Nag-reconnect ba si KC Concepcion at ex-boyfriend na si Aly Borromeo?
Read: KC Concepcion "kilig to the bones" with rumored boyfriend Aly Borromeo
Kagabi, October 7, 2024, ibinahagi ni KC sa Instagram followers na dumalo siya sa Azkals Celebrity Cup kunsaan kabilang si Aly sa mga manlalaro.
Makikita si Aly sa short video clip mula sa football game na nakapaloob sa Instagram carousel.
Caption ni KC, masaya siyang muling makapanood ng football kasama ng kanyang "crew" at ng kanyang "football fam."

At the Azkals' Celebrity Cup held on October 7, 2024.
Sa comments section ng IG ni KC, isa sa mga nag-iwan ng mensahe ay ang kapatid ni Aly na si Annie na hindi nakapanood ng game.
Sumagot si KC na na-miss niya si Annie.

Walang bakas ng reaksiyon si Aly.
Sa hiwalay namang IG post ni Aly, nagbahagi siya ng litrato ng kanyang team.

KC CONCEPCION AND ALY BORROMEO IN PARIS
Pero kamakailan, nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source sa kampo ni Aly na tila nag-reconnect ang ex-couple.
Tinutukso rin daw sina Aly at KC ng common friends nila.
Noong August 2 ay nagpahiwatig na si KC na magkasama sila ni Aly sa Paris.
May IG story si KC kunsaan makikita ang putol na mukha ni Aly, tanging ang man bun nito at nakapikit na mata ang nakunan ng camera.
Kuha ang litrato sa tapat ng Vacheron Constantin boutique sa may Rue Danielle Casanova.

Dalawang taong magkasintahan sina KC at Aly bago sila naghiwalay noong March 2018.
Ipinahiwatig noon ni KC na maayos ang hiwalayan nila ni Aly, at "timing" lamang ang naging isyu nila.
"If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then," bahagi pa ng pahayag noon ni KC.
Nagpokus si Aly sa career nito, at sinusuportahan daw ni KC iyon.
Read: KC Concepcion finally confirms breakup with Aly Borromeo
Noong magkasintahan sila, parehong may basbas ng kanilang pamilya ang kanilang relasyon.
Ang huling nakarelasyon ni KC ay si Mike Wuethrich, isang Filipino-Swiss na nagtratrabaho sa isang bangko sa Switzerland.
KC CONCEPCION BONDS WITH SISTER
Sa kabilang banda, masaya si KC na makapiling si Samantha Concepcion, kapatid niya sa amang si Gabby Concepcion.

Nagpalitan pa ng mensahe sina KC at Samantha sa comments section ng post ni KC.

Makikita rin sa carousel ni KC ang pagkikita nila ng kanyang kaanak na si Gab Valenciano.

Ani KC kay Gab, sana ay mag-get-together ang mga ito soon.

