Sheree working very hard to regain sexy body

by Ruel J. Mendoza
Jul 12, 2008
"My goal now is really at least get back sa dati kong katawan. Nami-miss na raw kasi ni Gian [Magdangal] yung dati kong petite na katawan. Sabi ko naman sa kanya na baka hindi na bumalik sa dati kasi nga I had a baby na. Maniwala lang daw ako na magiging sexy ulit ako," says Sheree.

Unti-unti nang bumabalik ang dating seksing katawan ng former Viva Hot Babe na si Sheree dalawang buwan matapos nitong isilang si Gian Haley, ang baby niya with boyfriend Gian Magdangal.

Ayon kay Sheree, nakapag-adjust na siya sa buhay ng isang ina. Noong una raw ay mahirap dahil nasanay raw siyang mamuhay nang nag-iisa lamang. Ngayon ay hindi lang siya ina ng isang baby kundi para na rin siyang misis ni Gian.

"Malaking change para sa akin kasi ngayon mother and parang part-time wife na rin ako. Kung noon kasi marami akong free time na gawin ang kung anu-ano, ngayon priority ko ang baby namin ni Gian.

"Yung mga friends ko nga, nagugulat na sila sa mga sinasabi ko ngayon. Mostly about my baby at ang pagiging mother. Hindi sila sanay sa akin na gano'n because iba ang buhay ko before the baby came. Now, it's all about me being a mother and at the same time, I'm also taking care of Gian who is a very big baby!" lahad ni Sheree sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Codename: Asero, kung saan kabilang siya.

Continue reading below ↓

Unti-unti na raw na nagpapapayat si Sheree para bumalik ang dati niyang sexy na pangangatawan. Nag-gain raw siya ng 20 lbs. magmula nang mabuntis at manganak siya. Ngayon ay parati siyang nagwo-workout at nagda-diet para manumbalik ang dating mga kurba niya.

"I never thought na it would be this hard to lose all those pounds. Never nga akong nagkaroon ng problema noon sa pagtaba kasi I was always active. Ngayon, it takes time to lose weight kasi nga hindi consistent ang pag-workout ko. Even yung diet ko, hindi rin consistent.

"But my goal now is really at least get back sa dati kong katawan. Nami-miss na raw kasi ni Gian yung dati kong petite na katawan. Sabi ko naman sa kanya na baka hindi na bumalik sa dati kasi nga I had a baby na. Maniwala lang daw ako na magiging sexy ulit ako."

Wala naman daw problema kay Gian kung babalik si Sheree sa pagtrabaho sa showbiz. Hinahanap-hanap na raw kasi niya ulit ang maging busy sa trabaho.

Continue reading below ↓

"Before I accepted Codename: Asero, siyempre nagpaalam muna ako kay Gian. Wala namang naging problema because he knows how much I miss acting, dancing, and singing. Yun ang trabaho ko when he met me kaya he knows how much I love doing it.

"Ang kundisyon lang niya is huwag kong pabayaan ang baby namin. Kapag kailangan na ako ng anak namin dapat ay nandoon ako. Yun naman ang ipinangako ko sa kanya. Right now, may nanny naman na kaming kinuha since he's already in his third month. Minsan ang parents ni Gian ang tumutulong sa pag-alaga sa baby namin. Kailangan ko na rin mag-work para na rin sa anak namin."

So kelan naman ang kasal? Malapit na ba itong maganap?

"There are plans, but not very soon. Siyempre pinaplano pa namin at nag-iipon pa kaming dalawa. Gusto rin kasi ni Gian na magandang wedding kasi he wants his family and my family to be present. Ayaw namin na madaliin lahat. Tsaka yung budget, kailangan okey para matupad ang dream wedding namin," saad ni Sheree.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"My goal now is really at least get back sa dati kong katawan. Nami-miss na raw kasi ni Gian [Magdangal] yung dati kong petite na katawan. Sabi ko naman sa kanya na baka hindi na bumalik sa dati kasi nga I had a baby na. Maniwala lang daw ako na magiging sexy ulit ako," says Sheree.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results