Ayala at Lance Gokongwei.
Naglabas ng magkahiwalay na public advisory noong isang linggo lang ang Ayala Corporation at JG Summit Holdings upang balaan ang publiko sa dumaraming cryptocurrency scams.
May mga gumagamit ng pangalan ng mga kilalang korporasyon at personalidad— tulad ng pangalan nina Mr. Zobel at Mr. Gokongwei—upang hikayatin ang publikong mag-invest sa cryptocurrency projects, tulad ng "Momentum Capital" at "Tesler Code."
Si Zobel ang chairman ng Ayala Corporation.
Si Gokongwei ang JG Summit president at CEO.
Read: Netizens in awe of casual chat between billionaires Jaime Zobel de Ayala and Lance Gokongwei
Sa panig ng Ayala Corporation, nais nitong linawing walang kaugnayan at hindi pinu-promote ni Mr. Zobel ang "Tesler Code" o anumang cryptocurrency investment.
Nais ding ipaalam ng JG Summit Holdings na walang kinalaman si Mr. Lance Gokongwei, ang Gokongwei Group, at ang subsidiaries at representatives nito sa mga cryptocurrency projects.
Gumagawa na ng karampatang hakbang ang Ayala Corporation at JG Summit Holdings upang mapigilan ang pagkalat ng mga peke at malisyosong websites, social media pages, at advertisements kaugnay nito.
Pinapakiusapan din nila ang publiko na maging mapanuri sa mga kahina-hinalang platforms, web pages, at links sa lahat ng pagkakataon.
AYALA CORPORATION
Narito naman ang public advisory ng Ayala Corporation:

JG SUMMIT HOLDINGS, INC.
Narito ang kabuuang advisory ng JG Summit Holdings, Inc.:

