PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tessie Tomas drinks wine before doing nude scene in "100"

Tessies admits drinking wine before doing the scene.
by Rose Garcia
Published Jul 16, 2008
"Ang talagang muntik lang akong hindi matuloy dahil doon sa skinny-dipping. E, hindi naman talaga madaling gawin, di ba? Pero ngayong sinabi nilang maganda raw ang puwet ko, okey rin!" says Ms. Tessie Tomas.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Tessie Tomas pagkatapos ng screening ng indie film na 100 sa Cinemalaya sa Cultural Center of the Philippines kagabi, July 15. Si Tessie ang gumanap bilang ina ni Mylene Dizon sa 100, isa sa competing films sa Cinemalaya, at marami ang nagulat sa ginawa niya sa isang eksena sa pelikula.

Ayon kay Tessie, natutuwa raw siya sa nakitang response ng tao sa movie nila.

"Hindi ko inakalang ganoon ang response. Para kasing kapag una mong pinanood, parang malungkot. Pero magaganda ang feedback na maganda raw ang treatment. Ang dami-raming compliments sa acting. So parang its worth it talaga. Literally, nakakalasing talaga," lahad ni Tessie.

Pagkabasa pa lang daw ni Tessie ng script ay nagustuhan na niya ito. Pero aminado siyang muntik na siyang hindi matuloy dahil sa eksenang skinny-dipping, kung saan ni-require talaga sila nina Mylene at Eugene Domingo na maghubad ng lahat ng damit nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang talagang muntik lang akong hindi matuloy dahil doon sa skinny-dipping. E, hindi naman talaga madaling gawin, di ba? Pero ngayong sinabi nilang maganda raw ang puwet ko, okey rin!" tawa ng ace comedienne.

Matinding kumbinsihan nga raw bago napapayag si Tessie na tanggapin ang role at, higit sa lahat, pumayag na mag-skinny-dipping sa isang eksena. Sa buong career nga naman niya, ngayon pa lang siya napapayag na maghubad.

"Ni-refer ko sa asawa ko [Roger Pullin]. Noong sinabi ng asawa ko na, okey ako. Tumawa lang siya. Parang lumakas na rin ang loob ko. At saka sabi ng director [Chris Martinez], ‘Just trust me kasi, malayo naman ang shot,' which is right. And after that, parang baptism of fire sa akin yun that there's nothing to be embarrassed for as long as it's called for," lahad niya.

Totoo raw na tinulungan siya ng mga co-stars niya na sina Mylene at Eugene para lumakas ang loob niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento niya, "Pinainom nila ako ng wine. Siguro naka-pangatlong glass ng wine na yun kaya medyo dark na ang labi ko. Kung mapapanood mo ulit, makikita n'yo na medyo dark na, tipsy na ako ro'n."

After doing that scene, pakiramdam daw niya ay nagkaroon na siya ng katapangan in accepting more daring roles.

"Siguro ang gagawin ko muna, mas pagandahin ko pa ang katawan ko. Para mas may confidence pa. Siyempre, iniisip mo, ‘Ang taba-taba mo!' So, mas papagandahin ko pa ang katawan ko and then, I can accept more daring roles. Pero ang importante, called for. At saka sa kabuuan, kailangan yung eksenang yun, di ba?" saad ni Tessie.

Pangatlong independent film na raw ni Tessie ang 100. Pero basta may magandang material, talagang ginagawa at sinusuportahan niya ang mga indie movies.

"Basta maganda ang role, tinatanggap ko kahit mababa ang budget," sabi ni Tessie bilang pangwakas.
Read Next
Read More Stories About
Tessie Tomas
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang talagang muntik lang akong hindi matuloy dahil doon sa skinny-dipping. E, hindi naman talaga madaling gawin, di ba? Pero ngayong sinabi nilang maganda raw ang puwet ko, okey rin!" says Ms. Tessie Tomas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results