PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bulgar editor and writer found guilty in Catriona Gray case

QC court's 12-page resolution details how it reached its decision.
by Rachelle Siazon
Published Sep 20, 2024
Bulgar editor and writer in Catriona Gray case
Miss Universe 2018 Catriona Gray (second from left) holds QC court's 12-page decision in her libel cases filed against Bulgar editor Janice Navida (not in photo) and Melba Llanera (not in photo). Seen with Catriona are (from left) Atty. Angela Antonio-Sibug, Atty. Josabeth Alonso, and Mary Antonnette Baudi of Alonso and Associates Law Firm.
PHOTO/S: Joji Alonso Facebook

Nahatulang "guilty beyond reasonable doubt" ang Bulgar tabloid editor na si Janice Navida at ang columnist na si Melba Llanera sa kasong libel na isinampa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

May hatol ding "guilty beyond reasonable doubt" si Navida para sa kasong cyberlibel.

Ngayong Biyernes, September 20, 2024, binasa ang hatol sa Quezon City Regional Trial Court na dinaluhan nina Catriona, Navida, Llanera, at kani-kanilang legal counsels.

Sa 12-page resolution ni Acting Presiding Judge Evangeline Cabochan-Santos, nakasaad na napatunayang mapanira at may malisya ang inilathalang ulat ng Bulgar.

Nakasaad dito na ang libel ay may parusang "prision correctional in its minimum to medium periods, or six (6) months and one (1) day to four (4) years and (2) months," alinsunod sa Revised Penal Code.

Ang kasong cyberlibel, sabi pa rin sa resolusyon, ay may parusang "imprisonment of six (6) months and (1) day of prision correccional as minimum, to five (5) years, five (5) months and eleven (11) days of prision correccional as maximum."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad din na walang sinabing parusang multa para sa dalawang akusado.

Melba Llanera and Janice Navida libel case
Photo/s: Joji Alonso Facebook

Read: Bulgar editor, writer charged with libel over Catriona Gray fake nude photo

CATRIONA GRAY AND WHY SHE SUED BULGAR

Sa official Facebook page ng Bulgar noong July 18, 2020, nailathala ang caption na "After ng bantang pasabog ni Clint... NUDE PHOTOS NI CATRIONA, KALAT NA!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kalakip nito ay isang litrato ng babae na naka-topless at dalawa pang litrato ng babae na naka-swimsuit.

Noong July 19, 2020, nailathala sa pahayagang Bulgar ang artikulong may titulong "After ng bantang pasabog ni Clint... NUDE PHOTOS NI CATRIONA, KALAT NA!"

Kalakip din nito ang parehong photos na nai-post sa Facebook page ng tabloid.

Base sa pagsisiyasat ng prosekusyon, na nakasaad sa resolution ng judge, tinukoy ni Catriona na siya ang babaeng naka-swimsuit, at kuha ang mga iyon sa TV commercial ng isang clothing brand.

Pero mariing itinanggi ni Catriona na siya ang babaeng naka-topless sa isa pang photo.

Lubos daw na naapektuhan si Catriona dahil pinalabas na siya ang babaeng "half-naked with breasts exposed" na ipinakita sa mga litrato sa Facebook post at tabloid article.

Pakiramdam daw ni Catriona ay nayurakan siya at ang kanyang reputasyon.

Read: Bulgar editor breaks silence in legal trouble over tabloid's Catriona Gray fake nude photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

bulgar editor and writer DEFENSE

Base pa rin sa resolusyon, nakadetalye ang depensa ni Llanera na ang initial article na isinulat niya ay tungkol sa cryptic posts ng ex-boyfriend ni Catriona na si Clint Bondad.

Kasama raw sa istorya ang espekulasyon ng netizens tungkol sa mga pahaging ni Clint patungkol kina Catriona at Sam Milby.

Bago ipasa ang artikulo, pinayuhan daw si Llanera ng Bulgar editor na si Navida na idagdag ang impormasyon tungkol sa diumano'y kumakalat na "nude photos" ni Catriona.

