PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Melai Cantiveros shields daughters from bashers

Melai feels proud when netizens get entertained by her kids.
by Melba R. Llanera
Published Sep 16, 2024
Melai Cantiveros in nude ensemble for Preview Ball 2024
Melai Cantiveros assures daughters Mela and Stella that they don't need to be affected by bashers.
PHOTO/S: @mrandmrsfrancisco Instagram

Ibinahagi ni Melai Cantiveros kung paano niya ginagabayan ang mga anak na sina Mela, 10, at Stela, 7, pagdating sa bashers.

Noong 2023, nabatikos ang anak ni Melai na si Mela dahil hindi nagustuhan ng ibang netizens ang tinuran ng bata patungkol sa ina.

Noong 2022, nagbanta si Melai na idedemanda ang basher na nagbitiw ng panlalait kay Mela.

Read: Melai Cantiveros to bashers of daughter, Mela: "Bata lang ang anak ko, guys."

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Melai, naikuwento nitong mismong si Stela ang nagtatanong kung may nam-bash ba rito.

"Nakakatawa si Stela pag sinasabing, 'May nam-bash?'

"Sabi ko, 'wala naman,'" saad ni Melai.

Lately ay wala raw siyang nakikitang kritisismo patungkol sa mga anak.

Ang nababasa raw ni Melai ay mga positibong feedback patungkol kina Mela at Stella.

Madalas kasing mag-post sa Instagram si Melai ng mga pagkakataong kasama niya ang mga anak.

Tulad halimbawa noong Buwan ng Wika kunsaan makikitang nag-rap si Mela sa isang production number, habang si Stela ay kasama sa isang dance number.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon ding post si Melai ng bersiyon ng magkapatid sa viral "Maybe This Time" challenge.

https://www.instagram.com/p/C_dEejSg9Tx/?hl=en

Kahit sina Jericho Rosales, KZ Tandingan, at Arci Muñoz ay napapa-comment sa post ni Melai.

Marami rin ang nagsasabing namana ng magkapatid ang pagiging kuwela at aktibo ni Melai.

Proud na reaksiyon ni Melai, "Natutuwa lang kami na marami ang natutuwa sa kanila."

Nakapanayam ng PEP si Melai sa Preview Ball 2024, na ginanap sa Manila Mariott Hotel sa Pasay City noong September 6, 2024.

Ka-date ni Melai ang mister niyang si Jason Francisco sa Preview Ball, habang ang kanilang mga anak ay naka-check-in sa hotel.

Si Melai ay cover girl ng Preview noong January 2024.

Melai Cantiveros and husband Jason Francisco at Preview Ball 2024
Melai Cantiveros and husband Jason Francisco at Preview Ball 2024
Photo/s: Nice Print
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Melai Cantiveros: "Nasiyahan na kasi ako sa ngipin ko, bakit ko pa babaguhin?"

MELAI CANTIVEROS ON MAGANDANG BUHAY & KUAN ON ONE

Sa kabilang banda, patuloy na napapanood si Melai sa Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay kasama ang co-hosts na sina Jolina Magdangal at Regine Velasquez.

"Alam niyo, yun ang pinakamaganda, patience is a virtue. Abangan niyo lang nang abangan yung fresh episodes namin sa Magandang Buhay dahil sooner or later, magkakaroon tayo ng fresh episodes," sabi niya.

Nang kumustahin namin ang pagkakaibigan nila ng kanyang co-hosts, sinabi ni Melai na laging bukas ang komunikasyon nilang tatlo.

Saad ni Melai, "Always kami, minsan sa mga social media apps namin nagtatawagan kami.

"Isang industriya lang kami so minsan nagkikita kami sa ABS. Last time naman ginuest ko si Momshie Reg sa Kuan On One.

"Si Momshie Jols sobrang busy sa Lavender Fields."

Ang Kuan On One ay ang sariling online talk show ni Melai, na para sa Bisaya audience at pinuprodyus ng ABS-CBN Studios.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Melai, "Thank you so much sa lahat ng mga naglingaw, sa mga Bisaya na naglingaw sa Kuan On One.

"Keep lang kayo na manood lang kayo ng mga surprises, ng mga Bisaya ng mga celebrities na di ko alam mga Bisaya pala."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melai Cantiveros assures daughters Mela and Stella that they don't need to be affected by bashers.
PHOTO/S: @mrandmrsfrancisco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results