PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bulgar editor, writer on Catriona Gray cases: "Tuloy ang laban."

Bulgar editor and writer to appeal court ruling in libel cases.
by Rachelle Siazon
Published Sep 20, 2024
Bulgar editor Janice Navida and writer Melba Llanera to appeal court ruling in Catriona Gray libel cases
Excerpt from Bulgar editor Janice Navida and writer Melba Llanera's joint statement after court ruling in Catriona Gray's (in photo) libel cases filed against them: "Tuloy ang buhay. Tuloy ang laban para sa katotohanan. Naninindigan para sa karapatan."
PHOTO/S: @catriona_gray Instagram

Tuloy ang laban para kina Bulgar editor Janice Navida at columnist na si Melba Llanera.

Ito ay matapos silang mahatulang "guilty beyond reasonable doubt" para sa kasong libel na isinampa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

"Guilty beyond reasonable doubt" din ang hatol kay Navida para sa hiwalay na kasong cyberlibel.

Read: Bulgar editor and writer found guilty in Catriona Gray case

Melba Llanera and Janice Navida libel case
Photo/s: Joji Alonso Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BULGAR EDITOR AND WRITER JOINT STATEMENT

Sa opisyal na pahayag nina Navida at Llanera, inihayag nilang maghahain sila ng motion for reconsideration sa mas mataas na hukuman kaugnay ng kinahaharap nilang mga kaso.

"Bilog ang universe. Hindi pa tapos 'to. Tuloy ang laban para sa katotohanan," bungad nila.

Naniniwala ang dalawa na ginawa nila ang kanilang trabaho sa inulat nilang isyu na anila'y kinasangkutan ni Catriona.

"Bahagi na ng buhay naming mga mamamahayag ang demanda at hindi na bago ito.

"Tulad ng ibang propesyon, hindi madali ang pagtupad sa aming tungkulin ngunit buong loob, tibay ng dibdib at tiwala sa Panginoong Maykapal ang aming sandata sa mga labang aming kailangang kaharapin na kaakibat ng aming paghahatid ng katotohanan sa taumbayan.

"Maaaring hindi natin makamit ang pagsang-ayon ng lahat sa panahong ito ngunit patuloy tayong naniniwala na sa takdang panahon, katotohanan din ang magtutuwid ng lahat."

Diin nila: "Tuloy ang buhay. Tuloy ang laban para sa katotohanan. Naninindigan para sa karapatan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa 12-page resolution, nakasaad na napatunayang "defamatory" at may "malice" ang ulat ng Bulgar na may kumalat na "nude photos" si Catriona.

May petsang August 27, 2024 ang resolusyong pinirmahan ni Acting Presiding Judge Evangeline Cabochan-Santos ng Quezon City Regional Trial Court.

Sa paglilitis sa korte, pinabulaanan ni Catriona na siya ang babae sa topless photo na inilathala ng Bulgar.

Labis daw na naapektuhan ang beauty queen sa aniya'y mapanirang ulat na gawa nina Llanera at Navida.

Kinatigan ng judge ang prinisinta ng prosekusyon na ang mga akusado ay may "reckless disregard of whether the imputation is false or not."

Hindi raw nakapaghain ng sapat na ebidensiya ang mga akusado na binerepika nila ang impormasyong nakalap tungkol kay Catriona, bago ito inilathala sa Facebook at tabloid noong July 18 at July 19, 2020.

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bulgar editor, writer charged with libel over Catriona Gray fake nude photo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excerpt from Bulgar editor Janice Navida and writer Melba Llanera's joint statement after court ruling in Catriona Gray's (in photo) libel cases filed against them: "Tuloy ang buhay. Tuloy ang laban para sa katotohanan. Naninindigan para sa karapatan."
PHOTO/S: @catriona_gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results