PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tootsie Guevarra now working as a hospital executive in the U.S.

Tootsie reveals why she left the music industry more than two decades ago.
by Bernie V. Franco
Published Sep 26, 2024
Tootsie Guevarra then and now
From an OPM singer in the '90s to early 2000, Tootsie Guevarra succeeds in building a career in the U.S. healthcare industry. She is now a hospital executive in California.
PHOTO/S: @tootsieguevarra on Instagram / 24-7pressrelease.com Star Music

Binalikan ng singer na si Tootsie Guevarra, 44, ang kanyang journey para maging successful career woman sa healthcare industry sa Amerika.

Sumikat si Tootsie sa Pilipinas noong late '90s hanggang 2000s.

Read: 28 Filipino celebrities now living in the U.S.

Nagsimula sa Amerika bilang isang real-estate agent, isa na ngayong regional hospital executive ang singer sa Garden Grove, California.

Subalit pag-amin ni Tootsie, dumaan siya sa maraming hirap sa loob ng matagal na panahon bago nakarating sa kasalukuyang estado.

“It wasn’t very easy. It wasn’t an easy journey,” pag-amin ni Tootsie sa YouTube channel ng kapwa singer na si Paco Arespacochaga noong September 13, 2024.

Nagsimula sa real estate industry, paano nga ba napadpad sa healthcare si Tootsie, o Emma Theresa Pinga-Monaco sa totoong buhay?

Tootsie Guevarra
Tootsie Guevarra became a famous OPM singer in the late '90s and early 2000s.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STARTING A NEW LIFE IN THE U.S.

Sa interview ni Paco, diretsahang sinabi ni Tootsie na hindi niya nagustuhan ang naging karanasan niya noon bilang singer sa Pilipinas.

Marami raw siyang natatanggap na indecent proposals, partikular sa DOMs (dirty old men).

Dito raw niya naisip na, “Put a pause. Maybe it’s time to reinvent. And the rest is history.”

Nagtungo si Tootsie sa U.S. noong early 2000 para magkaroon ng panibagong buhay kasama ang kanyang mga magulang.

Two decades ago, nang makarating siya sa U.S., pinasok ni Tootsie ang real estate.

Ang naging trademark niya ay “singing real-estate agent.”

Sabi niya, “That was my first job here in the U.S., realtor ako.”

Kasama raw sa karanasan niya ang magkaroon ng rejections sa mga prospect, pero hindi siya pinanghinaan ng loob.

“I think kasi I was so driven and motivated to prove something when I got here,” sabi niya.

Pagbabalik-tanaw pa ni Tootsie, ang hiningan niya ng tulong nang una siyang tumuntong sa Amerika ay isang dating producer sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I knew I can't rely on the Tootsie Guevarra income. I didn’t see myself for 20, 30, 40 years na ganon [singing] gagawin ko.

“I want stability. Yun ang hinahanap ko kahit sa Pilipinas, e, kasi feeling ko kahit na nag-aartista ako, gusto ko talagang mag-asawa, magkaroon ng pamilya.”

Dagdag pa niya, “Parang feeling ko, hindi ko makukuha dun. Kung makukuha ko man, pangalawa lang ako. Ayoko ng ganon.”

Tootsie Guevarra
Tootsie's first job in the U.S. was as a real-estate agent.
Photo/s: @tootsieguevarra on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Balik sa dating producer, iminungkahi raw nito kay Tootsie na subukan ang real estate.

“Real estate? Hindi ko alam yon, ‘no. Tapos isang take lang, nakapasa ako. Sobrang excited, e,” pagtukoy niya sa pagkuha ng exam para maging licensed realtor.

Kasama ang producer bilang kanyang broker, natutunan ni Tootsie ang trabaho.

Noong simula raw ay naging maganda ang business. Nagamit daw niya rito ang pagiging “people person” na kanyang natutunan sa pagiging singer.

Sabi ni Tootsie, “Kasi, I think, tayo bilang artists, coming from entertainment, I think we’re very good in sales, business development, and people. Yun ang nature natin, e.