Depensa ni Llanera, pumayag siya dahil napagkasunduan nila ni Navida na tila "black propaganda" ito laban kay Catriona.

Kaugnay nito, nagdadag si Llanera ng "two paragraphs" patungkol sa isyu ng "nude photos."

Base sa imbestigasyon, inamin ni Navida na nakatanggap siya ng feed tungkol sa "nude photos" ni Catriona.

Sinabi ni Navida na totoong pinayuhan niya si Llanera na idagdag sa artikulo ang tungkol sa isyu, at pareho raw silang pumayag na ilathala iyon sa dahilang tingin nila ay may "black propaganda" laban kay Catriona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DECISION OF THE PRESIDING JUDGE

Kinatigan ng korte si Catriona.

Ayon sa desisyon ng judge, lahat ng apat na elemento ng libel at cyberlibel ay makikita sa ulat na nilathala sa Bulgar patungkol kay Catriona.

Ipinaliwanag ng hurado na una, "defamatory," at ikalawa, may "malice" ang caption sa Facebook post ng Bulgar.

Hindi raw malinaw sa Facebook post na ang kumakalat na "nude photos" ay may kinalaman sa hinala nina Navida at Llanera na may "black propaganda" laban kay Catriona.

Sinabi pa ng judge na "defamatory" at may "malice" ang headline, pati na ang last two paragraphs ng artikulo.

Kinuwestiyon din kung bakit inilathala nina Navida at Llanera ang artikulo gayong sila mismo ay may ideya na posibleng hindi totoo ang kumakalat na "nude photos" ni Catriona sa social media.

Bahagi ng paliwanag ni Judge Cabochan-Santos: "If indeed, as they claim, that they intended to tell the public someone was spreading black propaganda against Catriona to help clear her name and reputation, they could have simply inserted the word diumano or allegedly to read as 'After ng bantang pasabog ni Clint... NUDE PHOTOS DIUMANO NI CATRIONA, KALAT NA!' and 'Heto nga, may DIUMANO nude photos pang kumakalat ngayon si CATRIONA kung saan bukod sa DIUMANO naliligo siya sa bath tub ay may DIUMANO kuha itong nakahiga habang kita DIUMANO ang dibdib.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ng judge, "The accused failed to provide convincing proof to establish that, considering the probable falsity, they took action to verify the matter before making the Facebook post and publishing the Bulgar article.

"They did not bother to reach out to Catriona but instead agreed to jump on the bandwagon to gain many Facebook likes, shares, and page activity and sell the Bulgar issue like hotcakes."

Sabi pa rin sa resolusyon, present ang ikatlo at ikaapat na elemento ng libel at cyberlibel sa kaso ni Catriona laban kina Navida at Llanera.

Ang ikatlong elemento ay ang pagsapubliko ng isang defamatory statement. Ibig sabihin ay may ibang taong nakabasa nito.

Malinaw raw na kumalat ang impormasyon tungkol sa malisyosong ulat na may "nude photos" si Catriona, base sa Facebook post ng Bulgar, na umani raw ng "198 shares, 748 reactions with 376 comments."

Ikaapat na elemento ay kung matutukoy ang biktima ng isang defamatory statement. Sinabi ng hurado na malinaw na pinangalanan si Catriona sa Facebook post at sa tabloid article ng Bulgar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napag-alamang si Navida ang nag-post ng teaser sa Facebook post, kaya ito nahatulan ng cyberlibel. Nahatulan din siya ng libel bilang editor na naglathala ng tabloid article.

Si Llanera ay nahatulan ng libel bilang writer ng tabloid article.

Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng official statement mula kina Navida, Llanera, at Catriona.

Ilalathala ng PEP ang anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa oras na matanggap namin ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona Gray (second from left) holds QC court's 12-page decision in her libel cases filed against Bulgar editor Janice Navida (not in photo) and Melba Llanera (not in photo). Seen with Catriona are (from left) Atty. Angela Antonio-Sibug, Atty. Josabeth Alonso, and Mary Antonnette Baudi of Alonso and Associates Law Firm.
PHOTO/S: Joji Alonso Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results