Isa si Miss World Philippines 2024 Krishnah Gravidez sa mga kasama ng TikTok influencer na si Emman Atienza sa viral "Guess the Bill" challenge.
Pinutakti ng batikos ang nasabing video dahil umano sa labis na pagpapakita nila ng karangyaan habang maraming Pilipino ang nahihirapan sa buhay.
Sa nasabing "Guess the Bill" challenge, mapapanood sina Krishnah at Emman, kasama ang ilan panilang kaibigan, na nasa isang birthday dinner sa isang mamahaling Japanese restaurant.
Matapos silang kumain, naghulaan ang magkakaibigan kung magkano ang total bill nila.
Kung sino raw ang makahula kung magkano ang total bill nila ay siyang magbabayad.
Ang hula ni Krishnah na PHP130K ay malapit sa total bill nilang P133,423.00.
Kunyari naman ay bumunot si Krishnah ng pera at card sa kanyang wallet.
Read: Emman Atienza airs side over viral "PHP130k dinner" video
KRISHNAH GRAVIDEZ ADDRESSES ISSUE
Sa kanyang Instagram Braodcast Channel ngayong Miyerkules, September 25, 2024, nilinaw ni Krishnah na hindi totoong siya ang nagbayad ng ganun kalaking bill.
Wala raw siyang kakayahang bayaran ang ganung kalaking bill sa isang kainan.
Hindi nga raw siya nagse-celebrate ng kanyang sariling kaarawan para makatipid.
Saad ni Krishnah, "Hello again! I woke up with a lot of messages and comments regarding the guess the bill challenge video.
"Wala po talaga akong binayaran that night. Wala po akong kakayahan to pay an amount like that. I don't even celebrate my own birthday to save money.
"Yes, laki po ako sa hirap and hindi din ako mayaman as of the moment.Hindi ko po yun ikinaila ever."
Dahil sa backlash, napagtanto raw niyang maging maingat na sumali o gumawa ng mga ganoong video.
Humingi rin siya ng dispensa kung may mga na-offend man sila sa nasabing video.
Dagdag ni Krishnah, "That's why I realized that I need to be more careful next time of involving myself in these type of contents.
"I should have been more sensitive of what's happening around us. I feel bad that this issue blew up and I might have disappointed some of you.
"I'm really sorry po."

Read: Kyline Alcantara, Kobe Paras to make "special announcement"