“When you’re in that role, I think in any sales, you gotta talk. Kailangan people person ka.”

Pero naging hamon daw ang hindi pagkakaroon ng regular na kita kaya nag-isip ng ibang mapapasukan si Tootsie.

Noong mga panahong iyon ay kasal na si Tootsie at mayroon nang isang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa rito ay kailangan niyang suportahan ang kanyang mga magulang na kasama niya sa Amerika.

Read: 10 Filipino celebrities now based in Australia

Tootsie Guevarra and family
Tootsie with husband two sons
Photo/s: @tootsieguevarra on Instagram

venturing inTO HEALTHCARE INDUSTRY

Isang araw, nagkita raw sila ng kanyang ninang sa kasal.

Sa kotse ay nakita ni Tootsie na nakadikit ang sticker logo ng home care business ng ninang nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Tootsie, “Out of the blue, sabi ko, ‘Ninang, I think you should hire me as your marketing manager.’”

Nag-double job si Tootsie bilang marketing manager ng home care business at real estate.

Natuto raw siya sa healthcare industry sa pagsama-sama sa kanyang ninang.

Napagtanto raw ni Tootsie na, “I think I love the healthcare space.”

Nagha-house-to-house raw siya noon para mag-evaluate ng mga elderly patients at kung anong klaseng healthcare ang kailangan nila.

Nabuksan din daw ang isipan ni Tootsie sa buhay sa Amerika sa pakikinig ng kuwento ng mga matatandang pasyente, tulad ng mga sundalo noong World War II.

Kalaunan, bumukod siya sa business ng kanyang ninang at nag-expand ng kanyang horizons.

“I felt like I needed to grow more. It’s not that I’m not growing there. I just felt like it’s time for me to spread my wings,” paliwanag ni Tootsie.

HOSPITAL EXECUTIVE

Malayo na nga ang nararating ni Tootsie nang magdesisyong sumuong sa kanyang journey into the healthcare industry—home care, assisted living, at nursing homes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, “Naging director of sales ako many times and then na-promote ako three times sa regional.

“I remember my first regional business development job sa nursing home. Twenty-three buildings ko from The Valley all the way to San Diego.”

Sabi pa ni Tootsie, nang unang makatanggap ng promotion, “I cried. I still remember up to this day, tears of joy…

“Kasi magkano lang yung salary ko nun. Nag-jump ng 30 grand [PHP1.6 million] kasi regional.”

Hindi binanggit ni Tootsie kung monthly ang “30 grand.”

Dagdag pa niya, “Tawag ako sa asawa ako. I was crying. He couldn’t understand.

“And finally I said, ‘I felt like I won the lottery...' coz I was computing it in pesos.”

Pero pagkabig niya, “But the point is, Amerika ito and ang sarap nung pakiramdam.”

Tootsie Guevarra singing
Tootsie continues to sing in shows of the Filipino community in the U.S.
Photo/s: @tootsieguevarra on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad din ni Tootsie na sa kanyang pinagdaanan ay may mga tao at nakatrabahong hindi naging mabait sa kanya subalit naging mabuti pa rin ang kanyang pakikitungo.

Natutunan daw niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng positibong pananaw sa anumang sitwasyon. Hindi man ito madali, mas maganda naman daw ang ibubunga nito.

Hindi rin daw siya nakakalimot sa mga taong naging instrumento para marating niya ang kanyang kinatatayuan ngayon.

Batay rin sa kanyang Instagram posts, patuloy si Tootsie sa pagiging singer at pagpe-perform sa mga show ng Filipino community sa U.S.

Sa kasalukyan ay dalawa na ang kanyang anak.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From an OPM singer in the '90s to early 2000, Tootsie Guevarra succeeds in building a career in the U.S. healthcare industry. She is now a hospital executive in California.
PHOTO/S: @tootsieguevarra on Instagram / 24-7pressrelease.com Star Music
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results